Chapter Por

101 5 0
                                    

Chapter Por ~ Hashtag Medyo Stalker, MEDYO LANG ♡

•••

Maria Ysandra Xylenea's POV

"Sht, Tippy Marie! Naglalaway ka!" Ew. Taena talaga oh! Kung si sunako nag nonosebleed kapag nakakakita ng gwapo, sya naglalaway. Ugh!

"Ven.. Ang handsome mo.. V— *pok* AW! POTA!" Buti nga. -,-

"Bunganga mo oy! Sa susunod tutusukin ko na yang mata mo nang wala ka ng makita na gwapo. Ako ang nandidiri e. Nasan ang hustisya?!"

"Hustisya? WHY? SINONG DEAD?"

"Ay! Oo nga no? Wala namang namatay. Ewan! Kasi naman narinig ko lang yan, baka may namatay sakanila."

"Oh kay. Wait, where's Ven na? Kanina they're here pa ah?"

"Ayun na nga tanga, kanina pa umalis naglalaway ka pa."

"Hey shut your big bunganga! You saw din naman si Ace e."

"Sandali lang naman. Tss."

Pagkasabi ko nun, automatic na napatingin kami sa isa't isa.

"Naiisip mo ba ang naiisip ko?" Tanong ko.

"Ohmy! C'mon na, baka they're malayo na!"

Kung iniisip nyo na susundan namin sila, HA! Ano kami, stalker? Teka, AY! Oo nga stalker kami. Hihi, sorry naman.

"Sandali lang naman, di pa ubos tong cake!" Reklamo ko sabay subo ng cake ng buo, kalahati nalang naman e. :)

"Let's takbo na! Fasteeeer!" Sigaw ni tippy.

TAKBO

HANAP

TAKBO

HANAP

TAKBO

HANAP

TAK—

"Waaaaaait! Sshh. Nakita ko na sila." Sabi ko sabay hila kay tippy papunta sa likod ng pader.

"Prenship! I remember merong try out later yung basketball team." Sabi ni tippy with matching talon talon pa.

"Eh ano? Di naman sila Ace yung maglal—" Napatigil ako sa pagsasalita nung hinila ako ni Tippy.

Nung tumigil na sya kakahila sakin, napansin kong nasa likod na kami ng gym. May mga puno-puno dito, at dito dumadaan yung mga nagcucuttin— HALA! CUTTING?! MAGCUCUTTING SILA!

Putek, di pwede to! Binatukan ko nga si tippy.

"Arouch naman prenship! Im a battered bestfriend na talaga ha!"

"Pinagsama mo pa yung Aray at ouch, pareho lang naman! At isa pa di ka pa battered bestfriend kasi di pa kita nabubugbog, pero alam mo malapit ka na talagang mabugbog sakin!" Sermon ko.

"Bakit tayo nasa likod ng gym ha? Gusto mo bang makipag-usap sa guidance counselor nating sobrang hinhin?!"

Yun kasi ang parusa sa mga magcucutting at lalabas ng school habang di pa tapos lahat ng klase mo. Makikipag-usap ka sa guidance counselor namin na sobrang hinhin, pag sinabi kong sobra, as in sobra talaga; Yung tipong pag may sunog, sisigaw sya pero yung sigaw nya sya lang ang nakakarinig sa sobrang hina.

Yun na yata ang worse na parusa sa amin dito, kumbaga mas gusto pa naming makulong kesa makipag-usap sa kanya. Meron ngang nahimatay nung pinakausap sakanya e. Aatakihin ka ng boredom kapag kinausap mo sya.

LuckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon