Chapter Payb ~ Pegebeg <3
•••
Ethan James' POV
| Try out |
Kakatapos ko lang magbihis, sinuot ko yung jersey ko nung nasa Kaneston pa ko.
Lorenzo 29
Transferee ako nun sa Kaneston, 1st year ako. Nag try out din ako para maging varsity. Simula noon hanggang last year nung 3rd year pa ko varsity ako ng basketball.
***
Ilang oras na din akong di mapakali dahil sa punyemas na Brent na yun! Naglalakad ako pabalik balik hinihintay na dumating si Brent sabay sabing 'Uy P*ny*ta kong bespren! Iche-cheer kita, pramis.'
Hinihintay kong mangyari yun pero ayoko din. Kinikilabutan ako pag naaalala ko yung huling pagche-cheer nya sakin.
<FLASHBACK>
May laro kami ngayon, kalaban namin yung Hey School. Nagbibihis na kami para practice nalang mamaya.
"Oh Lorenzo, nasan na si Javier?"
Tanong nung kateam mate namin.
"Ewan, baka dumiretsong mental, sya na yata mismo sumuko." Sabi ko, nagtawanan naman silang lahat.
"Ansaya nyo ah?!" Bigla naman sumulpot si Brent.
"Wala ka e. Magbihis ka na ipapatakbo nanaman sayo ni coach yung buong gym 30 times, late ka nanaman. Di ka ba nagsasawa?" Sabi ng isa pa naming kateam mate.
"Bakit di nyo itry, para malaman nyo kung nakakasawa ba. Di ako maglalaro ngayon ipapasok daw muna si Ruiz." Hala? Ano daw?
"Paano yun? Duo kayo ni Lorenzo diba? Di pwede yun." Reklamo nung isa.
"Oo nga brent! Sabihin mo na 'joke lang, gulat kayo no?' Luma na yan e, iba naman." Ako.
"Ay, Kulet din ng lahi nyo no? Di na nga ko nagjojoke! Duo pa din tayo bespren iche-cheer kita, pramis." Seryosong sabi ni Brent.
"Sige na maghahanda pa ko sa pagche-cheer sayo! Babayu." Dagdag nya sabay alis.
Ano nanaman kayang kalokohan ang gagawin nun? Siguraduhin lang nyang di ako mapapahiya, nako talaga! Humanda sya sakin pag nagkataon.
***
Nagsimula na ang game lamang yung Hey School, 19 - 14 Di ko pa din makita yung brent na yun. Kinakabahan ako sa gagawin nya e. Pisti talaga o!
"Ano ba? Sabi ko dumipensa kayo diba? Wag puro offense! Di talaga tayo makaka-lamang pag ganun okay?! Ikaw Ruiz yung rebound, ikaw bahala dun maliwanag? Sige na, tandaan nyo ha!" Galit na si Coach, OA naman nito e. Lima lang naman yung lamang.
Natapos na yung 2nd at 3rd quarter, nakahabol na kami at nakalamang na din. Kung kanina galit na galit si coach ngayon ngingiti ngiti na.
At kung kelan di ko na sya hinahanap tsaka sya lumutang. Bad timing kasi 3 nalang yung lamang namin. At ang malupit pa nakapang cheer leader costume sya at nakawig. Nesp*ta ka Javier! Papatayin talaga kita!
Sa last minute sumasayaw sayaw na sya. Ang galing effective nga! EFFECTIVE SA KALABAN! SILA NA YUNG LAMANG SHT! At hanggang sa matapos sila pa din yung lamang. Kaya ayun talo kami. Kami pa ang naparusahan. Kasalanan to ni Javier! Argh! -,-
<END OF FLASHBACK>
"Oh Ethan tol! Andito ka pala. Magsisimula na yung try out sama ka na samin." Sabi sakin ni Traven yung nagtanong sakin kanina.
"Ah sige." Sabi ko, tsaka sumabay sakanila papuntang gym.
Wag sanang pumunta si brent
Wag sanang pumunta si brent
Wag sanang pumunta si brent
Wag sanang pumunta si brent
Wag sanang pumunta si brent
Wag sanang pumunta si brent
Paulit ulit kong sabi sa isip ko, malay natin tumalab diba? Gusto kong makapasok sa basketball varsity kaya di pwedeng pumunta sya dito. Isa pa ayokong mapahiya ngayong first day!
"BESPREEEEEEEN!" NAKO HINDI! DI PWEDE 'TO! SHT LANG TALAGA OH!
"BESPREN! UY!" Nesp*ta ka talaga javier! Bakit ka pumunta!
*Light bulb
Aha! Papa-alisin ko nalang sya tutal di pa naman nagsisimula yung try out kaya go lang! Talino ko talaga. Gwapo pa! Saan ka pa?
( Keyt: Ang hangin, shez! Tatangayin ata ako. Heeeelp! )
Help mo your face! HA! Lumingon na agad ako para mapa alis ko na yung pisting si br— Teka hindi si brent to!
"Bespren uy! Galit ka ba sakin? Sorry na ha?" Sabi ng babae dun sa lalaki na bespren nya DAW. Eh halata namang gusto sya nung lalaki.
Manhid naman kasi netong babae, Psh. Akala nya siguro maganda yung ginagawa nya, di nya alam nakakasakit sya -,-
Etong lalaki naman may pabespren bespren pang nalalaman gusto naman nya! Torpe naman neto! -,-
BAGAY KAYO! MAGSAMA KAYO!
Dapat kasi umamin nalang sya, what if gusto din sya? Mamaya huli na ang lahat. Sya din ang masasaktan sa huli.
***
Bumalik na ko sa bench at nagsimula na ang try out para sa varsity.
Natanggap ako syempre. Hahahahaha pero may ibabalita ako, yung magbespren kanina...
Magkaholding hands
Ang sweet
At Mukhang nagka-aminan na
Pagibig nga naman. :)
☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡
Keyt's Note: Di nya alam mararanasan nya rin ang ma-bestfriendzoned. Wahahahaha. ^O^ Pegebeg, Pegebeg. XD
Heythere! Pasensya na kung isang Chapter isang POV lang yung nagagawa ko. Sa mga di po nakaka-alam naka mobile lang po ako kaya medyo mahirap po, pero nagagawa ko naman. Tsaka di rin ako nakakapag-dedic dito pag nakamobile. Try ko nalang kung makapag-comp ako tsaka ko i-dedic sainyo. Kung hindi naman, batiin ko nalang kayo dito sa Keyt's note. :)
Itatry ko na po sa mga susunod na chapters ang maglagay ng ibang POV. So ayun sorry po ulit! Vote and comment po. Pwede din po kayong magsuggest, comment nalang or pm nyo ko.
Tweet nyo ko, @iCookieMonstaaa
Thanky! :* xoxo.
BINABASA MO ANG
Lucky
Teen FictionMasasabi mo bang you're lucky, kung inlove ka sa bestfriend mo? At ang malupit pa dito, di ka pa nakakapag-confess friendzoned ka na agad. Ano? Ang sakit diba? Ang swerte grabe! *insert sarcasm here* Anong gagawin mo kung nasa ganito kang sitwasyon...