Chapter Ten ~ My savior, My Bestfriend ♡
~
Maria Ysandra Xylenea's POV
"Ugh. Aww." Kakagising ko lang pero ansakit na ng ulo ko.
Ano bang nangyari? Bakit parang di ata ako kumain ng isang taon at masakit nanaman yung tiyan ko?
"Myx! Gising ka na pala. Gutom ka na ba? Anong masakit sayo? May gusto ka ba?" Nabigla ako nang pumasok si Ethan.
"Makapagtanong naman 'to wagas. Parang armalite na yung bunganga mo 'ratatatatat' Pwedeng isa isa lang? Mahina kalaban oy."
"Tss. Dapat sa St. Luke's nalang ako kumuha ng doctor, ang sabi nilalagnat ka dahil sa over fatigue. Pero bakit parang hindi naman?"
"Over fatigue? Bakit?"
"Eh diba nga naligaw ka kani-"
"Heperep pep! Tama na naalala ko na. Anong oras na pala?"
"Ten-thirty ng gabi."
"Eh kaya naman pala nagrereklamo na yung mga alaga ko sa tiyan, tagal ko palang matulog."
"Eh kung hindi kasi piattos at softdrinks lang yung binili mo edi sana hindi ka gutom."
"Bla bla bla, whatever. Wait, anong nangyari sayo bakit may pasa ka?" Tanong ko. Aba malay ko ba kung gangster 'to sa kanto.
"Sinuntok kasi ako nung lasing na kausap mo kanina."
"Ha? Hala, sama ka sakin sa kusina. Andun yung medicine kit ni mama." Sabi ko sabay takbo sa baba.
***
"ARAY KO NAMAN MYX!" Ethan.
"AWWSHT! ANO BA MASAKIT OY!" Ethan ulit.
"AH! FVDGE MYX DAHAN DAHAN KASI!" ETHAN NANAMAN.
"ANO BA? GAGAMUTIN MO BA KO O PAPATAYIN MO NA KO?" NARIRINDI NA KO ETHAN AH!
"JUTANGINEZ WITH A Z ETHAN AH! PAPATAYIN TALAGA KITA PAG DI KA NANAHIMIK! ISASAKSAK KO 'TONG COTTON BALL NA MAY BETADINE SA LALAMUNAN MO PAG DI KA PA NANAHIMIK."
Haaaay salamat, nanahimik din. Nakakainis kasi! Siya na nga 'tong ginagamot yung sugat magrereklamo pa. Though, may kasalanan din naman ako kasi kung di dahil sakin hindi naman sya masusuntok e diba? Aynako! Yun na nga e, bumabawi na ko tas ang choosy pa nya.
Mapagkakatiwalaan ko na kaya sya? Well, ayoko na kasi magtiwala agad sa isang tao. Mahirap na, mamaya yung taong pinagkakatiwalaan mo ng sobra sya pa yung mang-iiwan at mananakit sa'yo.
Bukod sa pamilya ko, si Tippy palang yung pinagkakatiwalaan ko ng sobra kasi hindi ako iiwan nyan. Pwera lang sa ginawa nya kanina. I mean, hindi nya ko iiwan pag may nagawa akong mali. Sasamahan pa nya ko at sasabihing ginawa nya din yung ginawa ko. Hindi katulad nung taong yun. Kaya mahal ko yan si Tippy kahit hindi halata.
Siguro mapagkakatiwalaan ko na si Ethan. Kaso, pumayag ka siya?
***
Ethan James' POV
Bakit ganun si Myx? Nakatulala na tapos biglang sasama yung tingin, tas mamaya magtataka, tapos mamaya ngingiti? Hindi kaya may saltik na 'to?
"Ahm, myx? Okay ka lang? Gutom ka na ba?"
"HA? Ah s-sige sige. Ano bang pagkain meron?"
"Ah, nagluto ako kanina ng sopas pagkaalis ng mama nating tatlo nila Tippy. Bukas pa daw uwi nila kasama si Yan-yan. Si Ate kaka-alis lang magsi-sleepover sa kaklase nya. Tapos si Tippy andun sa isang guest room dont make istorbo daw."
"Ah, hindi ka din madaldal no? Tinanong ko lang kung anong pagkain meron, andami mo nang sinabi."
"Tss, pasensya nageexplain lang para alam mo."
Nagsimula na kong maglagay sa bowl ng sopas. Hindi lang naman ako yung nagluto neto tinulungan ako ni Ate Je tsaka ni Tippy. Kani kanina lang 'to kaya mainit pa.
"Ah ano, Ethan. May itatanong lang sana ko sayo kung okay lang." Nagaalangan nyang tanong sakin. Ano kaya yun?
"Sige ano yun?"
"P-pwede ba kitang maging bestfriend?"
"AW! ARAY ARAY SHT! ANSAKET!"
"Hala hala, anyare?"
"AW, ANG INET NAPASO AKO! AAAH!" Sigaw ko sabay bukas ng gripo. Ugh! Ansakit.
"Hala, sorry Ethan ah. Nabigla ba kita?"
"AY HINDI! E kasi naman ang pagkakaalam ko hate na hate mo ko, tas magtatanong ka ngayon kung pwede mo kong maging bestfriend? Anyare?"
"Bakit? Ayaw mo ba?"
"Hindi naman kaso kasi nagulat lang talaga ko. Pero sure ka?"
"Oo naman, nailigtas mo na yung buhay ko. Mapagkakatiwalaan na siguro kita." Sabi nya sabay ngiti sakin. First time ' to ah.
"Ah ganun ba? Okay."
"Okay? As in magbestfriends na tayo? Totoong totoong totoo?"
"Uh, pwedeng pagisipan muna?"
"H-ha? Ah, okay sige."
Ano bang gagawin ko?
Papayag ba ko?
"Sige simula ngayon magbestfriends na tayo." Sabi ko habang nakangiti sakanya.
"Kyaaaaaaa! May bago na ko bestfrieeeeend! Ohmyhellafrkng gosh! Yiieee! I love you bestfriend!" Sigaw nya habang yakap yakap ako at niyuyugyog pa.
Okay, anong ginawa ko? *face palm*
☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡
K/n:
Ohmyhellafrkng gosh. Magsisimula na ang totoong story. Sa mga readers, kung meron man. Hahaha, handa na ba kayo sa star flyer ride? Nakakasawa na ang roller coaster ride e. We will rise up na guys. Lez do thiz with a zee lez go. Malapit nyo na makilala ang desperadang kontrabida. Im so excited. Chos.
Ang bagong magbestfriends at the media, Myx and Ethan. #MyThanCouple or #EthYxCouple? Ano mas bagay? Help meeee!
Xoxo,
커이 트 ❤
Ps: Happy 123 reads! Hahahaha, hihintayin ko yung 143. labya guys. :*
BINABASA MO ANG
Lucky
Teen FictionMasasabi mo bang you're lucky, kung inlove ka sa bestfriend mo? At ang malupit pa dito, di ka pa nakakapag-confess friendzoned ka na agad. Ano? Ang sakit diba? Ang swerte grabe! *insert sarcasm here* Anong gagawin mo kung nasa ganito kang sitwasyon...