Chapter 21

21.6K 139 0
                                    

Sarah POV

Isang buwan na simula ng mangyari ang lahat lahat ng problema sa akin

Narito narin kami sa pilipinas ni kuya nithan at nandito ako sa bahay nya

Ang yaman talaga ni Nithan

Kahit dito sa pilipinas ay may bahay sya

Kaming dalawa lang ang narito

Kaso nga lang ay minsan ay hindi na ito nakakauwi sa bahay

Kapag tinatanong ko naman ay nasa meeting o hindi kaya ay nasa trabaho sya

Kaya hinahayaan ko nalang

Narito lang ako sa bahay at kahit saglit ay hindi na dumaan sa isip ko ang lumabas o gumala kahit na meron akong trabaho sa labas ay hindi ko na nagawang pumasok dahil ang sakit sakit parin ang nangyari

Nababagot na ako sa bahay dahil ako lang dito at kapag umuuwi naman si nithan ay gabi na

Napahinga ako ng malalim at hindi sinasadyang matitigan ang sarili sa salamin

Ako ba ito?

Bakit ganito para na akong losyang sa itsura ko

Siguro ito na yung oras para mag move on na sa nangyaring yun

Kahit na masakit na itinakwil ako ng Mom ko ay dapat kong harapin ang consequence ko

Umakyat na ako at naligo saka nagbihis ng isang simpleng puting bistida na hapit na hapit sa katawan ko dahilan para bumakat ang sexy kong katawan
At naglagay ng konting make-up

"Perfect"-nakangiteng sabi ko habang nakatingin sa salamin

Siguro mag eenjoy muna ako ngayong araw

Nang matapos na ako mag ayos ay bumaba na ako at lumabas na ng bahay at bago tuluyang unalis ay tinignan ko kubg naka lock o sarado ang mga bintana

Nang masiguro kong lock ang lahat ay umalis na ako

Hmmm saan kaya ako unang pupunta

Ahh alam kona sa mall nalang kaya tutal ay bibili ako ng bagong damit

Pumara ako ng taxi at agad na sumakay

"Kuya sa Mall po"-sabi ko

Agad namang pinaandar ni manong ang sinasakyan naming taxi

Tanghali ngayon

Maya maya nakarating na kami sa mall

"Ito po keep the change"-sabi ko at ibinigay yung 1k

Agad naman akong bumaba at pumasok sa mall

Naglakad lakad ako para maghanap ng mga damit na bibilihin ko

Habang nagtitingin ako ay hindi sinasadyang may mabangga ako at matapos sa akin ang malamig na iniinom nito

"Sorry miss"-sabi nito at iniaabot sa akin ang tissue

Agad ko namang kinuha yun at pinunasan ang damit ko pero dahil may kulay yung natapon sa akin ay hindi natanggal ang kulay dilaw na likido sa puting damit ko

"Ang dumi na ng damit ko"-nakasimangot na sabi ko at tumingin sa lalaki

"Ibibili nalang kita miss sorry talaga"-sabi nito habang kumakamot sa ulo

Actually cute naman sya

Hinila naman ako nito papasok sa isang store

"Pili ka kung anong gusto mo by the way im Gabriel Alvarez"-nakangiteng sabi nito

Hmmm parang familiar yung pangalan nya

"Im Sarah Mendoza"-sabi ko at inabot ang kamay nya

"Ikaw si sarah yung Muse noong 4th year high?"-pag kukumpirma nito

"Oo paano mo nalaman?"-sabi ko dito

"Ako kaya yung Escort mo doon pero hindi kita nakilala ahh mas lalo kang gumanda at ang sexy mo na lalo"-sabi nito habang nakangite

"Hehe bolero"-sabi ko dito at tumawa

"Seryoso teka asana ang mga kaybigan mmo si jenny at glenda?"-pag tatanong nito

"Ahh sila nag tatrabaho na sila at isang buwan ko narin silang hindi nakikita"-sabi ko

"Ahh ganun ba may kasama ka?"-pagtatanong nito

Umiling lang ako

"Sige magpapalit muna ako"-sabi ko at kinuha yung kulay red na short at isang off shoulder na damit saka pumasok sa dressing room

Nang makapag bihis na ako ay lumabas na ako

Hinila naman ako ni Gabriel palabas at dumaretsyo kami sa malapit na kainan

"Hehe sorry kung hinigit kita"-sabi nito at kumamot nanaman sa ulo

"Ok lang nagugutom narin ako"-sabi ko dito

Umorder na ito at pinagmamasdan ko lang syang mag salita

Maya maya dumating na yung order namin kaya kumain na kami

Tahimik lang kaming kumakain

Sex with my Step Brother(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon