3rd person's POV
2 years later
Makalipas ang dalawang taon ay nanatiling mapayapa ang kanilang village
Lumaki na sila Hunter, Grey at si Zilla at ay nagdadalaga na
"Hunter, sama ka samin mamaya pupunta kami nila Grey sa kabilang bayan" presenta sa kaniya ni Zilla nung nakalapit ito sa kaniya
Tumayo si Hunter sa kaniyang inuupuan
"Alam mo naman na hanggang ngayon ay hindi ako pinapayagang lumabas hindi ba?" pabalik na tanong ni Hunter kay Zilla at dahil dun ay lumungkot ang mukha ni Zilla
"Ay oo nga, pasensya na Hunter" paumanhing sabi ni Zilla "Sige mauna na ako baka hinahanap na ako eh" dagdag ni Zilla saka tumayo na rin sa kinauupuan nito
Nasa mga bulaklak sila, ang raming magagandang bulaklak ang naririto at halos iba iba ang kulay
Napabuntong hininga si Hunter at nag isip isip
Kasi hanggang ngayon ay hindi parin niya batid kung ano ang kaniyang kapangyarihan at nawawalan na siya ng pag asang matuklasan ito
At hindi rin niya alam na sinusubaybayan parin siya ng matanda, nagpapakita sa kaniya ang matanda ng isang beses sa isang taon at nag uusap sila pero hindi rin tumatagal
Meron tatlong habilin ang matanda sa kaniya
Una ay mag ingat siya at matutuklasan niya rin balang araw ang kaniyang kapangyarihan
Pangalawa ay huwag na huwag siyang sasama sa mga Dracons anu man ang mangyari dahil malaki ang magiging kabayaran ng mundo
Nagtaka nga siya kung bakit sinabi sa kaniya ng matanda iyon ay dahil hindi naman daw siya sasama sa mga Dracons dahil alam niyang masasama ito
At ang pang huli ay
Pangatlo ay Magiging malaki ang parte ng kaniyang pagkatao sa mundo
At yun ang huling habilin sa kaniya ng matanda nung huli silang magkita
Pero di niya alam ay patuloy lang sa pagmamasid ang matanda sa kaniya
Humiga uli si Hunter at inilagay uli ang kaniyang kamay sa likod ng kaniyang ulo
Tumingala lang siya sa langit at pinagmamasdan ang tirik na araw, hindi siya nasisilaw sa araw sa hindi malamang dahilan at siya lang ang nakakaalam nito
Kasi simula nung may nakita siyang nahulog na puting ilaw nung nakaraang dalawang taon pagkatapos nila magusap noong matanda ay hindi na siya nasasakitan tuwing tinitingnan niya ng deretso ang araw
At dahil roon ay nakikita niya ng malinaw ang araw
"Oh ijo, nagkita uli tayo" biglang singit ng matanda
Deretsong napatingin si Hunter sa matanda at ngumiti
"Oo nga ho Sensei Romi" magalang na sagot ni Hunter
Umupo sa tabi ni Hunter si Sensei Romi
Iyon ang pangalan ng matanda kasi nagpakilala ito sa kaniya noong pangalawang pagkikita nila
"Hunter, mas lalo kang mag iingat ngayon dahil may nababatid akong malaking kapahamakan na mangyayare" biglaang sabi ni Sensei Romi
Kaya kunot noong tiningnan siya ni Hunter
"Ano pong kapahamakan ang mangyayare?" takang tanong ni Hunter
"Hindi ko rin alam basta mag iingat ka lalo" sabi nito uli
"Paano ho kayo?"
"Kaya ko ang sarili ko ijo at alalahanin mo lang ang sarili mo at ang pamilya mo" sabi ng matanda ng hindi tumitingin kay Hunter
At si Hunter naman ay mas lalong kumunot ang noo
"Oh sige ijo, mauuna na ako" sabi ng matanda at tumayo
Pero bago pa siya tuluyang makatayo ay pinigilan siya ni Hunter
"Anong magiging parte ko sa mundo?" tanong ni Hunter at tiningnan ang matanda
Napatigil ang matanda at humarap kay Hunter
"Malalaman mo yan Hunter sa tamang panahon" sabi ng matanda at tuluyan ng umalis
Naiwan si Hunter na natulala sa sinabi ng matanda sa kaniya
Marami pa siyang gustong tanungin pero hindi niya na ito magagawa dahil alam niyang matagal pa uli kung kailan magpapakita sa kaniya ang matanda
Makalipas ang ilang minuto ay napag isipan niyang tumayo na
Napagtanto niyang pumunta sa puno na pinupuntahan nila
Ito yung pinakamalaking puno at dito sila laging tumatambay kasama sila Zilla at Grey
Inakyat niya ang puno at umupo sa pwesto niyang sanga
Sumandig siya rito at pinagmasdan ang araw na kanina ay tirik pero ngayon ay pababa na
Ipinikit niya ang kaniyang mata para maka pahinga saglit
Pero pagkapikit niya ay may nakita siyang isang imahe ng isang village na inaatake ng mga ibang tao at nakita niya na may dalawang tao na biglang namatay sa harapan nito at dahil dun ay napadilat siya
Hindi niya makita kung sino ang namatay at hindi niya rin makita kung anong village at kung sino ang umaatake rito dahil malabo ang mga ito
Ngayon niya lang ito naranasan at hindi niya alam ay may tumulo na palang luha sa kaniyang mga mata
Agad niya itong pinunasan at nung lumubog na talaga ang araw ay napagpasiyahan na niyang umuwi
Pagkauwi niya ay deretso siyang humiga sa kaniyang kama at natulog na
_______________
_______________Chapter 3 is done!
Ano kaya ang nakita niya? Abangan!
Sana nagustuhan niyo!
XxDZEdRiC
YOU ARE READING
Fall Down
FantasyThe first fantasy story made by ItchuzakiFever! Suportahan niyo ko guys! Taglish ang language na gagamitin ko sa story na to..Advance Thank You! And Thanks To @Niranju98 for the cover! Date started:February 8 2019 Date ended:________________ XxDZEd...