Pag mamahal ay masarap na masakit kung minsan
Lungkot, sakit, at kirot ay hindi maiwasan
Pagiging matatag ang kailangan
Dahil mahirap maiwanan at mang-iwan
Pag-ibig ay laging may katumbas pag dumating
Pero minsan na 'kong napahiniling
Pwede bang saya, kilig, at pagmamahal na lamang?
Pero walang ganoon, malamang
Walang sarap kung walang sakit
Walang tamis kung walang pait
Walang saya kung walang lungkot
Walang kilig kung walang kirot
'Yan ang patakaran ng pag mamahalan
Handa ka bang ipag-laban?
Handa ka bang makipag sapalaran?
Dahil ito ang laban na walang sukuan
"Pag-ibig"
- Liyan
BINABASA MO ANG
Lost In Words
PoetryThis is a list of poems I made- english and tagalog. I admit that I'm not that good, because I'm still in the process of learning- but I asure you, that progress is coming. This is my heart's diary, enjoy reading! ♥