Isang lumang talaarawan
Ang aking natagpuan
Nais mo bang malaman ang laman?
Lungkot
Saya
Sakit
At kahihiyan lang naman
Na puro ikaw ang dahilan
Lungkot
Dahil pagmamahal sayo ay hindi mo pansin
Kahit na ilang ulit sabihin
Pilit pinaparamdam ngunit ako'y tinatawanan
Kataka-taka dahil ako'y seryoso naman
Saya
Dahil ako'y sayo naging mahalaga rin
Kahit na kapatid lang ang turing sa'kin
Ako'y nag papasalamat pa rin
Dahil sa buhay ko'y ikaw ay dumating
Sakit
Dahil sa huli ako'y iniwan mo lang din
Pero iniisip ko pa rin
Na ang ginawa mo ay pa rin sakin
Para ako'y di na mahulog pa ng malalim
At kahihiyan,
Dahil paulit-ulit kitang hinabol para lang ikaw ay mapasakin
Paulit-ulit gumawa ng paraan para ako'y wag mong iwan
Ngunit biglang sumagi sa aking isipan
Ako pala'y walang karapatan
Ngunit lahat ng iyon ay nakaraan
Tayo'y mag balik sa kasalukuyan
Napapangiti na lang tuwing sumasagi sa isipan
Isang masayang karansan
Isang magandang ala-alang tumatak sa isipan
Na minsan na 'kong nag mahal ng lubusan
"Talaarawan"
- Liyan

BINABASA MO ANG
Lost In Words
PoésieThis is a list of poems I made- english and tagalog. I admit that I'm not that good, because I'm still in the process of learning- but I asure you, that progress is coming. This is my heart's diary, enjoy reading! ♥