Taon dalawang libo't labing-anim ng ika-labing tatlo ng agosto
Ang eksaktong araw na nakilala kita
Ang eksaktong araw, na nakausap kita
Dito sa pekeng mundo
Kung saan hindi natin alam kung ano ang totoo--
Dahil pwede kang maging kahit sino
Pwede kang maging kahit ano.
Sa araw ding 'yon, nakaramdam na ko ng kakaiba
Na para bang matagal na kitang nakilala
Pamilyar na pakiramdam, na hindi ko alam kung pa'no nag simula
Pakiramdam na sa bawat araw-- lumalala
Araw-araw akong napapatanong no'n, "Ano bang pakiramdam 'to?"
Araw-araw napapaisip, "Bakit ikaw ang laging nasa isip ko?"
Nag tataka na rin ako sa pintig ng aking puso
Ganu'n rin sa sikmura kong parang may mga insekto tuwing makikita ang mensahe mo
Nag search pa nga 'ko kung anong klaseng pakiramdam 'yon
Inisip ko pa na baka may sakit ako sa puso kaya gano'n
O baka nababaliw na ko kasi nando'n ka kahit sa'king imahinasyon
Pati tyan ko nadadamay, akala ko lagi akong gutom
Pero 'yon pala, nagugustuhan na kita
Hindi ko alam kung pa'no pero nu'ng mga araw na 'yon
Gusto na kita-- mahal na nga ata
Hindi ko alam kung anong nagustuhan ko sa tulad mo
Tulad mong walang mata
utal
Tas panget pa
Pero nu'ng mga araw na 'yon, pinili kong sumugal
Nasabi ko na sa'king sarili, na maaari akong masaktan
Pero nasabi ko na rin, na handa ako, ano man ang kalabansan
Na kahit masakit alam ko na kaya ko 'yong maibsan
Pero hindi ko inakala na sobra pala
Hindi ko inakalang masakit pala talaga
Hindi ko inakalang nakakadurog pala ng sobra
Gan'to pala ang...
Pakiramdam ng magmahal
'Yong tipong sa sobrang sakit na nadulot sa'yo
Gugustuhin mo na lang s'yang kalimutan
'Yong mapapahiling ka na lang ng
"Sana sa buhay ko, hindi ka na lang dumaan"
Na sana, una pa lang, iniwasan ko na ang aking nararamdaman
Edi sana hindi ako patuloy na nasasaktan
Pero hindi
Dahil naiisip ko pa lang ang mga bagay na 'yan ay nasasaktan na 'ko
Dahil ang totoo
Ayaw kong kalimutan ang tulad mo
At nag papasalamat ako dahil dumating ka sa buhay ko
Masakit
Pero ikaw 'yong sakit na mahal ko
At mamahalin ko hanggang sunod na buhay ko
Ngayon at hanggang sa susunod
Pangako
Ikaw pa rin ang mag sisilbing "choice" ko
Hindi ka maaalis sa isip at lalong lalo na sa puso ko
Ikaw ang nag turo sa'kin ng mga bagay na hindi kayang ituro ng kahit sino
At 'yon ay ang mahalin ang tulad mo
Kung dumating ang araw na hindi na ikaw ang paksa ng aking mga tula
Kung dumating ang araw na hindi na ikaw ang aking metapora
Kung dumating ang araw na hindi na ikaw ang pangunahing karakter sa aking istorya
Kung dumating ang araw na hindi na ikaw ang laman ng lahat ng aking mga gawa
Pakatandaan mo na ikaw pa rin ang nagturo sa'kin sumulat
At hindi ka maalis sa mga 'to dahil siguradong may bahagi pa rin na ikaw ang tinutukoy ko
Siguro nga titigil na 'kong isulat kung ga'no ka kamahal ng manunula(t) na 'to
Pero hindi ang puso ko
Dahil patuloy kang mamahalin nito.
Dito sa pekeng mundo
Kung saan nakilala ko ang tulad mo
Kung saan may mga pekeng tao at pagkatao
Mananatiling totoo at puro ang pagmamahal ko
Mananatiling totoo ang mga pangako sa'yo
Mahal kita
Ikaw ang tulang hindi ko kayang wakasan pero kailangan
Kulang ang bawat linya at bawat salita para para patunayan
Ikaw 'yong pangungungusap na ayaw kong tuldukan
Kaya tuldok kuwit ang gagamitin kong katapusan;
"Hanggang sa Huli"
- Liyan

BINABASA MO ANG
Lost In Words
PoetryThis is a list of poems I made- english and tagalog. I admit that I'm not that good, because I'm still in the process of learning- but I asure you, that progress is coming. This is my heart's diary, enjoy reading! ♥