Pasensya na (Jokes of Life)

16 0 0
                                    

Hindi inakala na makilala ka
Ang layo ba naman natin sa isa't isa
Pero pinagtagpo parin tayo ni tadhana
Isang karangalan na ikaw ay aking makilala

Ilang taon na ang lumipas noong una tayong magkita
Hindi pa tayo gaano magkakilala
Hindi maiwasan na tayo'y magkahiyaan
Nang sinubukan kitang maging kaibigan

Mabuti nalang at mabait ka
Akala ko kasi noong una snobera ka
 Siniseen mo lang ang mga chat ko
Akala ko tuloy corny ang approach ko

Naging  kaibigan nanga kita
Kay sarap mong kausap lalo na pag ako ay may problema
Ang pag uusap natin hanggang sa magdamag na
Minsan hindi ko namamalayan ako ay nakatulog na

Lumipas ang isang taon na tayo ay magkaibigan
Hindi maiwasan na sayo ako ay may nararamdaman
Pilit ko pinipigilan ngunit nahihirapan
Hanggang umabot na tayo ay nagka aminan ng nararamdaman

Hindi ko akalain na parehas ang ating naararamdaman
Puso at isip ikaw palagi ang laman
Pero hindi kita kayang ligawan
Kasi alam ko sa huli ikaw ay aking masasaktan

Dumating nga ang panahon na aking kinatatakutan
May nakilala akong dalaga na aking napupusoan
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo
Na iyon na pala ang panahon na ika'y masasaktan

Pilit ko tinatago pero hindi talaga kaya
Hindi ko kaya magsinungaling sayo sinta
Masakit man pero sinabi ko talaga
Sinabi ko na may mahal na akong iba

Pinagpalit kita sa isang tao na hindi ko alam kung mamahalin ba ako
Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko
Bigla lang talaga tumibok ang puso ko sa kanya
Siguro dahil ikaw ay malayo at malapit lang siya

Pero sa huli bumalik din sa akin ang ginawa ko sayo
Minahal ko pero may iba palang gusto
Naramdaman ko ang sakit na binigay ko noon sayo
Kaya pasensya ka na kung ikaw ay pinagpalit ko

Salamat at tinanggap mo parin ako na kaibigan
Kahit labis na kitang nasaktan noon paman
Hindi nagbago ang  turing mo sa akin
Kay sarap isipin na tayo ay magkaibigan parin

Pasensya ka na sa sakit na dinulot ko sayo
Pasensya ka na kung ikaw ay pinagpalit ko
Pasensya ka na kung may minahal ako na ibang tao
Pasensy na talaga, yun lang ang aking masasabi sayo.

Untold HappinessWhere stories live. Discover now