Planning turned to Swimming [2/2] (ChapterFour)

86 1 0
                                    

Tin's POV

Ako si Tin. Bestfriend ni Pat. Sa sobrang close namin kung saan saan na ako nakakapunta dahil sa kanya. Andito kami ngayon sa resort kung san unang nagkita sina Jk at Pat. Andito kami para mag plano para sa birthday ni JK pero nauwi sa swimming. Hinahanap ko si Pat. Wala na siya sa pool. Pumunta ako sa hall ng hotel ng bigla akong may napakinig na tawanan galing sa taas. Tumaas ako. Sina Jervy Cjay at Pat pala. Inaasar nila si Jervy. Nakikitawa na lang ako sa topic nila. Pero etong si Pat mukhang pinag ttripan ako. Sabihin ba naman kay Cjay bababa muna sila. Edi kami lang ni Jervy sa rooftop. Umupo ako dun sa may gilid.

"Ah Tin dahan dahan baka mahulog ka diyan" sabi ni Jervy sakin. OMG. He knows me. Bumaba ako dun sa kinauupuan ko. Lumapit ako kay Jervy

"Kwentuhan mo nga ako" sabay naming imik.

"Osige ikaw muna" sabay ulit kami.

"Ayy ikaw muna" sabi ko

"Ladies should go first. So what are your interest?" tanong niya saken.

"sa lalake?" tanong ko.

"Yeah. Yung ideal man mo?" tanong ni Jervy sakin. Ngumiti ako. Taas noo.

"Yung magaling sumayaw, mabait, maalaga, maalalahanin at higit sa lahat yung kagaya mo syempre" sabi ko. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Napangiti siya.

"Ikaw?" tanong ko.

"Simple lang. Yung maganda, mabait, maalaga tska yung makakasama ko na makakapagpangiti sakin" sabi niya tapos ngumiti siya,

"Swerte ng mamahalin mo" sabi ko. Hirit lang. Isa lang.

"Bakit naman?" tanong niya.

"Mahal sila ng lalakeng mahal ko" sagot ko. Yes! Namula si Jervy! Haha

"Swerte ng mga yumayakap sayo"sabi niya. Ano to?

"Ha? Baket naman?" sabi ko sa kanya. Nacurious ako ang seryoso ng imik niya e.

"Kasi nayakap nila mundo ko" sabi ni Jervy.OMG. OMG. Sana naman may totoo dito sa sinasabi niya

"Joker ka talaga Jervy!"sabi ko sa kanya. Tunawa siya.

"Pinapakilig lang kita Tin!"sabi niya tapos tawa siya ng tawa.

"Bestfriends?" tanong ni Jervy sakin. Tumango ako tapos nag shake hands kami. Pababa na kami ng marinig namin si Cjay at Thea nag uusap sa may baba ng hagdan Tawa sila ng tawa.

"Balik na lang muna tayo sa taas"sabi ni Jervy sakin. Kaya bumalik kami sa taas.

"Jervy thankyou ha"sabi ko.

"Thankyou san?" tanong ni Jervy. Ngumiti lang ako.

"Kasi nakilala kita."sabi ko. Okay. Corny ko.

"Wala yon. Ako nga dapat mag thankyou e"sabi niya. Napangiti na naman ako.

"San naman?"tanong ko. Tumawa siya.

"Kasi kasama kita ngayon"sabi niya.

"Actually Tin ano kasi eh" may sasabihin na sana siya. Bigla lang bumukas yung pinto. Si Cjay at Thea nag aaya mag breakfast.

--

Thea's POV

I'm Althea Lim. Future Althea Lim-Doria! Haha guess what! I'm at the hotel stairs sitting with Cjay Doria. As in the Cjay Doria na future hubby ko. Haha lakas ko mangarap! Tinatanong niya ko kung ano favorites ko. Sagot lang ako ng sagot. Binabagalan ko sagot para sulit yung oras na kasama siya. haha

"Ang ganda mo Thea pag lagi kang nakangiti" sabi ni Cjay. Nabigla ako.

"Grabe? Thankyou Cjay" sabi ko.Nakakabigla kasi tong si Cjay. Topic namin yung mga moments nila sa workshop na kulitan kaya tumatawa ako.

"Wala yon. Totoo naman e" sabi ni Cjay. Nag bablush na ako. OMG. Cjay stop please.

Ngumiti siya. Okay. I think I just died. Yung ngiti niya. Yung dimples niya. Grabe ang gwapo talaga.

"Ang gwapo mo Cjay pag nakangiti"sabi ko. Pambawi sa puri niya saken e

"Salamat"sagot ni Cjay tapos ngumiti.

"Gutom ka na? Kain muna tayo Thea." sabi sakin ni Cjay. Medyo gutom na din nga naman ako pano ba 5:30 pa lang ng,umaga kumpleto na kami kina Yelle.

"Tara"sabi ko. Tumayo kami. Tapos naalala ko.

"Teka si Tin nasa taas"sabi ko kay Cjay.

"Ay oo nga pati si Jervy. Tara ayain natin"sabi ni Cjay. Pataas na kami nakasalubong na namin sila. Bumaba na kaming apat at sabay sabay kumain ng breakfast.

"Cjay, bagay sila noh?" sabi ko kay Cjay. Ngumiti siya.

"Oo nga eh. Pati si Rina at si Rj tapos si Viel at Ella"sabi niya sakin. E pano tayo?

"Oo nga e. Pati si Yelle at Klarenz din"sabi ko. Medyo natawa siya.

"Tapos kami ni Pat"sabi niya. Nanlaki mata ko nung sinabi niyang sila ni Pat. K. Si Pat gusto niya kaso may bf si Pat.

--

Rina's POV

Ako si Rina de Guzman. Ang baby/princess ni Patricia. Matagal na kami magkakakilala pero mas matagal kami ni Patricia. :) okay ngiti Rina. Kaya mo yan. Kalimutan mo na si Lance. Maghanap ka ng mapapaglibangan. At speaking of mapapaglibangan andito ako sa magandang view ng resort kasama si Rj. Ang sweet niya.

"Rina upo ka muna. 15 minutes ka na nag popose jan sa initan e" sabi ni Rj. Ngumiti ako. Tapos umupo dun sa may tabi niya.

"Ganda oh"sabi ni Rj tapos tumingin siya kay Rina.

"Haha salamat. Gwapo photographer e" sabi ko. Ngumiti siya. Napansin ko ang gwapo nga niya.

"Peram camera mo"sabi ko. Binigay niya. Sinabit ko sa leeg ko.

"Pwesto ka don" sabi ko kay Rj

"Baket?" sabi niya

"Basta dali ikaw naman mag pictorial"sabi ko tapos tumawa kami parehas. Nag wacky lang siya ng nag wacky pero ang cute. After 15 minutes. Umayaw na siya.

"Patingin nga"sabi niya tapos kinuha yung camera.

"Ay ang ganda. Photography passion mo?" tanong ni Rj sakin. Well, oo model si Lance e ako photographer nag iba lang nung hindi na kami.

"Dati"sagot ko.

"Bat mo tinigil? Ang galing mong photographer Rina. Ituloy mo."sabi ni Rj sakin. Napangiti ako.

"Teka. Dyan ka lang kukuhanin ko yung camera ko sa bag"sabi ko kay Rj tapos tumayo ako. Tumakbo papunta sa hotel room. Kinuha ko yung camera ko. Bumalik agad ako kay Rj.

"Eto yung dahilan kung bakit ako napahilig sa photography Rj"sabi ko tapos pinakita ko picture ni Lance. Tumango tango siya.

"Yan yon?" tanong niya. Tumango ako. Inakbayan niya ko.

"Look around Rina. Ang daming magagandang view. Mga kasing ganda mo. Who is he to waste your passion? Diba? Naging passion mo yan. Ipagpatuloy mo. Masaya yan"sabi ni Rj tapos pinagpalit camera namin. Dinelete niya lahat ng picture ni Lance dun sa camera ko. Okay lang. Binalik niya pagkatapos niya magdelete.

"Ganto. Sumama ka sakin lagi pag wala ka magawa. Pupunta tayo sa magagandang view"sabi ni Rj sakin. Ngumiti ako.

"Sige ba"sabi ko. Ngumiti siya.

"Smile more. You look more pretty when you're smiling" sabi ni Rj

"Compliment or insult? Haha de joke lang. Salamat"sabi ko tapos ngumiti ako.

"Gutom ka na ba?"tanong niya.

"Medyo. Kain tayo?" sabi ko sa kanya. Tumayo siya. Tinayo niya ko. Gentleman siya.

"Lets go?" sabi niya. Tapos sabay kami nglakad papunta sa resto ng hotel. Habang naglalakad pinipicturan ko siya pinipicturan niya ako. Tawa kami ng tawa.

--

Pretty Girls meets the Famous BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon