Chapter Seventeen

41 1 0
                                    

~Pat's POV~

Masakit pa. Pero aminado akong kayang kaya ni Jay pahilumin ang sugat sa puso ko ng madalian.

Nandito kami sa kusina ngayon. Kasama ko sina Mark, Thea at Yelle. Tapos sina Rina at Ella daw susunod sila. Si Tin daw iintayin pa si Jervy.

"Sino ba kasama ni Jay aalis?" Takang tanong ko. Dahil pagkagising ko ay yon ang pinag uusapan nila.

Napansin ko din na nung nakita nila ako gulat sila. Baket? Di ba ako welcome sa usapan nila? Hindi nila sinagot ang tanong ko. Edi wag -_-"

"Kumain ka na. Binili pa yan ni Jay para sayo" at inabot ni Mark ang cup noodles na binili daw ni Jay.

"Ano ba nangyare?" Tanong nila. Ngumiti lang ako at sumubo ng noodles

"Ayaw niya pag usapan. Wag muna ngayon. Sa susunod na lang" dagdag pa ni Mark. Kahit papano naman pala naiintindihan niya pa ako eh.

"Basta, Pat. Andito lang kami nina Jay para sayo" aba at si Jay talaga ang binanggit ni Thea!

"Si Jay talaga? Seryoso? Eh aalis siya diba?" Natatawang tanong ko. Nagkatinginan silang tatlo.

"Oh? Ba't iba tingin niyo? Ano yan? Anong balak niyo?" Tanong ko.

May iba sa tingin nilang tatlo eh.

"Tungkol sa pinag uusapan namin kanina Pat" si Mark ang nagsimula.

"Kasi ano.." Si Yelle

"Ano?" Deretsong tanong ko. Mukhang kinakabahan silang tatlong sabihin sakin kung ano yun -_-" baliw ata mga to

"Ano kasi yon? Hindi naman ako magagalit eh" dagdag ko pa.

Pansin ko nakatingin sina Mark at Yelle kay Thea. So si Thea pasimuno neto.

"Thea ano yon?" Tanong ko. Natigilan siya.

"Ako? Ba't ako? Si Yelle ang tanungin mo" sagot niya sakin.

Tumingin naman si Yelle sa kaniya tapos sakin.

"Ano. Si Thea kasi. Siya may pasimuno" nauutal na sabi ni Yelle.

Hahampasin na ni Thea si Yelle nang biglang pumagitna si Mark sa kanila.

"Ako na nga magsasabi!" Saad ni Mark.

"Ano ba yon?" Tanong ko. Ayaw kasi agad sabihin eh.

"Kasi Pat nagpaplano kami kanina kung paano mapapadali yung pag mu-move on mo kay Jk. Napag planuhan nam--"

"Alam niyo na?!" Pinutol ko ang sinasabi niya. Alam na pala nila tinanong pa kanina!!

"Oo. Tumawag si Jay kay Thea around 4am. Mabuti na lang at gising na si Thea. Nagtext siya kay Yelle at sinabi ni Yelle kay Klarenz. Sakto naman na nag babasketball na kami ni Klarenz kaya kasama ako dito ngayon" paliwanag ni Mark. Nasa harap ko na siya.

"Pat, you're going on an early vacation with Jay. Lumayo muna kayo ni Jay sa kanila. Sa tropa mo. Lalong lalo na kay Jk. Para sayo din 'to Pat" dagdag pa niya.

Lalayo ako? Sa kanila? Sa tropa? Oo kaya ko lumayo kay Jk, pero sa tropa? Hindi eh.

"Dadalawin naman namin kayo don sa pupuntahan niyo ni Jay eh. Weekly pupunta kami don Pat. After finals don na din kami Pat wag ka mag alala" paliwanag ni Yelle.

"Saan yon, gaano katagal at sino pa kasama?" Tanong ko. Sige papayag na ako. Alam kong ginagawa lang nila ang tingin nila'y makakabuti sakin."Sa Tagaytay. Sa resthouse nina Yelle. Just for a month. Kayo lang ni Jay" sagot ni Thea. Natigilan ako.

Pretty Girls meets the Famous BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon