Chapter Nine

45 2 0
                                    

Days passed. Ayos na kami ni Jay. Nakakalabas na kaming magkakaibigan ng sama sama. Masaya naman kaming lahat pag kumpleto. Asaran lagi.

Nandito kami ngayon sa Forever21 kasama ko syempre mga babae kaming magkakabarkada. Sina Jk naman nasa Nike Park magtitingin daw ng magandang sapatos si Migs e.

"Pat, kamusta naman kayo ni Jk?"tanong ni Rina sakin. Ngumiti ako.

"Ayos naman"sagot ko tapos lumabas ako ng Forever21

"Pat tara kina Klarenz" sabi ni Yelle

"Oh tara tawagin mo yung mga yon" sabi ko tapos inintay ko sila sa labas.

Nung nasa may Nike Park na kami. Nakita kong may kausap na babae si Jk. Di ko siya kilala. Nagtatawanan sila.

"Bibili akong vans dun tayo tara"sabi ni Tin at hinigit ako papalayo.

"Okay ka lang Pat?"tanong nila.

"Oo naman okay lang ako"sagot ko. Pero ang totoo hindi.

Tiningnan ko phone ko. 3 messages. Puro galing kay JK.

Hey. Come here. I miss you

Babe where are you?

Prinsesa ko. Asan ka ba?

Di ko nireplyan. Busy ako. Wag siyang magulo.

"Guys nagtext si Klarenz. Pumunta daw tayo dun"sabi ni Yelle. Maglalakad na sana ako pabalik ng biglang

"Wag na mamaya na sabihin mo"sabi ni Tin kay Yelle

"Fine"sagot ni Yelle.

Tiningnan ko ulit phone ko. 8 unread messages agad -__-"

From: Jay

Pat pumunta daw kayo dito.

From: Klarenz

Bakit daw di mo nirereplyan si Jk??

From: Migs

Pat asan ka daw sabi ni Jk? Magreply ka daw sa kanya.

From: Jervy

Pat. Nag aalala si Jk sayo. Asan ba kayo? Magreply ka na

From: Rj

Pat pumunta na kayo dito.

tapos yung 3 puro ulit galing kay Jk. Di ko na binasa. Dinelete ko agad.

"Tara na nga don. Kinukulit na ko ng mga yon"sabi ko. Tapos pumunta na kami sa Nike Park

"Babe ba't ba di ka nagrereply?"tanong ni Jk saken tapos hinawakan kamay ko

"Wala"matipid na sagot ko.

Napakunot ang noo niya.

"May problema ba?"tanong niya. Umiling iling lang ako.

"Eh bakit ganyan ka?"tanong pa niya.

"Wala. Wala lang akong gana"sagot ko.

"Kain muna tayo babe"sabi niya.

"Ayoko. Busog pa ko"sagot ko sa kanya.

"Ang cold mo saken. Bakit ka ganyan?"tanong niya.

"Wala nga"sagot ko. Tapos biglang may lumapit samin na babae. Yung kausap ni Jk kanina -,-

"Jk?"sabi nung babae. Lumayo ako kay Jk nung dumating yung babae.

"Ah wait lang ah. Susuyuin ko pa girlfriend ko e"napakinig kong sabi ni Jk dun sa babae

"Babe ba't ka ganyan?"tanong niya tapos nakayakap sa likod ko.

"Wala sige dun ka na"sagot ko tapos tumayo ako.

Dumaan ako sa harap nung babae.

"Excuse me. You're blocking my way"sabi ko tapos tumabi siya. Susundan sana ako ni Jk ng biglang

"Hala ka Jk!"pakinig kong sinabi nina Klarenz.

Naiinis ako. Nakakaasar! -____-

JK's POV

"Hala ka Jk!" asar nina Klarenz nung nag walkout si Pat.

"Napakaselosa talaga ng girlfriend ko"sabi ko tapos tumawa sila.

"Lagot ka don mamaya Jk. Di ka kakausapin non"sabi ni Tin saken.

"Sus. Di ako matitiis non Tin"sabi ko tapos tumawa ako.

"Ayan na nagtext na sakin Jk"sabi ni Tin. Pinakita niya yung text.

Tin. Uwe na ko -__- nakakawalang gana na e. Ge.

Okay. Mukhang di na tama to.

"Klarenz asan susi ng kotse ko?" tanong ko kay Klarenz. Inabot agad niya. Pumunta naman agad ako sa parking. Pagkasakay ko ng kotse kinuha ko phone ko.

Calling Pat DLR-Lansang♥

No Answer.

Naka-walong try yata ako sa pag tawag sa kanya kaso wala. Ayaw niya sagutin. Nung tatawagan ko na ulit nagtext si Klarenz.

Pre. Dun daw si Pat umuwi sa bahay nila.

Buti na lang di ako tinatamad mag drive ngayon. Binilisan ko pag dadrive hanggang sa andito na ko sa tapat ng bahay nila. Andito kotse niya.

"Patricia halika na kakain na tayo"pakinig kong sigaw ng kapatid ni Pat.

"Teka nga lang! Mamaya ikaw na kukutusan ko!"sagot ni Pat sa kuya niya.

Nag doorbell ako. Nakita ko kuya niya papalapit sa gate.

"Oh Jk baket?" bungad ng kuya niya saken tapos pinag buksan ako ng gate.

"Si Pat? Kelangan ko makausap e"sagot ko tapos napansin kong nakasilip sa bintana si Pat. Pinapasok ako ng kuya niya sa loob ng bahay nila.

"Oh maiwan ko muna kayong dalawa. May training pa ko e"sabi ng kuya ni Pat.

"Kuya naman e"sabi ni Pat. Tumawa lang kuya niya tapos kiniss siya sa pisnge bago umalis.

"Pat" sabi ko. Di siya umiimik. Tinabihan ko siya.

"Sorry na po boss"sabi ko tapos hinawakan ko kamay niya.

"Bahala ka"sagot niya. Ang sunget sunget ng girlfriend ko. -,-

"Babe nakakapangit ang pag susunget sige"asar ko sa kanya.

"Okay lang. Edi pwede mo na ko iwan tas dun ka sa kausap mo kanina"sabi niya tapos tumayo pumunta sa kwarto niya. Asar naman e. Bakit ba siya nagseselos? Wala ba siyang tiwala sakin?

"Babe naman. Sorry na"sabi ko tapos niyakap ko siya.

"Bitawan mo ko"sabi niya pero di ko sinusunod.

"Ayoko nga hangga't hindi mo ko pinapatawad di kita bibitawan"sabi ko tapos kiniss ko siya sa pisnge

"Abuso ka na ah!"sabi niya. Galit na siya :3

"Sorry na kasi" sabi ko.

"Di ko naman kaano ano yung babae dun kanina babe e"dagdag ko pa.

"Tingin mo sakin bulag?"sagot niya. Ano ba kaseng problema e kausap ko lang naman?

"Bakit ba kase Pat?" Tanong ko sa kanya. Di siya umimik. Tiningnan niya lang ako.

"Nagseselos ka ba?" Asar ko sa kanya. Kumunot yung noo niya. Di siya natutuwa.

"Sorry na di naman kita ipagpapalit dun e" sabi ko sa kanya nagsmile lang ako ng konti nung tingnan niya ko

"Kahit na"sagot niya. Selosa ng girlfriend ko ah. :33

"Selosa"bulong ko.

"Ano?" Sabi niya. Umiling ako.

"Wala sabi ko mahal na mahal kita" sabi ko tapos napangiti na siya

---------------------------------------------------------------

Pretty Girls meets the Famous BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon