SISIW🐥 ~ 4. ANG NABAWING BANGKAY

1.1K 49 0
                                    

Nakatanaw mula sa malawak na French window ng ikalawang palapag si Willy, nililibang ang sarili habang natutulog pa ang kanyang maybahay. Sumulyap sa magandang mukha ni Cita sabay napangiti. Pagod na namana ang mahal ko. Isip isip nya. Paano naman eh hindi nya mapigilan ang sarili. Magdamag niyang paulit ulit na inangkin ang asawa. Napakaganda nito-mukha, hubog ng katawan, at kung tingnan siya ay talaga naman pong nakakabaliw. Sumulyap si Willy sa labas ng bintana, ang ngiti at napalitang ng pag ngiwi. Nakatingala lahat ng naglalamay sa namatay nilang kapitbahay. Sinusundan ng tingin ang itinuturo ng -- mahabaging langit! Ang bangkay na nagpapakita sa kanya! Ang bangkay na may permanenteng ngiti! Itinuturo siya sa mga tao mula sa kanyang bintana! Ngunit bakit? Hindi na niya para alamin ang sagot. Agad niyang isinara ang bintana at ikinandado ito. Mabibilis ngunit magaan ang kanyang mga yabag upang hindi magambala ang paghimlay ng magandang asawa, kinuha niya mula sa drawer ng kanyang bedside table ang 9mm Smith and Wesson, inalis ang lock nito at bumaba sa unang palapag. Patungo na sana siya sa malaking narrang pintuan upang i-double lock ito nang isang malakas at sunod sunod na katok ang nagmula sa nasabing pinto.

"Doktor Coronel! Doktor Coronel! Pagbuksan po ninyo ang pinto! Mga alagad ng batas kami!"

Ngunit sa utak ni Willy ay iba ang sinasabi ng tinig na kumakatok:

"Doktor Coronel! Buksan mo ang pinto! Babawiin namin si Cita! Ilalayo namin siya sa iyo! Hindi ka niya mahal!"

Kaya naman isang galit na Willy ang sumagot sa kapulisan.

"Hindi! Hindi nyo siya maaaring kunin! Nagmamahalan kami!"

Nagkatinginan ang mga pulis pati na mga kapitbahay ng nasawi na sinamahan ang mga magulang ng nawawalang bangkay. Nandoon din ang balong kung tawagin ay Wilma, na nagsalita sa isang malakas at ma otoridad na boses:

"Nasa likod ng pintuan na iyan ang kasagutan sa lahat ng katanungan. At nandyan din ang wakas ng kabanatang ito!" At marahang humakbang papalayo sa mansyon ang biyudang naka belong itim hanggang mawala na itong tuluyan sa paningin ng mga tao.

At sa hudyat ng hepe ng kapulisan, giniba ng tuluyan ang narrang pinto sabay ng pag alingawngaw ng tatlong putok mula sa loob ng mansyon!

Ganun na lamang ang sindak ng mga kapulisan sa natunghayan nang magiba ang pinto!

HATID atbp. 👁Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon