Ang tanga tanga mo talaga Chippy. Bakit ang ignorante mo sa mga bagay bagay?!
Pinukpok-pokpok ko ng paulit ulit ang ulo ko sa lamesa habang iniinda ang sakit.
Ignoranteng chippy!
"Hoy anong nangyari sayo?" Tanong ni Santa na kalalapag lang ng mga agahan sa lamesa
Napatigil ako at ngumuso sa kanya. Napatingin ulit ako sa phone na hawak ko
BTS
Sa sobrang curious ko ay in-search ko ang pangalan na narinig ko lang sa mga bruhang ito na pinag-usapang nila kagabi after ng party
"Di kaya ako patayin ng mga fans nito?" Wala sa sariling tanong ko habang nakatingin sa isang site na naglalaman ng tungkol sa grupo
"God! I didnt know okay? Diko naman alam na sobrang sikat nila, tsaka hello? Diko naman sinasadyang mabangga ang isa sa kanila no?" I rolled my eyes.
"Anong nagyari sa kanya?" Napatingin ako kay Derry na kakapasok palang sa kusina
"Bakit hindi niyo kaagad sinabi sa akin?" Padabog akong Tumayo na nagpagulat sa kanila
"Ang alin ba? Kanina pa ako tanong ng tanong sayo pero di mo naman sinasagot." Santa
Sinamaan ko sila ng tingin
"Yung BTS!"
Napataas ang kilay nilang dalawa sa akin.
"Oh ano naman?" Tumayo si Derry at kumuha ng mga plato
"Eh bakit di niyo sinabi sa akin na sila pala yung nabonggo ko sa airport edi sana di na ako nagpakeming magsorry sa kanila." Inirapan ko sila isa-isa
"Di ba natin sinabi?"Inosenteng sabi ni santa habang hinihintay na matapos si Derry sa paglalapag ng mga plato
"Nakapag-sorry ka na naman diba? And I know dimo sinasadya." Santa said
"Kanina ko lang din nalaman ang news tungkol sayo at sa bts. Ano pala nangyari?" Derry
A'right! Kaya pala di ako ginigisa ng dalawang to kagabi kasi walang alam.
Padabog rin akong umupo at nakapangalubabang tiningnan ulit ang screen ng cellphone ko, ini-open ko ang twitter ko
"Pero parang di pa sapat e, may mga fans parin na binabash ako. Diba sila informed na nakapag-sorry na ako?" Isa-isa kong tiningnan ang mga status na nakatag sa akin. Halos mag trending na nga ito dahil sa dami
Actually wala lang naman yun sa akin, yung mga post nila sa akin kahit yung may mga masasakit na salita at yung mga curses.
Peep
From: bts_v
"Tigilan niyo na ako pwede ba?" Napasabunot ako sa buhok ko sa pangalang nakita
Now I know kung sino tong mga nakakachat ko. Teka baka poser lang pala ito a?
"Nabubuang ka na Chips, Kain na." -Santa
Diko sineen ang message na iyon at sinimulan ng kumain. After breakfast ay pumanhik muna ako sa taas para maligo, pagbaba ko ay naroon na si Ate Sy kasama si Pawe. Nasa sala silang lahat at may nga nagkakalat na mga pagkain sa round table
"Pawe." Salubong ko dito at umupo sa tabi niya na nakaupo sa sahigan
Walang make up or any kolorete sa mukha niya ngayon kaya alam ko na kung bakit hindi namin kaagad siya nakilala, Pawe is different pag walang kolorete sa mukha, napaka-amo ng mukha nito at mukhang kahit anong utos mo dito ay susundin nito habang kung si Pawe naman ay may make up with heavy eyeliner sa kanya mata ay hindi mo talaga siya masasabing siya si Pawe na pinsan ko at kaibigan namin. Its been years narin kasi at ang huli naming pagkikita ay yung 15 years old palang kami at madudungis pa kami noon dahil palagi nalang kaming naglalaro sa bakuran nila Derry.
BINABASA MO ANG
WHOS THE ONE?
FanfictionFamous nga TATANGA-TANGA naman. Sa kamalasan nga naman ay nabangga niya ang isang grupong diyos kung pagkaguluhan. Ano kaya ang mangyayari? Papalagpasin nalang kaya ng mga Fans ang nangyari, O? Hahabulin siya hanggang sa sumuko at magpakalayo-layo? ...