CHAPTER TWELVE

2 3 0
                                    

Photoshot

Today is the day na gaganapin ang photoshot sa isang clothing line. Sabay lang kaming dumating ng kabilang grupo na kinagalak ng photographer.

"Perfect!" Humalakhak ito at pumalakpak. "Paniguradong sold out kaagad ito."

May tinawag itong designer na nilapitan kaagad kami.

"What do you mean na sold out? Akala ko ba sa billboard kaagad to ipapakita?" Naguhuluhan ako, sasagot na sana si Manager pero sumingit yung photographer

"Oh no my dear, may nag bago na since may issue kayo ng bts." Napangiwi ako sa tawa niya

"That's right. Napagkasunduan rin na ilagay ito sa isang magazine." Ngumiti sa amin ang may ari ng mga damit na isusuot namin.

Napatingin ako sa kabilang grupo na wala manlang sa amin ang atensyon. Do they know already?

Napataas ang kilay ko ng tumingin sila banda sa akin at sabay na ngumiti. Oh hell!

Sa tingin ko ay hindi magiging maganda ang araw kong ito. Or— hindi maganda ang ginawa ko ng gabing iyon! Aish! Bakit kasi pinayagan ko ang mga ito?

YUN na nga ang sinasabi ko kanina pa. Hindi pa talaga matatapos ang araw na ito na hindi matatapos ang kanilang mga kahibangan.

Ugh!! Seriously? Bakit sakin pa to sila lumalapit e marami pa namang iba dyan.

Wala talaga akong feelings sa mga ito swear. At kung pwede lang hilingin na nasa ay hindi ko nalang sila nakabunggo in the first place ay masaya.

At mas lalo atang dumarami ang mga basher ko, at mas marami ng mga reporters ang humaharang sa amin. Kakasabi lang din ni Manager kanina na marami nang nag-aabang sa labas nitong building.

Kanina pa din ako kinukulit ng mga ito. Kung ano-ano na ang ginagawa nila sa aking harapan para lang mapasin ko sila.

Hindi naman sa pagmamayabang pero nakakasakal na tong pagiging papansin nila e.

Talagang ni-carrer nila tong panliligaw daw sa akin? Say whaaatt??

"Chips, smile." Manager gritted her teeth ng mapansin ang simangot kong mukha

E pano di ako sisimangot kong kanina ko pa nararamdaman silang lahat sa likod ko na nag-aagawan ng pwesto. Ang iingay pa.

"Another pose." Sabi ng photographer, "Nam, you sit beside Chippy, and you Jim sit also beside chippy"

Umupo silang dalawa sa magkabila ko.

I smiled when Jimin rested his head on my shoulder while Namjoon held mg hand. Reklamo ng nasa likuran namin ang narinig ko bago mag click ang camera

"Good." Puro ng photographer "act as if you're comfortable with each other."

We acted that way. Pero sa kaloob-looban ko ay naghuhurumentado na at kinakabahan dahil sa sobrang awkward.

"Break!!"

Sabay sabay kaming lumayo sa isa't isa at inasikaso kaagad ng mga make up artist.

Sabi ay panghuli na raw itong is-shoot namin ngayon.

Finally!! Matatapos na rin ang lahat.

"Ayusin mo yang sitwasyon mo, Chippy." Biglang sabi ni Manager na naiinis na naman ang mukha sa akin. Napasimangot ako sa ginawad niya sa akin. Kahapon pa 'to inis sa akin. At hindi ko na alam kung paano ko pa reresolbahan ito. Basta ang gusto ko lang ngayon ay matigil na itong grupo sa kakasuyo sa akin dahil naiinis na ako.

Nagsisisi na ako sa pinagsasabi ko sa kanila noon.

Napabuntong hininga ako ng mapansin lalapit si Taehyung sa akin, buti nalang at hinarangan ito ng make up artist niya. Ganun rin si Jin na napangisi dahil hindi nakalapit si Taehyung sa akin pero kagaya niya ay hindi rin ito nakalapit sa akin dahil nilapitan na ito ng isa mga designers na nagmamadali.

"Chip," napalingon ako sa kaliwang banda ko, inaayusan pa rin ako ng make up artist pero hindi iyon hadlang para diko malingon si Namjoon, pala.

I smiled. Siya lang ang normal sa lahat kapag lumalapit sa akin, ang iba kasi ay parang nagmamadali kapag lumalapit sa akin.

Kasama nito si Pawe na nakakunot ang noo habang tinitingnan ang kaniyang cellphone

"Hi."

"Ahhm, are you free after—"

"Nope." I cut him. Ayoko na!!

"May lakad pa kami ni Manager e," i smiled. "Tsaka diba aalis naman na kayo?" I sighed in relief. Finally

Tumango ito at ngumiti. Napansin ko sa kaniyang mata na parang may sasabihin siya

"Bakit?"

"Ahm.."

Di na nito natuloy ang sasabihin dahil nagmamadali na naman ang photographer sa pagtawag sa amin. Minadali na rin ang pagaayos sa akin.

"Smile, Chip." Paalala ni Manager sa akin bago ako makapunta sa mismong area

Mamaya, ititigil ko na ang kahibangan ng lahat! Ayoko na! Sumasakit na ang ulo ko!! Okay na ako noon e, tahimik ang buhay ko pero ng dumating sila ay nagkagulo gulo na!

Wala ng who's the one!!

Wala na!! Ugh!!


Hi Hi Hi Hi Hi agaaaiinn💋

Welcome back to you and welcome back to meee🌸

Kakatapos lang ng bakasyon ko- charoot hahaha kakatapos lang ng exam namin kaya fresh na fresh na naman ang utak ko hahahaha

seriously, namiss ko na ang bts! Di na ako makapaghintay na matapos ang bakasyon nila 😭

I miss them! Kaya habang hinihintay sila ay pumunta muna ako sa kabilang grupo ang SB19✨✨

Yeee' bts pinagpalet sa malapeet yeee!! Hahahaha but of course bts is still my kings 👑

So sorry dahil ngayon lang ulit ako nakapag-update. Nabubusy rin kasi ako sa isa ko pang story.

Basahin niyo rin ang "When August Was There" pls🌸

Muah. Keep safe and always be on the positive side muaaaahhh

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHOS THE ONE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon