CHAPTER EIGHT

6 2 0
                                    

REMINDER!!!

Ang mga susunod na mga salita ay hindi basi sa totoong buhay. Pero meron rin naman kahit papano but! Hindi ko lalahatin!!

AGAIN! This story is a work of fiction! Any names, characters, ot events are just inventors by the authors imagination!

So here is chapter 8...

-
Dinner

I found myself sitting face to face to Namjoon. Isang oras na kami dito. Nang pareho na kaming walang ginagawa ay nagkaroon kami ng ayaan na ituloy ang dinner na sinabi nito kanina. Pero kung kanina ay nasa pribadong kwarto kami kumakain ngayon ay mas pinili nitong sa teresa nalang kami.

Nalaman ko rin na nag-iisa pala itong anak, tumira ito sa U.S. ng dalawang taon kaya alam nito ang lengguwahe at nagkaroon ng Nanny na purong Pilipina kaya nagkaroon ng pagkakataong matutunan ang wikang tagalog.

Nalaman ko ding sporty ito kagaya nakin kaya nagkasundo kami. He also hates hiding from his fans. Well, magkaiba kami.

Ayaw rin nito ng private places. Gusto nitong magkaroon ng normal na pamumuhay kaya sa abot ng makakaya ay iniiwasan daw nito paminsan minsanng pagkakaroon ng pribadong pamumuhay.

Kaya pala gusto nitong sa terrace kami kumain.

Napatingin kami sa paligid. May dalawang waiter na nakaabang sa labas lang nitong teresa. Napapansin ko rin paminsan minsan ang patingin tingin dito sa amin ng mga tao sa loob. May mga nahuhuli rin akong pasimpleng kumuhuha ng litrato sa amin pero ng mahuhuli nito ang paningin ko ay iniiwas kaagad

Kagaya ngayon. Mas dumagsa ang mga tao dito sa restaurant. Napailing nalang ako at sinimulan na ang pagkain ng dessert. Kakahain palang nito kanina.

Di na ako magtaka kung may mga reporters ng nakaabang sa labas. Kinabahan ako sa naisip. Alam ko ang mga ugali ng mga Pilipino pagdating sa kanilang idolo. Diko naman nilalahat pero Minsan ay lumalampas na ito sa linya kaya nagkakasakitan na minsan nasasama pa pati ang kanilang idolo.

"You okay?"

Napakurap ako at napabaling kay Namjoon. Sabi niya gamitin ko daw ang totoong pangalan niya

"Ah y-yeah! Naiilang lang sa mga tao." Napatingin ito sa loob.

"If you want, lumipat nalang tayo sa ibang pwesto? Private room i guess?"

Umiling kaagad ako. "No. No. Its okay tsaka tong dessert nalang rin naman ang tatapuson natin diba?"

Napatigil ito at napatitig sa akin.

"B-Bakit?" may mali ba sa sinabi ko

"May.... pupuntahan ka ba after this?" Napataas ang kilay ko. May iba pa itong ipinapahiwatig roon.

"Ahm.." napatingin ako sa relo ko. Its already 8pm

"W-wala naman.." umiling ako "Ikaw?"

"Hmm?" He hummed. "Me? What?" Sinimulan nitong kainin ang Mac Salad

"May pupuntahan ka rin ba after nitong dinner?" Sinimulan ko rin ang salad ko

"Yeah. Gusto ko sanang isama kita but.." nalapataas ang kilay ko. Hinintay ko ang susunod na sasabihin. Bakit naman ako isasama sa lakad niya?

"I don't think its a good idea since pupunta rin ang grupo ko."

Yeah. Not really a good idea

Naalala ko pa ang kakulitan nila. Sila palagi ang nangunguna sa inbox ko. Mapa-Twitter man o Instagram. Sila ang nangunguna

May times naman na nirereplyan ko pero dahil nabubusy ay hindi ko narereplyan

"Kanina pa tumutunog yang phone mo..." baling ko sa cellphone nitong pang lima nang may tumatawa "hindi mo ba sasagutin?" At sa pang limang tawa ay kinansela na naman nito

"Unknown Number lang." tumango ako at sinimulan na ulit ang pagkain.


-
Ito lang muna ang iuupdate ko. Ito lang ang nakaya!

Medyo sumasakit na mata ko pero pilit ko paring mag UD.

Stay on the positive side chinguss 😘😘

WHOS THE ONE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon