19

506 22 4
                                    

Mga bottom na dyosa
10:22

Suhoe : hoy!! Dalian niyo! Puro kayo landian!!
✔️seen by all

Baeklita : sila lang kaya yun
✔️seen by all

Suhoe : sila lang daw. Wag ako baeklita. Puro typo ka nga sa comment mo. Kinahihiya kita.
✔️seen by all

Baeklita : hmp!! Shattap Suhoe hyung. Palabas na kami. Kaso etong si Chenuka, balak pa yatang magtake-out 🙄
✔️seen by all

Suhoe : oo na! Dalian dalian. Naiinip ang maganda.
✔️seen by all

KyungSoongit : la sya –kaming lahat
✔️seen by all

Suhoe : may angal kayo?
✔️seen by all

Tao loves panda : wala hyung hehe
✔️seen by all

Suhoe : oh dali na! Ppaliiii!!
✔️seen by all



n a r r a t i o n

Inip na iniintay ni Suho ang mga baklita niyang friends. Tatawagan na sana niya si Xiumin para tanungin kung palabas na sila ng makarinig siya ng tili.

—tili ni Baeklitang byun.

Yamot na tiningnan ni Suho ang mga baklang papalapit sa kanya. Lahat may kanya-kanyang mga mundo.

Si Chen, nilalandi si Xiumin. Si Xiumin, nagpapalandi kay Chen. Si Kyungsoo, sungay nalang ang kulang, hinihila yung tenga ni Tao. Si Baek naman, nakatingin sa phone ni Luhan habang ngiting-ngiti. At syempre, ang dyosang Luhan naman, kinukurot-kurot si Baek sa tagiliran.

"Tangina naman, Luhan!! Maka-kurot ha!!"

"Landi mo kasi."

"Kyungsoo hyuuung!! Masakit!!"

"Pasaway kang panda ka. Dapat lang yan sayo."

"I love you Minnie."

"I love myself too."

Nakatingin lang si Suho sa mga kaibigan niya, hanggang nasa harap na niya ang mga ito.

"Oh ano? Tapos na kayo? Tapos na? Tapos na??"

"Oo hyung. Unli ka? Unli ka? Unli ka?"

Sagot ni Chen tsaka nilagpasan si Suho. Yung iba naman, wapakels sakanya. Nilagpasan din nila si Joonma. Magsasalita na sana siya kaso biglang tumalon-talon si Baek. Bigla naman nakitingin sila Kyungsoo sa cellphone ni Luhan, lahat sila ngayon, nakangiti na. Maliban kay Chen na nakabusangot habang nakatingin sa nakangiting si Xiumin.

"Lintech. Kinakausap ko kayo ha!! Ano ba yan at muka kayong mga tanga na kung makangiti akala mo di na ngingiti uli?" Nakapamewang at taas kilay na tanong ni Suho sa mga kaibigan. Si Baekhyun na mukang high sa drugs ang sumagot sa kanya

"Ihh. Magsasama daw kasi ng mga kaibigan si Sehun!! Mga single daw hihi."

"Oh tapos?"

"KASAMA YUNG CHANYUL!!"

"tanga. Chanyeol kase. Tsaka, wag ka nga sumigaw!! Sakit mo sa tenga." Medyo banas na sabi ni Luhan pero as expected, syempre, hindi siya pinansin ni baeklang Byun.

Pinag-iisipan na kasi niya kung pano landiin si Chanyeol.

Binilisan ni Suho ang paglalakad niya. Nasa harap na siya ngayon, tsaka siya nagsalita. "Dalian niyo. Mamimili pa tayong damit!!" Utos niya tsaka mas binilisan ang paglalakad. Hindi na inintay ni Suho ang mga bakla niyang friends. Susunod naman daw ng kusa.

Tila naman naman natauhan sila Baek. Ibibili nga pala sila ni Suhoe. Hinanap ng mga mata nila ang kanilang filthy rich Joonma. At nang makita nila ito na naglalakad palayo, sumigaw si Chen at Baek ng sabay. Pak na pak.

"JOONMA!! INTAYIN MO KAMIII!!" Saka sila tumakbo. Hindi nila napansin yung mga taong nakatingin sakanila habang may takip ang mga tenga. Dalawang vocals ba naman ang sabay na sumigaw.


[ F A S T F O R W A R D ]

Palabas na ng mall ang magkakaibigan, lahat may kanya-kanyang paper bags na dala. Lahat naka-shades.

Nasa unahan si Suho, may hawak na tig-limang paper bags ang kamay. Wala tayong magagawa. Rich kid eh.

Si Baek at Luhan, kumekendeng pa habang naglalakad. Tiningnan sila ni Kyungsoo. "Parang mga bibe." Sabi niya tsaka umirap.

At dahil narinig ni Tao ang sinabi ni Kyungsoo, tumingin siya kila Luhan at Baek tsaka natawa. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa, tsaka pinicturan ang dalawang kaibigan na parang tangang naglalakad sa harapan.

Samantala, ang XiuChen, tahimik sa likod. Naglalaway kasi si Chen habang kumakain ng baozi si Xiumin.

Nakarating na sila sa parking lot at naglakad papunta sa kotse ni Suho, na binuksan ang compartment ng sasakyan.

"Oh, ilagay niyo yang mga yan para hindi masikip sa loob."

Sabi niya at isa-isa namang naglagay ng mga paper bag sila Tao.

Nang nasa-loob na sila ng kotse, nag-vibrate ang cellphone ni Luhan. Nung tiningnan niya ito, agad siyang napangiti. Ang jowa niya lang pala na mahilig sa bubble tea.

On the way home, tahimik ang sasakyan. Tipa ng tipa si Luhan sa phone niya. Katext si Sehun. Si Suho nagdadrive sa harap, si Baek binubuksan yung mga eyeliner niya, ang XiuChen tulog, at si Tao may katext rin. Hinayaan nalang ni Suhoe. Hindi rin naman daw siya susundin ng bottom maknae. At lasty, si KwagoKyung. Natutulog daw siya. Wag maingay.

Sa mansyon sila ni Suho pupunta para sabay-sabay na sila mamaya. Susunduin sila ni Sehun at ng mga kaibigan nito.

"Baba na, mga hampas-lupa kong prends."




[ texts ni Luhandeer & Sehorny ]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


[ texts ni Luhandeer & Sehorny ]







Cheers to more votes, comments and reads!! Salamat ng marami!! 🥂

Shattered heart || ChanBaek epistolary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon