20

504 18 9
                                    

n a r r a t i o n

Talon ng talon si Baeklang Byun habang nakaharap sa salamin, suot na kasi niya yung damit na binili ni Suho para sakanila.

Syempre, lahat sila tumatalon at mukang mga tanga kung makangiti. Maliban kay Suho. Busangot yung muka niya. Libre niya yon eh. Tapos wala manlang pa-thankyou ang mga bakla.

Umirap nalang si Suho at lumabas ng kwarto.

"Litse. Ungrateful bishes." Bulong niya sa sarili. Oh diba! Pak na pak. May pa-engrish si Joonma.

Pababa na ng hagdan si Suho. Pero, ano bang gagawin niya sa baba?

Wala.

Trip lang talaga niya um-exit kanina. Baka naman daw kasi mapansin manlang nila na wala na siya sa kwarto.

Kaso, minamalas ata si Suho. Busy kasi ang mga baklang sila Luhan, Kyungsoo at Chen sa paglalagay ng make-up at 'pagpapaganda.' Samantalang sila Baek, Xiumin at Tao naman ay nag-uusap lang sa sulok. As usual, pinanood lang ni Suho ang mga kaibigan niya.

Maya-maya, napatingin si Baek kay Luhan, Kyungsoo at Chen na nasa harap ng vanity table. Nakita niyang 'nagpapaganda' ang mga kaibigan niya. Hindi na sana papansinin ni Baek pero may nahagip ang mga mata niya.

Pakshet! Make-up ko yon ah?!! Sabi ni Baek sa isip niya.

"Mga baklang to. Ang kakapal ng muka na gamitin ang mga make-up ko!!"

Narinig nila Luhan at Chenuka na nasa harap ng vanity table, ang sinabi ni Baek. Kaya unti-unti silang tumingin sa direksyon nito at ngumiti.

"Annyeong Baekkie! Make-up, gusto mo?" Ngiting tanong ni Luhan pero hindi siya pinansin ni Baekla. Naglakad lang ito papunta sa vanity table at hinablot ang eyeliner na hawak ni Luhan.

"Tse! Gamitin niyo na lahat ng nanjaan wag lang ang eyeliner ko!!"

Nakita ni Baekhyun na hawak ni Chen ang eyeshadow niya. Hinablot niya rin ito.

"At ang eyeshadow ko!"

"Madamot!" Sumbat ni Chen na nakanguso. Tinaasan lang siya ng kilay ni Baek.

"Ay bakla. Bibe ka? Bibe?" Tanong niya pero inirapan lang siya ng kaibigan.

Napatawa si Suho sa mga kaibigan niya, gusto na niyang ihagis ang mga baklang to sa bintana.

Bumuntong-hininga siya saka tinawag si Kyungsoo.

"Soo, magluto ka ng lunch natin please?"


Chanyeollie
Active now

12:05

Park Chanyeol : Luhan-hyung, lahat ba kami magdadala ng sasakyan mamaya?
✔️seen

Xi Luhan : oo daw, Chanyeol. Para kunyari magkaka-date hihi
✔️seen

Park Chanyeol : arasso, hyung
✔️seen

Xi Luhan : nga pala, mamaya may ipapakilala ko sayo. hoho
✔️seen

Park Chanyeol : sino hyung?
✔️seen

Xi Luhan : secret hihi
✔️seen

Park Chanyeol : hyung naman eh!
✔️seen

Xi Luhan : bba bba, Chanyeol~
✔️seen

Xi Luhan : paki-sabi kay Sehunnie I love you ha?
✔️seen










a/n : halaaa we're so close to 500 reads and 50 votes na! Thank you ng marami chingus~😚

Tapos, as a gift, gawa tayo ng gc sa twitter? Drop your usernames nalang kung may gusto.

Bba bba~

ps : cute ni Kyungsoo sa mm hoho

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


ps : cute ni Kyungsoo sa mm hoho

Shattered heart || ChanBaek epistolary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon