ELISEHindi ko makalimutan ang ng yari kahapon. Halos hindi ako makatulog kakaisip sa mukha ni Sir Lukas.
Hay. Ang gwapo niya talaga. Napakabait pa.
"La, ang pogi po talaga ni Sir Lukas. Kelan po tayo babalik doon?" masaya kong sabi.
"Nako Elise, tigilan mo yan si Sir Lukas. Hindi mo ba alam, na engaged na siya sa Girlfriend niya. Nakk nako. Napakagandang bata din yun, eh kaso amg ugali. Eh, parang walang pinag aralan."
Parang nadurog ang puso ko sa sinabi ni lola. Ngunit nainis din ako sa part na tungkol sa girlfriend niya.
Hmmp!
"Hahaha. Oh Elise bakit ka nakasimangot dyan?" natatawang sabi ni lola.
Ngumuso ako dahil sa pangaasar niya.
"Lola naman eh, inaaway niyo ako"
"Hahaha, apo naman eh. Kadalagang tao na" lumapit siya sa akin at niyakap ako.
Sinira ng telepono ang moment namin ni loka. Parehas kaming nag katinginan at napakibit balikat.
"Teka, sasagutin ko lang" tumango bilang sagot.
"Ay Sir Lukas, kayo pala yan. Bakit ho?"
"Opo.."
"Ayos lang po, Sir.."
"Hahaha. Sige po pupunta na kami dyan"at doon binaba ni lola ang telepono.
"Tara na apo, pupunta tayo kila Sir Lukas. Pupunta ang girlfriend niya, eh kailangan niya ng tulong sa pag set up daw ng mga mesa sa garden" halos hindi ko na maintinidihan si lola dahil natataranta na siya kung ano ang gagawin niya.
"Lola mag hunos dili nga kayo." saway ko kay lola na hindi na alam ang gagawin niya.
"Ay nako, apo. Mag palit kana ng damit at aalis na tayo agad." tumayo na ako mula sa inuupuan ko at dumiretso sa kwarto ko.
Ripped jeans ang sinuot ko pang ibaba at plain light brown V cut T-shirt.
Naka ayos na din si lola pag baba ko at nag mamadaling umalis.
"La, naman dahan dahan po" saway ko.
Imbis na mag hinay hinay eh, parang lalo pa kaming bumilis sa pag lalakad.
Hay nako naman talaga, si lola oh.
Napailing na lang ako at hinayaan siyang hilain ako hanggang sa makarating kami sa sala ni Sir Lukas.
"Magandang araw, Sir" bati ni Lola ng makita namin si Sir Lukas na pababa ng hagdan. Bahagya akong yumuko bilang pag galang
"Good morning" masayang bati niya.
"Hi, Elise" nakangiting bati niya
"H-hello Sir Lukas" Naiilang nasabi ko. Tumango lang siya.
"Kumain na ba kayo? Tara sa kusina, kain na tayo." dire-diretso niyang sabi at nag tungo sa kusina.Nag tinginan kami ni lola at parehas kaming nag kibit balikat.
"Upo kayo"
"Uhm... Anong gusto niyo? Gusto mo ba manang ng kape? o gatas? Ikaw Elise? Anong gusto mo? Hot choco ba?" sunod sunod na tanong niya habang nag lalabas ng mga pag kain mula sa ref.
Ang daldal niya din pala.
Walang umimik sa amin ni lola kaya napatigil siya sa ginagawa niya.
"Wala ba kayong gusto?" may bahid ng pag kalungkot ang boses niya, na ikinataranta namin ni lola.
"Hindi naman sa ganun Sir." sabi ko.
"Ang bilis niyo po kasi hehehe..."
"Ganun ba? Sorry. Hahahaha" natatawang sabi niya.
"Hindi ko na malayan na ang dami ko na palang nasabi. Uhm.. Paano ba to?...Ah! Manang ano po bang gusto niyo?"
Halatang nag aalangan si lola kung sasagot siya o hindi.
"Kape lang po sa akin, Sir" agad siyang pumunta sa Coffee maker at binuksan ito.
Tumingin siya sa akin at parang alam ko na ang tingin niya.
"Uhm...juice lang po" ngumiti siya at tumango. Nag tungo siya sa ref at nilagyan ang baso na hawak niya ng four season ng juice at inabot niya sa akin.
"Anong gusto niyong kainin? Fruits? Cereals? Carbonara? Bread?"
"Ay nako sir, ayos na po kami dito" mabilis na sagot ni lola.
Feeling ko tuloy bisita kami dito.
Pag katapos namin mag karoon ng maikling almusal. Nag simula na din kaming mag ayos sa garden.
Si lola ang nag walis at nag cut ng mga halaman sa garden. Kami ni Sir Lukas ang nag labas ng mga gamit sa storage room at inayos ito.
Hapon na ng matapos kami sa pag aayos ng garden. Ang sakit na ng likod at braso ko. Si lola pagod na din pero ngiting ngiti pa din si sir Lukas.
Nakakaloka.
Maganda ang kinalabasan ng make over namin sa garden. (take note:open garden) Merong lanter na nakasabit na nag padagdag sa kagandahan ng garden. At isang table sa gitna na may red table cloth at candles. Pinuno rin namin ang bermuda grass ng pink rose petals.
Isa lang masasabi ko, napakaromantic ng lugar at ang swerte ng fiancée niya dahil nakapabait na tao ni Sir Lukas.
Kasalukuyan kaming nakaupo at nagpapahinga bermuda grass at nasa harap namin ang pinag hirapan namin.
Mamaya pa daw gabi darating ang fiancée niya, around 8 pm.
"Manang, Elise..." napalingon kami sa kanya na siyang nakaharap na sa amin.
"Thank you so much...Sobrang nag papasalamat ako sa inyo ngayon araw." nakangiti niyang sabi.
Hindi na ako nag salita at ngumiti na din ako. Pinat niya ang ulo ko, na ikinagulat ko naman.
"Elise, thank you so-"
"What hell are you doing, Lukas?" gigil na boses ng babae ang umeecho sa paligid.
YOU ARE READING
Dying flower
Teen FictionWhen the flower bloom and fully grow,it's time to pick it up. Elise is known as a simple and funny girl in their place. She live with her Lola, but behind her smile there's a pain and secrets that no one can guess.