FOUR

1 0 0
                                    


Elise

"Tara na nga ihahatid na kita. Wag kana mag kotse malapit lang naman" nag simula na akong nag lakad at naramdaman ko din ang pag sunod niya.

"Who are you, anyway? And what is your relationship to him?"

"So, gaya gaya puto maya ka rin ano? I'm Elise, his house care taker" napapaenglish na talaga ako ng todo dito ah.

"Ow" plain na sabi niya.

"Ito na ang bahay niya."

"Ohh. Can you escort me inside? Please" tumango ako bilang sagot.

"Thank you" malambing niyang sabi. Dumiretso kami sa sala patungong garden.

Pag bukas ko ng sliding door. Agad silang bumungad, na masayang nag uusap.

Napatingin dito si Caitlin at bahagyang nanlaki ang mata niya. Hindi sa akin, kay Harvey.

Si Harvey naman ay nakangisi kay Caitlin.

Mabilis niya itong binawi ng tumingin si Sir Lukas sa kanya. Napatingin si Sir Lukas sa puwesto namin at ngumiti ito.

"Harvey!" masiglang sabi nito at lumapit naman si Harvey kay Sir Lukas para yakapin ito.

"Elise? Akala ko umuwi kana?"
"She, escorted me here" nakangising sabi ni Harvey at kumindat pa ito sa akin.

"Really?" tumango naman si Harvey bilang sagot.

"Uhm... Sir Lukas, mauuna na po ako. Wala po kasing kasama si lola sa bahay." singit ko

"Oh sige. Salamat pala sa pag hatid kay Harvey, Elise." masayang sabi niya.

Ngumiti lang ako at bahagyang yumuko bago tuluyang umalis.

Grabe napakahaba ng araw ko ngayon. Napakaraming ng yari at nakakapagod.

Pag karating ko sa bahay naabutan ko si lola na nag luluto para sa hapunan namin.
"Elise, bukas lalabas tayo ah" malumanay na sabi niya.

"Mag de-date ba tayo la?" pagbibiro kong sabi.

"Hay nako, Elise. Tigil tigilan mo nga ako."
Bakas sa boses niya ang pag kairita.

"HAHAHA!" wala ako nagawa kung hindi tumawa ng tumawa.

Masaya na talaga ako sa tabi ni lola.

Pag katapos naming kumain ay nag pahinga na kami ni lola sa kanya kanya naming kwarto.
Si lola, nasa baba ang kwarto niya at ako lang ang natutulog sa taas. May bakante pang dalawang kwarto dito at hindi na namin nabubuksan yun.

Dahil ang nakalagay sa mga kwarto na yun at ang mga alaala ng mga magulang ko na pilit kong kinakalimutan.

Niyakap ko ang unan ko at tuluyang pinikit ang mga mata ko.

🍁🍁🍁

Dalawang buwan na ang nakalipas simula ng maging mag kakilala kami ni Sir Lukas Hearter, Harvey Tempest, The best friend at Caitlin Vitch, the Two face fiancée.

Naging close kami ni Sir Lukas at ni Harvey dahil sa halos araw araw na ang pag punta ko doon, para mag linis... minsan, at kadalasan ay pinapatawag lang ako para makasama nila.

Si Caitlin, ayun pinapahirapan niya ako sa likod ni Sir Lukas. Err. Dito na rin siya nakatira. Kinabukasan matapos ng kanilang set up garden date.

Okey lang yun sa akin na kawawain niya ako..basta minsan lang at wag na wag niya lang aapakan ang pag katao ko.

Hay.

Dying flower Where stories live. Discover now