Chapter 17

845 10 0
                                    

Isang lalaki ang bumungad at nagbukas ng pinto kay Joshua. Sa tantya nya ay nasa edad 25-30 na ito.

Joshua: "K-kayo ba si Mon Imperial?"

Mon: "Ako nga,"

Joshua: "Alam kong kakatwa itong sasabihin ko pero . . ."

Mon: "Oo, alam ko na ang pakay mo kaya ka nagpunta dito!"

Joshua: "Alam mo na?"

Mon: "Oo! Tara, pumasok ka sa loob." anyaya nito.

Tumuloy na lang si Joshua sa loob.

Pinaupo sya ni Mon sa tabi ng isang maliit na mesa.

Joshua: "Talaga bang alam mo na ang pakay ko kaya ako nagpunta dito?"

Mon: "Ang tungkol sa Diablo, hindi ba?"

Joshua: "Papaano mo nalaman?"

Mon: "Sinabi na sa'kin ng aking ama!"

Joshua: "Si tata Isko? Nakausap mo sya?"

Mon: "Tanging ang espiritu na lamang nya ang nakausap ko. Sinabi nya sa'kin na may pupunta ditong mga tao na nangangailangan ng tulong mula sa itim na libro."

Joshua: "Mga tao?"

Mon: "Tulad mo ay may iba pang mga tao na nakapulot ng ibang mga brilyante. Ang itim na brilyante na kumakatawan kay Victor, ang anino ng hinaharap at ang pulang brilyante naman na kumakatawan kay Sandra, ang alipin ng kasalukuyan. Ang napulot mo naman ay ang puting brilyante na kumakatawan kay Helga, ang salamin ng nakaraan."

Joshua: "Tama, naalala ko ang panaginip ko kung saan unang nagpakita sa'kin si tata Isko. Nasabi na nga rin nya sa'kin ang tungkol sa ibang mga diablo. Kung ganun ay tatlo pala kami na nakapulot ng iba't ibang mga brilyante. Pero teka? Paano mo nalaman na kulay puti ang brilyante na nasa akin? (sabay pakita ng brilyante)"

Mon: "Dahil nang magsimula kang umapak sa bayan na ito ay naglabas na ng puting liwanag ang itim na libro. Ibig sabihin ay naririto na sa bayang ito ang itinakdang magkukulong sa diablong si Helga."

Joshua: "Ang itim na libro. Maaari ko na bang malaman kung papaano maikukulong ang Diablong si Helga?"

Tumayo si Mon at binuksan ang isang drawer at may kinuha sya mula dito. Ang itim na libro subalit kalahati lamang ang bahagi nito.

Joshua: "Yan ba ang itim na libro na sinasabi sa'kin ni tata Isko? Talaga bang ganyan yan? May kulang?"

"Sa kasamaang palad ay kalahati lamang ito ng kabuuan ng buong libro. Sa tingin ko ay nahati ang ibang pahina nito nang maganap ang pagsabog dito sa bayan. Ngunit labis na nakapagtataka dahil kailan ma'y hindi nasisira ang librong ito. Kahit punitin o pasabugin ito ay hindi man lang ito matitinag. Sadyang napakalakas ng kapangyarihan na nakapalibot sa librong ito kaya naman hindi ko talaga maipaliwanag kung bakit nahati ito. Nasa librong hawak ko ngayon ang impormasyon tungkol sa tatlong diablo at kung paano sila maikukulong samantalang ang nawawalang bahagi naman nito ang naglalaman ng impormasyon kung paano naman sila mapapalaya at kung papaano makakamit ng isang tao ang buhay na walang hangganan. Sinubukan ko nang hanapin ang nawawalang bahagi nito sa pinangyarihan ng pagsabog pero talagang ito lang ang nakita ko."

Joshua: "E paano na yan? Ano nang mangyayari ngayon?"

Mon: "Delikado kapag napunta sa masamang kamay ang kalahati nito. Maaaring gumawa ng paraan ang taong nakapulot ng kalahati nito para palayain sila kapalit ng buhay na walang hanggan."

Joshua: "Ano? Ibig mong sabihin ay wala ring kwenta kahit maikulong pa sila?"

Mon: "Hindi rin! Ang hawak mong brilyante ang tanging susi para makalaya sila at ang dahilan din para sila maikulong. Yan lamang ang bagay na magpapalaya sa kanila."

Joshua: "Naiintindihan ko na. Walang ibang bagay na magpapalaya sa kanila maliban sa brilyante na ito. Sa tingin ko ay maaari ko itong itapon o ibaon kapag natapos ko syang ikulong."

Mon: "Hindi mo siguro naunawaan ang sinabi ko kanina, lumiliwanag ang librong ito kapag may nararamdaman itong brilyante sa paligid. Ibig sabihin ay pati ang kalahati nito ay ganun din. Sa oras na lumiwanag ang libro, may posibilidad na matagpuan ang kinaroroonan ng brilyante, naiintindihan mo ba?"

Joshua: "E anong gagawin ko? Habangbuhay kong dadalhin ang brilyanteng ito na laging magpapaalala sa'kin sa masama kong nakaraan?"

Mon: "Kung yun ang mas makabubuti ay OO. Yun ay kung mabubuhay ka pa pagkatapos ng pagkukulong mo sa kanya?"

Sandaling natahimik si Joshua dahil sa sinabi ni Mon. Iniisip kung gaano nga ba talaga kadelikado ang gagawin nya.

Joshua: "Nakahanda na ako sa anumang pwedeng mangyari sa'kin."

Mon: "Sigurado ka ba? Hindi ito magiging madali gaya ng inaasahan mo."

Joshua: "Kahit gaano pa yan kahirap ay gagawin ko! Handa akong isugal ang aking buhay para sa mga taong malalapit sa'kin at naging parte na ng buhay ko! Gagawin ko ang lahat para maikulong ang diablong yon kaya sabihin mo na sa'kin kung paano ko iyon magagawa?"

Mon: "Pinahanga mo ako. Tulad mo, ayoko ring madamay ang aking mga minamahal kaya inilayo ko muna ang aking asawa at anak sa problemang ito. Hindi ko pa nga pala naitatanong ang pangalan mo, maaari ko bang malaman?"

Joshua "Ako si Joshua,"

Mon: "Bueno, Joshua, bago ko sabihin kung paano mo maikukulong si Helga, kailangan ko munang sabihin sa'yo ang impormasyon tungkol sa kanya. Makakatulong ito para tumaas ang posibilidad na makaligtas at magtagumpay ka sa gagawin mo,"

Joshua: "naiintindihan ko, kuya Mon."

Mon: "Sige, makinig ka...... Si Helga ay isa sa tatlong diablo ng kamatayan. Kailan ma'y hindi sila namamatay. Ang bawat isa sa kanila ay kumakatawan sa repleksyon, panaginip at reyalidad. Unang naminsala si Helga, dalawangdaang taon na ang nakararaan kung saan marami syang napatay. Hindi lang sa salamin nagmumula ang kanyang kapangyarihan kundi sa bawat bagay na nagdudulot ng repleksyon tulad ng tubig o kahit na anong makikinang na bagay. Kaya nyang patayin ang isang tao sa pamamagitan ng pagkontrol sa repleksyon ng kanyang biktima."

Joshua: "Kung ganun ay hindi lang pala sa salamin maaaring makapambiktima si Helga kundi sa lahat ng bagay na maaaring makapagdulot ng repleksyon?"

Sandaling napaisip si Joshua. Naalala nya ang isang pangyayari nung nasa bus sya. Kaya pala lumabas ang kamay ni Helga sa isang makinang na bakal. Pwede syang magpakita sa mga bagay na may repleksyon.

Inalala nya ang kanyang tita na nasa bahay. Maraming mga bagay sa kanila na maaaring makapagdulot ng repleksyon.

Joshua: "Si tita Luisa!! Kailangan ko muna syang puntahan! Gusto kong makasiguro na ayos lang sya,"

Mon: "Sandali lang, sasamahan na kita!"

Mabilis silang lumabas ng bahay. Bitbit naman ni Mon ang itim na libro.

SAMANTALA:

Abala sa paglalaba ng damit sa likod ng kanilang bahay si Luisa. Kasalukuyan nyang nilalagyan ng tubig mula sa gripo ang washing machine nang bigla na lamang bumula ang tubig na para bang kumukulo.

Napamulagat si Luisa sa nasaksihan pero inusisa pa rin nya kung ano ang nangyayari sa tubig. Inilapit nya ang kanyang mukha dito. 

Bigla na lamang lumabas ang isang puting kamay sa tubig. Hinawakan sya sa leeg at pilit na inilulubog sa tubig ang ulo nya. Hindi magawang makawala ni Luisa. Wala ring ibang tao sa paligid ang maaaring tumulong sa kanya.

~>Itutuloy . . .

DIABLO SERIES I: Ang Salamin ng Nakaraan  by: DARK (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon