Chapter 7

1K 14 0
                                    

...
Halos hindi nakayanang tignan nila Eumi ang mukha ng bangkay ni Ricky. Tadtad ito ng tahi sa mukha bunga ng malakas na pagtama nito sa salamin. Ibang iba na nga ang hitsura nito. Parang dumanas ito ng matinding pasakit.

Hindi nakayanan ni Eumi ang tagpong yun kaya tumalikod na lang sya. Ngunit ang hindi nya inaasahan ay nang may makita sya mula sa repleksyon ng salamin sa may pader.
Isang lalaking nasa salamin, basag ang mukha at halos hindi na makilala. Nakatayo lamang ito habang dumadaloy ang mga dugo mula sa mga butas at sugat nito sa mukha.

Nakikilala ni Eumi ang nilalang na nasa salamin base na rin sa suot nito. Walang iba kundi si Ricky. Nakasuot ito ng puting barong na tulad ng suot ng bankay nito.

Bumalot sa buong katawan ni Eumi ang hindi maipaliwanag na takot at sindak. Hindi nya alam ang gagawin ng mga oras na yun. Hindi sya makasigaw.

Bigla syang kinausap ng multo ni Ricky.

Ricky: "Mag-iingat ka, Eumi! Ginawa nya sa akin ito at maaari nya rin itong gawin sa'yo! Mag-iingat ka!!"

Matapos yon ay bigla na lamang hinimatay si Eumi.

Anna: "ATE! Naku, anong nangyari sa'yo?"

Mabilis namang lumapit si Joshua sa kanila. Pati ang nanay ni Ricky ay lumapit na rin.
Makalipas ang kalahating oras ay nahimasmasan na rin si Eumi.

Anna: "Mabuti na lamang at nagising ka na! Pinag-alala mo kami!"

Joshua: "Ayos ka lang?"

Eumi: "Anong nangyari?"

Anna: "Hinimatay ka, ate. Kami nga rin ang dapat magtanong sa'yo nyan. Anong nangyari sa'yo?"

Nagbalik uli ang takot sa buong katawan ni Eumi.

Joshua: "Namumutla ka yata? Mabuti pa ay ihatid na kita sa inyo."

Eumi: "S-siguro nga,"

Inalalayan ni Joshua si Eumi. Mabilis silang nagpaalam sa ina ni Ricky bago umalis. Mahigpit naman ang kapit ni Eumi sa mga braso ni Joshua. Ramdam naman nito ang panginginig ng buong katawan nya.

Joshua: "May phobia ka ba sa mga patay? Para kasing takot na takot ka nung makita mo ang bangkay ni Ricky?"

Anna: "Siguro ay dahil na rin sa kahindik-hindik na sinapit ni Ricky? Ako nga rin ay kinilabutan nung makita ko ang mukha nya."
Joshua: "Tama nga siguro yung desisyon ko na wag nang tignan ang bangkay nya para manatili sa ala-ala ko ang mga masasayang samahan namin. Baka kasi kapag nakita ko ang hitsura nya ngayon ay yon na ang laging tumatak sa isipan ko."

Hindi naman nagsasalita si Eumi.

Joshua: "Ayos ka lang ba talaga, Eumi?"

Eumi: "Ha? A, o-oo medyo s-sumama lang ang p-pakiramdam ko."

Anna: "Nandito na tayo sa bahay, ate."

Joshua: "Sige, ihahatid ko na lang kayo sa loob bago ako umalis."

Eumi: "Wag! Please samahan mo muna ako!"

Joshua: "Pero Maggagabi na eh. Bukas na lang uli. Magkikita pa naman tayo bukas eh."

Anna: "Oo nga! Teka, ano bang nangyayari sa'yo, ate?"

Hindi naman makapagsalita si Eumi. Tila may naramdaman naman si Joshua na iba sa kanya.

Joshua: "Sabihin mo nga sa'kin, ano ba talaga ang nangyari? Bakit ka ba nagkakaganyan? Base sa kinikilos mo ay may nagdala sa'yo ng napakatinding takot. Tungkol nga ba talaga ito kay Ricky?"

Eumi: "Kasi--"

Joshua: "Sabihin mo lang, Makikinig ako sa'yo."

Napilitang sabihin ni Eumi ang totoo. Ang tungkol sa pagpapakita ni Ricky sa kanya at ang dala nitong mensahe at babala. Hindi naman makapaniwala sina Anna at Joshua pero alam nilang hindi ito nagsisinungaling.

Eumi: "Sinabi nya sa akin na mag-ingat ako dahil gagawin din daw sa'kin kung ano ang ginawa sa kanya!"

Joshua: "Ibig mong sabihin ay pinatay si Ricky?"

Eumi: "Ewan ko. Hindi ko rin alam pero kailangan ko daw mag-ingat! Natatakot ako, Josh. Paano kung pinatay nga talaga si Ricky at ako naman ang isusunod?!"

Joshua: "Wag kang mabahala, Eumi. Hindi pinatay si Ricky. Naaksidente sya sa banyo. Imposibleng may makapasok sa bahay nila ng di nakikita ng iba. Isa pa, wala akong kilalang tao na magtatangka sa buhay niya. Baka imahinasyon mo lang ang nakita mo kanina.
At kung may magtatangka man sa buhay mo, dadaan muna sila sa akin bago ka nila magalaw. Ipagtatanggol kita kahit anong mangyari! Ganun ka kaespesyal sa akin dahil mahal . . . Ah, mahalaga ka sa akin. Di ba magkaibigan tayo?"

Anna: "Naku naman! Sayang ang chance!" bulong nya kay Joshua.

Parang napanatag naman si Eumi sa sinabi ni Joshua. Pakiramdam nya ay ligtas talaga sya basta't kasama nya ito.

Eumi: "Tama ka, Josh. Sa tingin ko ay masyado ko nga lang talagang iniisip ang nangyari kay Ricky kaya nakakagawa na ako ng imahinasyon tungkol sa kanya. Salamat sa sinabi mo, medyo nawala na rin ang takot ko kanina."

Joshua: "Wala yun. Basta tandaan mo, walang masamang mangyayari sa'yo hangga't nabubuhay ako."

Anna: "Ang sweet naman ni Joshua. Wala man lang bang kiss dyan, Ate para sa kanya?"

Joshua: "Ano bang sinasabi mo dyan, Anna?"

Eumi: "Yun lang pala eh," sabay halik sa pisngi ni Joshua. "Sige bye, Josh!"

Natigilan naman si Joshua.
Nang makapasok na si Eumi sa loob ay kinompronta naman sya ni Anna.

Anna: "Ang hina mo talaga, Josh! Muntikan mo nang masabi sa kanya e! Ako na nga itong nagsisilbing cupid nyo tapos natotorpe ka pa! Hindi pa ba halatang may gusto rin sya sa'yo matapos ka nyang halikan?"

Joshua: "Friendly kiss lang yun. Saka naisip ko rin kasi na parang hindi ito ang tamang oras para magtapat lalo na't kamamatay lang ng kaibigan ko. Iginagalang ko pa rin ang pagkakaibigan namin ni Ricky kaya sa tingin ko ay pagkatapos na lang nyang mailibing ay saka na ako magtatapat kay Eumi."

Anna: "Ay naku! Ewan ko sa'yo? Bahala ka dyan, baka maunahan ka pa ng iba dahil sa katorpehan mo!" pagkasabi ay iniwan na nya si Joshua.

Nagpasya na ring umuwi si Joshua. Napakasaya nya dahil kahit papaano ay may pabaon syang kiss mula kay Eumi kahit sa pisngi lang pero may lungkot pa rin sa kanya dahil sa pagpanaw ng kanyang kaibigan na si Ricky. Pero paano nga kaya kung hindi aksidente ang pagkamatay ni Ricky at totoo ang nakita ni Eumi? Mga salitang naglalaro sa isipan nya.

Kaagad din nyang iwinaksi ang isiping iyon nang papauwi na sya. Subalit sa kanyang pag-uwi ay mayroong isang pangyayari ang hindi nya inaasahan.

~>Itutuloy . . .

DIABLO SERIES I: Ang Salamin ng Nakaraan  by: DARK (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon