Chapter 1

8 0 0
                                    

ACE's POV

Hii ako nga pala si Ace Roberts Villa-Lee, (babae po ako hahaha nanay ko lang talaga may sayad, pang lalaki ba naman ibigay saking pangalan) 22 . Isang dakilang tambay.

Walang ginawa sa buhay kundi ang mag pasaway at tumambay.

College? Ano yon? High School lang tinapos ko, kasi para sakin "school is hell". High school palang pero may thesis na. Subjects nyo na pang college yong topic, so bat pa mag cocollege diba?.

At dahil nga pasaway ako, yong magaling kung nanay inuwi ako dito sa Korea, kesa naman daw don ako sa Pinas tumambay baka daw pagkamalan akong addict tas ipatukhang pa ako hahaha.

Nandito ako ngayon sa may coffee shop sa may harap ng bahay namin, hinihintay kung dumating yong bestfriend ko may ipapakinig daw kasi sya na bagong kanta sakin para sa album nila.

Di ko nga alam bat kailangan ko pang pakinggan eh pag nag bigay naman ako ng comment about sa kanta nya nagagalit tapos sya.

Nga pala, kilala nyo yong iKON? Si Kim Hanbin? Yong leader? Sya tinutukoy ko, sya bestfriend ko. Ayaw mong maniwala? Bahala ka .

10 years na kaming mag tropa, kahit nung nasa Pinas pa ako, di kami nawalan ng komunikasyon. at kahit sikat na yong group nila ngayon, sobrang humble parin tas di nakakalimot ng kaibigan.

Halos magiisang oras na akong naghihintay dito at wala parin sya, medyo naiinip na din ako, lalabas na sana ako ng bigla din syang dumating.

"Hinayupak ka, kanina pa ako naghihintay dito oyy!"

Tumawa lang sya ng malakas tsaka ako hinila pabalik sa upuan

"Sorry na, hahaha kasi naman si Bobby gusto pa sumama, sabi ko wag na. Tsaka may dinaanan pa ako kaya natagalan"

"Eh di sana nag sabi ka para di muna ako lumabas ng bahay. May pa OTW ka pang nalalaman"

Tumawa lang ulit sya, tsaka nag halungkat sa dala nya. Tsk wala talaga sa ayos tong lalaking to. Di pa nag suot ng hoodie, makita nga sya dito mamaya. Hay naku! Mabilis pa naman mag kalat ng kung ano-anong balita ngayon yong media. Tsk .

"Hoy! Roberts! Nakikinig ka ba?"

Ay tangina! Tawagin ba naman ako sa pangalawa kung pangalan.

"Ano ba kasi yon?"

"Ay tanga neto, kanina pa ako nagsasalita dito di ka pala nakikinig"

"Aba malay ko ba! Tsaka hoy! Sino nag sabi sayo na pwede mo akong tawagin sa Second name ko?"

"Ako! May angal? Sabi ko pakinggan mo tong kanta tas sabihin mo kung maganda or hindi. Para maayos ko"

"Sus, wag na, lahat naman ng sinulat mo maganda, okay na yan!"

Tiningnan nya lang ako ng masama, aba baliw to, totoo naman ah lahat naman ng sinulat nyang kanta puro magaganda, tanga lang yong di makaka appreciate kung gaano kaganda ng kanta nila.

Magsasalita pa sana ako uli kaso bigla sya tumayo at nilagay yong earphone sa tenga ko.

"Shhhh , pakinggan mo lang"

Kaya sinunod ko naman sya. Hmmm, tangina sarap sa tenga yong boses ni pandak. finefeel ko lang yong kanta hanggang sa matapos ito. Tiningnan ko yong phone nya para makita kung ano yong title ng kanta, aba't!

CapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon