Chapter 5

5 0 0
                                    

Hanbin's POV

Medyo busy kami ngayon kasi may comeback kami. Si Ace naman pinauwi ko na sa kanila naandito naman na kasi si tita tsaka medyo makulit na sya nakaka irita, puro nalang V laman ng bibig. Medyo nakaka konsensya ngalang kasi di nya pa alam na nasa boy group din manliligaw nya. OO, MANLILIGAW. Nililigawan sya ni V. Di ko nga alam bakit di nya sinasabi kay Ace na celebrity din sya. Ayaw ko din naman makialam sa kanila. Mas gusto ko pa na sya na mag sabi kay Ace.

Nandito kami lahat sa dressing room nag hahanda na para sa recording ng performance namin. Medyo lahat din ng staff busy. Tapos si Ju-ne kanina pa ngawa ng ngawa kasi yong stylist namin ibang damit yong nadala. Si Bobby naman at Jinan hyung kanina pa nag tatalo.

"Nakuuu! Ano ba yan ang ingay ingay naman dito!hyung tama na nga yang pag tatalo nyong dalawa tapos ikaw naman okay na yang suot mo ahh."
Bigla naman kami lahat napa tingin sa bunso namin na kunot nuo habang naka tingin sa salamin, bat mukhang kabado to?

"Oi Chanu okay ka lang?"
Tanong ko naman sa kanya kaya bigla din syang napa tingin sakin tas bigla din naman iwas, nangyari dito?

Medyo tumahimik na din loob ng waiting room namin. Calling na din kasi kami para sa performance. Nag handa na kami papunta sa stage. Sigawan naman ng mga iKONICS yong naririnig namin. Hmmm madami silang nag abala umattend ng recording ahhh.

Nakipag kwentuhan muna kami sa mga iKONICS na naandito, tapos sinimulan na din namin yong recording. Naka 3 take kami tas sabi isa nalang daw tapos okay na. Binigyan muna kami ng break.

Habang nasa break kami, nakipag kwentuhan ulit kami sa fans namin. Kinukulit nila si Jinan hyung kasi bakit daw sobrang liit nya hahaha. Makikikulitan na rin sana ako sa kanila nang may mapansin akong isang iKONIC na nasa pinaka dulo, naka Hoody sya ng itim tapos may mask, at cap.may hawak din syang Konbat.

"Ahh teka may pakiusap ako"
Natigilan naman silang lahat na napatingin sakin pati members, habang yong kamay ko naka turo sa taong nakuha yong atensyon ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon