Hanbin's POV
Medyo lutang ako ngayon dito sa practice room. Di ko alam pero wala akong gana mag practice ng sayaw ngayon. Wala kasi akong tulog isama mo pa yong sinabi ni Jinhwan hyung sakin at yong ganap na magkasama si Mino at Ace ngayon.
"Pwede break muna tayo, kahit isang oras lang. Iidlip muna ako"
Pagkasabi ko nun lahat naman sila huminto sa pag sasayaw tas na upo din sa sahig.
"Di ka na naman ba natulog?"
Tanong sakin ni Bobby habang kinukulikot yong phone nya"Malamang, kelan ba yan natutulog sa ayos? Dagdag mo pa na katabi nya na si Ace matulog"
Sabat naman ni Jinhwan hyung tsaka lumabas ng practice room."Anong mga tingin yan? Wag nyo muna ako kakausapin, matutulog ako".
Pag kasabi ko nun agad naman akong pumunta sa may gilid tas nahiga na.
Tangna inaantok ako pero di ako makatulog, ano ba yan! Sumasagi kasi sa isip ko yong sinabi ni Jinhwan hyung. Ano na kaya ginagawa nila ngayon?Tumayo ako at kinuha ko yong jacket ko at lumabas ng practice room, dinig ko pa yong pagtawag sakin ng ibang members kaso di ko na sila pinansin.
Agad ko namang tinawagan si Ace kaso di nya sinasagot tawag ko. Kahit sa text ko walang reply. Sumakay naman tapos ako ng elevator tsaka nakipag away sa isip ko kung bat ako nag kakaganito.
Ano tapos kung mag kasama sila? Di ko alam kung selos ba o takot yong nararamdaman ko. Selos kasi imbes na ako, iba yong kasama nya. Takot kasi baka mag kagusto din sya kay Mino-hyung.
Palabas na ako ng building ng makita ko sila kasama si Yoon. Nagtatawanan. Saya naman nila. Napansin naman nila ako kaya lumapit naman sila sakin.
"Hanbiniee! San punta mo? Tapos na practice nyo?"
"Bibili lang akong makakain"
"Tara. Samahan kita"
Pagkasabi nya non agad nya naman tinapik si Yoon at Mino tapos nag pasalamat sya sa dalawa . Tsk. Tumango naman yong dalawa tas pumasok na ng building.Nag simula na akong mag lakad habang sya nakasunod lang sakin. So saan ako pupunta ngayon?
Kanina pa kami nag lalakad at medyo dama ko na masakit na yong paa ko. Pinag titinginan din kami ng mga tao tapos may mga nag pipicture din.
"Hanbin, okay ka lang? Diba sabi mo bibili kang pagkain? Tska, madami nag pipicture oh!"
"Hayaan mo lang mga yan, wag mo pansinin"
"Okay, pero, san ka ba talaga pupunta? Medyo masakit na din paa ko kakalakad"
Pagkasabi nya non, napahinto naman ako sa paglalakad ko.
"Actually, di ko din alam san ako pupunta"
"ANO?! SO NAG LAKAD LANG TAYO NG NAPAKA LAYO?"
"inaantok ako"
Halata sa mukha nya na naiinis na sya, hahahaha ang cute talaga ng bestfriend ko. Pero totoo inaantok talaga ako. Tangina kasing utak to kung ano inisip.
At dahil nga sa inaantok ako at masakit na pareho yong paa namin, imbes na bumalik sa studio ay umuwi nalang kami ni Ace sa bahay. Tinext ko na rin yong mga members na umuwi ako.
Dumiretso na ako sa kwarto ko at nag bihis, tangina matutulog na talaga ako.
~~~
ACE's POV
BINABASA MO ANG
Captured
RandomPag mag best friend, hanggang mag bestfriend lang ba talaga ? Wish I could capture your heart.