ACE's POV
Halos mag dadalawang linggo na nung huli kung nakasama sila Mino at Yoon, pati si Hanbin. Busy na kasi sila ngayon at madami daw inaayos. Mag dadalawang linggo na din simula nung halos gabi-gabi kong ka-DM yong username nayon sa IG.
Ni stalk ko nga account nya para makita ko yong mukha nya kaso wala naman. Puro lang mga scenery tas mga bagay ng ni picture nya yong laman ng IG nya.
Di rin nya sinabi real name nya. Pero sya, kilala nya ako tas alam nya na tropa ko sila Hanbin. Mahilig din daw sya sa photography tas sabi nya if di na daw busy schedule nya. Yayayain nya daw ako mamasyal haha.
2pm na at nakatambay parin ako dito sa kwarto ko. Kaya naisipan kung bumaba tas naabutan ko naman si ermats na may inaayos sa sala.
"Yow ma! Kaninong gamit yan?"
"Wala, wag kang maingay dyan"
"Nag tanong lang naman, maingay na agad?"
Tiningnan ko yong mga tinupi nya, teka mukhang damit ko yon ah. Tsk .Di ko nalang pinansin tas pumunta na akong kusina para uminom ng tubig. Pag balik ko sa sala, wala na don yong maleta na inaayos ni mama. Aalis ba sya?
"Motherrrrrrr, mudraaa, ermatsssss, san ka pupunta?"
"Ikaw kahit kailan ang ingay mo, oh ito pala yong pera, pumunta ka ng mall tas bilhin mo na yong instax na gusto mong bilhin nayon, ng matahimik ka"
Halos di ako makapaniwala sa sinabi ni mama. Eh ticket nga pang bus hirap pa syang bigyan ako tapos, hahaha . Nakain neto?
"Ma, may lagnat ka ba?, Nauntog ba ulo mo? Okay ka lang?"
"Ayaw mo? Di wag"
Itatago na sana nya yong pera kaso hinablot ko agad."Nakuuu si mother di ma joke hehe, salamat dito ma ha."
Agad naman akong pumunta ng kwarto ko para mag bihis, halos di mawala yong ngiti ko sa labi, tngna SQ10 mabibili na kita!! pag baba ko, si mama may kausap sa phone nya. Sinenyasan ko lang sya na aalis na ako tas tumango lang sya.
Pag dating ko sa mall, pumunta na agad ako sa shop na bibilhan ko ng instax, pagkatapos kung bilhin yon agad naman akong nag libot para mag hanap ng makakain.
Napadaan ako sa may mga nagkukumpulang mga babae tas puro nag titake ng picture. Kinalabit ko yong isang babae tas tinanong kung anong meron.
"Si Jimin at V ng BTS"
"Ah okay, sino yon?"
Tiningnan lang ako ng babae na halos di sya makapaniwala sa tanong ko."Ate, san ka ba galing na mundo at di mo kilala yong dalawang sinabi ko?"
"Pagkakatanda ko galing akong planet Earth."
Sabi ko sa kanya tas inirapan nya lang ako tas umalis na sya.Aba malay ko ba! LANY, 5SOS, ONE OK ROCK, P!ATD lang alam ko! Sama mo na yong iKON at WINNER. Pati pala GOT7, nakilala ko lang din yong GOT7 dahil pinakilala sakin nila Yoon si JB at Jackson. Halos di rin nga makapaniwala sila Jackson noon na di ko sila kilala. Yon lang talaga kilala ko.
Sinubukan kong sumilip para makita yong sinasabi nila. Grabi naman tong mga babaeng to, kung makapag tulak wagas! Nung medyo naka bwelo ako, nakita ko yong isang lalaki na pinagkakaguluhan nila, naka ngiti sya tas di na kita mata nya. Pero halata talaga na napipilitan syang ngumiti, halatang nahihirapan sya sa sitwasyon nilang dalawa. Wala ba silang bodyguard na kasama?
BINABASA MO ANG
Captured
RandomPag mag best friend, hanggang mag bestfriend lang ba talaga ? Wish I could capture your heart.