2. Recovery

226 3 2
                                    

Chapter 2!

Kung kanino ko 'to idedicate, it only means na sana magustuhan mo yung story!!

_________________________________________

2. RECOVERY

I won't waste my time here thinking of you. But I'll take a short TIME OUT and breathe for a minute.

Translation: PAGPAPAGALING

Bwisit ka, alam mo ba yun?! Ba't ka dumating dito sa buhay ko kung aalis ka rin naman agad?? Bitter muna ako, siyempre! MALAMANG! 'Di ba pwede yun? Ayaw na kitang isipin. Lamunin ka sana ng lupa...

Ito, nakahiga sa sopa nina Lucky, kumakain ng Ice Cream...

"Gusto mo ba, pasalvage ko na?" Tanong nito sa'kin.

Umiling ako. "Ako na lang gagawa nun. May kakilala ako."

"Ako rin naman eh." Sabi niya. "Si Chico nga lang."

"Eh kaibigan yun ni..." Bigla akong naiiyak.

"Alam ko." Kumain pa siya ng ice cream. "Kaso siya lang kilala kong may kakilalang kayang gumawa nun. Di ba siya yung laging nagsusuggest na ipasalvage natin yung mga teacher natin."

"Eh biro naman yun eh!" Sigaw ko sa kanya at hininahaan yung boses ko.

"Sorry na. Naisip ko lang kasi yung si Chico eh."

"Bakit nga ba siya si Chico?" Tanong ko sa kanya.

Tumawa siya bigla. "Kasi 'Chic' boy siya, 'di ba?"

Natawa ako bigla. "Yun ba talaga yun o isang napakakorni mo nanamang joke?"

Pinalo niya yung braso ko. "Oy, totoo talaga yun no!"

"May crush ka ba dun?" Asar ko sa kanya pero bigla siyang tumahimik at namula ang baliw na 'to. "HALA KA! Uy, Lucky, babaero yun!"

"Duh, kaya nga Chico, 'di ba? Alam ko naman yun."

"Lolokohin ka lang nun. 'wag ka na dun."

"Oy, oy, oy," umpisa nito pero biglang tumigil. "Ay. Oo nga no. Sige na nga."

Nanahimik ulit kami.

"Gala tayo?" Aya nito at bigla na lang akong natawa.

Alam kong 'di fairytale ang life eh. At hindi isang mahabang Romantic movie ang love life ko. Pero siguro sa storyang 'to...

'Di talaga kaming dalawa ang magkakatuluyan.

Pero hindi ibig sabihin nito, basta-basta na lang siyang e-EXIT sa palabas na 'to. Ano siya? SINUSWERTE?

Heeeeeeeeell-nooooooooooooooooooooooooooooo.

Saya ko, 'di ba?

Hay love. Gumagawa ka ng baliw. Ng isang mapanganib na baliw...

No More Broken HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon