8. Misinterpretations

12 0 0
                                    

"Okay. Tell us the whole story." Sabi ni Jekjek. Nakanganga lang si Lucky habang nakasalpak yung bag ng yelo sa pisngi niya.

"Ugh...," yun lang. Para siyang bangag kaya mas intense yung moment kasi hindi ko alam kung anong posible kong magawa kay Ben if ever magkita pa ulit kami.

"Lucky." Iritang sinabi ni Chico na inirapan lang ni Lucky.

"Ano bang big deal?!" Pagalit na sinabi ni Lucky na napatingin na naman yung ibang customers at barrista samin.

"Sinaktan ka ba niya o hindi?" Tanong ni Lubid at biglang kumunot ang noo ng babaeng ito.

"Ha?"

"Sinaktan ka ba niya?" Ako na ang nagtanong at biglang namula na naman ang mukha ni Lucky.

Tumingin siya kay Mr Ex na halos matawatawa na. At doon ko narealize...hindi pula sa galit o sa sakit yung mukha ni Lucky. Pula sa hiya. "Ohmygash, kailangan mo na talaga umamin."

Yumuko si Lucky para itago yung namumula niyang mukha dahil sa God Only Knows na pangyayari.

"Ugh, I don't even want to talk about it!" Tapos ayun...tawa na ng tawa si Mr. Ex. Lahat kami nagulat kasi para siyang tanga. "Nakakaasar ka!" Sabi ni Lucky kay Mr. Ex at lalo lang napahalakhak tong lalaking to.

"Lucky, tama na ang suspense!" Sabay-sabay naming sinabi na nagulat siya bigla.

"Medyo nagpakawar-freak mode ako, okay? Kaya ayun! Binato ko siya ng bola galing sa basketball na laro..."

Nagkatinginan pa kami. "Eh bakit ikaw yung may tama?" Tanong ko sa kanya na lalo siyang namula. "Ano?"

"EH KASI TUMALBOG YUNG BOLA OKAY? TUMAMA SA'KIN HINDI SA KANYA."

At ganun lang din, nagtawanan pa kami ng sabay-sabay na pinalabas na kami sa coffee shop at lalong nagtago si Lucky. Hindi kami tumigil kakatawa. Ang fail kasi! Gaganti na lang, babalik pa sa kanya...literally. Hindi na kami makapagsalita, lalo na ako, kaya nayakap ko na lang siya. "Haaaay...,"

"Shet kayo," natawa na rin si Lucky kasi nakakatawa naman talaga! Siyempre naisip niya rin yun despite the injury. A moment later, nag-uusap na sila ni Chico sa malayo. Hindi halatang tumatawa si Chico pero alam mo eh, 'pag alam mo, na natatawa din siya. Maya-maya, pinanuod ko silang magtawanan, kung makapagmoment, wagas.

"Huy,"

Napalingon ako at nakita si Mr. Ex na natatawa sa harap ko. "Huy."

***

Siguro nung nakaget-over na kami sa katangahan ng bespren ko, nagmove on na kami sa ibang shop kung saan 'di na kami makakaistorbo ng customers. So nagyellow-cab na lang kami, nag-order ng pizza at nagkwentuhan tungkol sa mga kastupidahan ng mga tao sa relationships. Nagstart ang debate sa lamesa at hindi to natapos hanggang sa sinapit na kami ng gabi. Siyempre nagpaliku-liko ang usapan, dumating pa kami sa mga pagkain at kung ano pa mang hindi ko na nasundan pero bumabalik pa rin kami sa mga bagay na nagpapalala ng relationships.

"I don't think it's the girl's fault." Lucky says at lahat ng guys halos umiling.

"It's never the girl's fault with you." Sabi ni Chico at parang nagkaroon sila ng kulitan na sila lamang ang nagkakaintindihan.

"Both parties are so stupid." Sabi naman ni Lubid at ramdam ko bigla ang bitterness sa kanya.

"I think it's never anyone's fault unless someone cheats." Sumingit na ko at in English pa kahit medyo nakakadugo. Pano ba naman kasi! Tong mga 'to kapag nag-umpisa na mag-Ingles wala nang pigilan. Dirediretso na yan.

"Agree." Lahat sila nagtaas ng baso na parang nasa beerhouse lang kami at hindi nasa pizzeria.

"I think it's both their fault if they didn't make it work...," Mr. Ex whispers at bigla akong napatingin.

"Agree." Sabi ko rin ng pabulong at nagbump kami ng soda cans bago nakipagparticipate sa usapan ng tropa. Ang weird kasi kung iisipin mo. Paano ba nagstart tong kaguluhan na to? Nagpanggap ako na in love sa isang taong hindi ko kilala pero by the end of the day, nandito pa rin ako...kasama ang EX ko na pinagseselos ko.

I think it's time na magpakatotoo na ko.

Hindi ko alam kung pa'no nangyari yung mga susunod but I'll try to explain it as best I can;

Nag-walk-trip kami, sa labas ng mall on the way sa isa pang mall na medyo malayo at somehow, naiwan kami ni Mr. Ex sa dulo. Sina Lubid, nasa unahan, nagkukulitan habang kami bigla na lang napunta sa seryosong usapan.

Alam ko kung ano yung gusto ko pero ano bang kailangan ko? Magpapakatotoo nga ako pero sa dulo, pa'no kung ako pa rin yung masasaktan?

Sabi lagi ni Lucky, "Love is nothing without risks." Yun daw kasi yung thrill, yung meaning pag nagmahal. What would you do for love is always the question. Oo, mahal ko pa rin si Mr. Ex. I don't think kasi na titigil ka na lang magmahal ng isang tao porket 'di nag-work, 'di ba? Tsaka sa dinami-dami ng kalokohan na ginawa ko, after all that trouble, it just goes to prove that I still care, na mahal ko pa rin siya kasi nagpapakahirap akong i-prove sa kanya na over na ko sa kanya kahit the complete opposite yung nararamdaman ko.

This is it. Magpapakatotoo na talaga ako. Deep breaths.

And unexpectedly, sabay pa kami. "I need to tell you something."

No More Broken HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon