10-Complications

18 0 0
                                    

Mahirap magising. Blessing siya, alam ko.

Pero after a long day kahapon, ang hirap bumangon.

Mapapaisip ka na lang: bakit mo ginawa yung mga ginawa mo? Ano nang gagawin mo?

Pagpasok ko sa school, kinakabahan ako. Pa'no kung magkita kami ni Mr. Ex? Anong sasabihin ko? Babatiin ko ba siya?

Bakit mo ba kasi siya hinalikan, Amanda?

Pero kahit ako mismo, hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. Momentary Insanity ata 'yun, isang kondisyon na madalas kong na-eexperience now-a-days.

"Huy!"

Napatalon ako kay Bart at tumawa 'to ng malakas. "Ano ka ba!"

"Kanina pa kita tinatawag, 'di mo ko pinapansin." Hindi na ko nagsalita kaya nagtanong na siya. "Balon ba ang iniisip mo?"

Tinignan ko siya. "Ha?" High ba 'to?

"Malalim." Paliwanag niya.

Ah. "Korni."

"Ano nang plano mo?" Bigla namang sumingit si Lubid at napatingin ako sa paligid. Kanina pa ba sila nandito?

Nawawala na naman ako sa ulirat. "Hindi ko alam."

"Pa'no yan pag nagkita kayo? Kayo na ba ulit?" Tanong ni Jekjek at napailing na lang ako. "Ames, kailangan mo ayusin 'to."

"Bakit ka ba kasi nakikinig kay Lucky eh." Sabi ni Lubid at biglang may humampas ng braso niya.

Speak of the devil. "Good morning!"

"Ba't parang good mood ka?" Tanong ni Bart ng masama at tinaasan lang siya ng kilay ni Lucky.

"Pinagbabawal ba ng MMDA ang good vibes sa umaga?" Sagot ng babaita at tumingin sa'kin. "Nakatulog ka?"

Alam kong nang-aasar lang siya kaya 'di na ko tumingin. "Pa'no kayo nagkausap ni Ben?"

"Magkasama kami kagabi."

Tumingin na ulit ako sa kanya at ang buong tropa nakatunganga sa sasabihin niya. Feeling ko, yung buong canteen nanahimik. Ang aga pa rin naman kasi para dumami ang tao pero seryoso. Maririnig mo yung pag-flush ng toilet sa dulong building sa tahimik dito.

Hindi nakatingin si Lucky kaya pagtingin niya sa'min na nakatitig, nagulat siya. "Ano?"

"Bakit mo kasama si Ben kagabi?" Tanong ni Bart at umirap na si Lucky.

"Ano ba yang mga tanong niyo. Para kayong si Chico eh."

"O," sabi ko. "Bakit napasok na naman sa usapan si Chico?"

"Eh kasi kausap ko siya kagabi."

Nga-nga na naman kami.

"Ano!" Tanong na naman niya nang nakita niya yung mga mukha namin.

"Lucky!" Sabi naman pare-pareho. "Ang issue mo ah!"

"Ako? Eh ano kayo? Isyu kayo ng isyu dito. Wala yun. Wag niyo na ko intindihin. Huy, Amanda, ikaw ang focus dito."

Naku. Balik na naman sa'kin ang usapan. "Akala ko ba gusto mong 'pabagsakin' ko yung tao. Eh 'di yun."

"Sabi ko pabagsakin mo, 'di ko sinabing halikan mo." Sabi naman niya. "Kasi tignan mo, pati ikaw naguguluhan. Eh 'di parang ganun pa rin. Kung sinabi mo na lang sana na gusto mo na ng closure after mo siya mapaamin eh 'di tapos na. Pero ito tayo, 'di ba? Wala siyang sinabi. Wala ka ring sinabi. Pero ang laki ng move na ginawa mo."

Dakdak ng dakdak, nakakarindi. Pero totoo. Lalo ngang gumulo. Pero hindi siya kasing heartless ng gusto ni Lucky.

Baka nga lang mas malala. Kasi yung kay Lucky, direct to the point. At mabilis. Yung akin, complicated. Kung didiretsuhin ko siya, ano namang sasabihin ko?

No More Broken HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon