Jooe Alfred's Pov
"Alfred!?"narinig kong sigaw ng kung sino inis na dinungaw ko ito gamit ang isang maliit na bintana rito sa kwarto ko.
"Oh bakit Bingo?"Inaantok na sabi ko.
"Wala lang."
"Eh kung basagin ko kaya yang mukha mo?"
"Tsk! biro lang naman Fred, hindi ka naman mabiro."Nakalabing wika niya at kumamot pa ng ulo.
"Ano ba kasi 'yon?"
"May raket kami mamayang gabi sa Incognito Bar, sama ka?"Napaisip ako.
"Anong bang trabaho 'yan?"
"Waitress dude, 300 bawat gabi mo. makakatulong din sa inyo ni Aling Tess yun pambili niya mg gamot."
"Sige-sige antayin niyo 'ko mamaya."
"Sige Fred una na'ko may pasok pa 'ko."
"Salamat Bingo!"
"Sus wala 'yon ikaw pa ba? Oh siya mauna na'ko."Sambit nito at umalis na.
Muli akong napahiga dito sa maliit kong kama at pagkuwa'y ngumiti.
'Yes may pambili na'ko ng gamot ni Ermats bukas!'
"Jooe, bumababa kana d'yan tanghali na wala kanang makukuhang tae ng baboy puro aso nalang!" Narinig kong sigaw ni Ermats mula sa baba.
"Sandali lang Mats!"Balik sigaw ko.
Nag-inat muna 'ko at nagmamadaling bumaba kung saan nadatnan ko si Ermats na naghahain ng almusal.
"Good morning Mats!"
"Good morning Jooe."Nakangiting sambit niya.Sinuklian ko lang rin 'yon ng isang matamis na ngiti.
Dumiretso na muna 'ko sa banyo at naligo sabay sipilyo.
"Anak, kumain kana muna rine."Muling sambit ni Ermats,sakto namang tapos na'ko maligo at nakabihis narin ng uniporme.
Umupo na'ko sa lamesa at nagsimulang kumain.
"Anak dahan-dahan walang aagaw sa'yo niyan."Natatawang sambit niya kaya naman napapahiyang umayos ako ng kain.
"Sensiya na Mats, kagabi pa'ko hindi kumakain, pagkarating ko kasi kagabi hindi ko na magawang kumain dahil sa sobrang pagod."Paliwanag ko.
"Sorry Anak, ako dapat ang nagtatrabaho para sa'yo,pero baliktad ang nangyayare ikaw ang kumakayod para sa'tin."
"Ayos lang 'yon Mats,nairaraos naman ho natin kahit papaano hindi ba ho? kaya 'wag na kayong mag-alala."
"Salamat sa Diyos at napalaki kita ng maayos."sambit niya at hinaplos ang pisngi ko.
"Maiba ko Mats me gamot pa ho ba kayo?"tanong ko.
"Naku anak naubos na nung nakaraan pa."
"Mats naman! Bakit hindi niyo sinabi sa'kin? sana nadiskartehan ko, diba ho sabi ng Doktor kailangan niyong i-maintain yung pag-inom ng gamot niyo?"
"Sorry Nak, nahihiya na kasi si Nanay sa'yo."
" Ayos lang Mats, basta sa susunod magsasabi kayo hah?"
"Oo Anak."
"Sige Mats una na ho ako, nga pala baka ho madaling-araw na'ko makauwi.I-lock niyo ang mga pinto.sige ho alis na'ko."paalam ko at lumabas na ng bahay.
Nagsimula akong maglakad sa makipot na eskinita palabas sa'min.
"Hoy Fred tagay muna tayo d'yan?"yaya ng mga nag-iinuman rito sa'min.
YOU ARE READING
Chasing Ms.Boyish
Teen FictionMeet Jooe Alfred Fernandez a boyish one. She's an ordinary girl with full of dreams. Nagmahal siya ngunit nasaktan kaya kanyang binago ang sarili. Magmula sa pagiging kilos babae ay napalitan 'yon ng pagiging kilos lalake. Papaano kung bumalik mul...