My Hidden Feelings Left Unsaid

6 0 0
                                        

✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖

Bakit ganun?? Sa simpleng tingin niya lang, natutunaw na ako, sa simpleng salita niya lang, napapasunod na niya ang puso ko, at sa simpleng ngiti niya lang ay nabubuo na ang pagkatao ko??

Masaya ako at kaklase ko siya pero nalulungkot din kasi hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin.

Ako nga pala si Czarina Yuri Valdez at matagal na akong may gusto kay JD Yatco. Mapapansin niya kaya ako kahit minsan?? Lalampas kaya sa pagiging kaibigan ang tingin niya sa akin?? Hayyy…

Mabuti pa, wag ko munang isipin. Enjoyin ko muna habang kasama ko siya ngayon kasi next sem, baka hindi na kami maging magkaklase.

And speaking of JD, kakapasok palang niya ngayon and he looks..

Yumamuscular!! ( o)

(Yummy + Muscular = Yumamuscular)

“Hi, JD!!”

“Looking good, JD!!”

“JD, pare!!” Bati ng mga kaklase namin.

“Hi, guys!!” simpleng bating sagot  naman ni JD.

Ang cool niya talaga kahit kelan.. (´ q ' ” ) <- Drool

Dumiretso na siya sa upuan niya. Yung upuan.. na nasa.. tabi ko.

“Hi, Yuri.” Bati niya saken with matching his signature shiny shimmering smile that can make any girl melt.

“Hi.” Bati ko din sakanya atsaka siya umupo sa upuan niya.

Makatabi ko lang siya, kumpleto na ang araw ko, paano pa kaya itong batiin niya ako habang may ganyang ngiti sa kanyang mga labi??

Masaya na sana ako kaso.. dumating pa siya..

“Hi, JD. Tingnan mo to, oh.” Tawag nung bruhang si Vanessa Fleishcer.

Mataas ang tingin niya sa sarili niya dahil lang sa galing siyang America at lahat kami dito ay mga Pilipino. Ang nakakainis pa sakanya, she acts like she owns JD. Hindi lang si JD, lahat na ata ng mga lalaking may hitsura o maappeal. Lagi siyang nakadikit sa mga lalaki, na madalas kinaiinisan naming mga babaeng kaklase niya.

At ito naman si JD, nagpauto dun sa bruha.

Lumapit siya doon at tiningnan kung ano yung tinuturo ni Vanessa.

“Woah!! You have great eyes.” Komento ni JD.

“I know right, ahihihi.” Sagot ni Vanessa sakanya at naghahagikgik don na parang baliw. (-_-)

I hate her. I hate her guts. (_)

Maya-maya lang ay nagstart na ang klase at hindi ko namalayan ang oras, tapos na pala lahat ng klase ko. Oras na para ako ay umuwi na. Pero tinatamad pa ako kaya mukhang pupunta muna ulit ako doon.

“Yuri!! Sabay na tayong umuwi!!” Aya saken ng kaibigan kong si Sandra.

“Sorry, Sandra. Pass ako.” Sagot ko sakanya.

My Hidden Feelings Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon