Planes 3

7 0 0
                                    

"Nice to meet you friend"

Pagkasabi ni Faith sa mga salitang iyon, biglang nagtilian ang lahat ng babae habang ang mga lalaki sumusuntok na sa ere.

"Forever na this!"

"Kyah! Mygosh! Ang cute ni Faith magsmile!"

"Heh! Akin parin si Aeyron freak!"

"Tae pre kalalaki kong tao kinikilig ako!"

"Pre friends palang yan ah? Paano kapag sila na?"

"Ayieeeeee!!!"

Napatingin ako kay Faith na ngayon ay poker face na ulit at naka earphones.

Whooh.

Ayan na nagpaparamdam na ulit siya sa maling pagkakataon! Wag dito junjun! Nakakahiya maraming tao!

Naglakad ako papunta sa pinto palabas ng room ng humarang ang kambal, sila rhien at rhein.

"At saan ka pupunta kumag?" Sabi ni rhein. Hooh kumalma ka Aeyron hindi pwedeng pumutok ang puputok dapat. Wala ka sa tamang lugar.

"Hindi ka pwede umalis bro, nagkakasiyahan na tayo dito tapos tatakas ka? Nah-ah" iling-iling na sabi ni rhien

Jusko! Sa dami ng haharang bakit yung kambal pa! Mahirap na pag nagpipigil.

Kanina pa ako nanlalamig at namamawis sa sobrang kaba at pagtitiis at pagpipigil. Parang awa nyo na kambal padaanin nyo na ako!

"Hala si Aeyron nanlalamig na" nagtawanan ang lahat sa sinabi ng kambal.

Ayoko na di ko na titiisin ito, punong-puno na ako.

"Jusko parang awa nyo na padaanin nyo ako! Sasabog na pantog ko!"

Pagkasigaw ko tumahimik lahat. Thats my cue, tumakbo na ako papuntang comfort room.

Grabe, ilang oras ko din iyong tiniis. Buti nakayanan ng pantog ko.

Pumasok ako sa isa sa mga cubicles. Ok junjun fire away.

Nakikipagnegosasyon ako sa tawag ng kalikasan ng makarinig ako ng yabag sa loob ng boys cr.

"Bro balita ko tipo mo daw yung Faith" teka namumukhaan ko yung boses na iyon. Kanino nga ulit?

Hmm.....

di ko talaga matandaan.

"Oo pre, nako marupok din yun, mabilis bumigay onting landi lang yun" yung una hindi ko nakilala pero ito kilalang kilala ko.

Sa dinami-rami ng tao na pwedeng magsabi nyan, bakit siya pa?

Bakit sa dinami-raming tao, bakit si president pa?

Bakit si Jonathan?

Akala namin mabait siya?

Nang marinig ko ang yabag nila palabas tsaka lang ako lumabas ng cubicle. Overloaded information.

First, kapitbahay namin sila Faith

Second, type ni Jamill si Faith.

Third, friends na daw kami ni Faith.

And the recent, playboy ang mabait kuno naming persidente.

Okay. Hindi ko alam kung paano ko ioorganize ang laman ng utak ko.

Naglakad na ako pabalik sa room namin ng maaninag ko ang bulto ng tao na nakatayo sa unahan.

Anak ng tokwa! Yari! Late na ako! At kay Ma'am Costa Rica pa! Kamalas-malasang pagkakataon talaga!

Naglakad ako ng dahan-dahan palunta sa pinto. "Ma'am S-"

"Why are you late?!" Tagingting na bungad ni dagang costa- este ma'am Costa rica.

"Ma'am Im sorry. It will never happen again." Sabi ko ng may pacute effect. Jusko sana umepekto!

"Sit down!" Sabi ni ma'am at tumakbo na ako papunta sa upuan ko. Phew. Akala ko guisado ako ngayon.

"For those who dont know me, I am MS. Costa Rica not MRS. I will be your English teacher for the whole semester. I'll implemenf dew rules during my teaching hours in your room" sabi ni dagang costa.

"First! I don't allow Filipino laungage during my class. If you disagree please carry your bags and leave. You may find other teachers to teach you. Is that understood?!" Sigaw nya sa amin.

"Y-Yes Miss!" Sagot naming lahat maging si Faith sumagot.

"Second! I fail students that are always LATE!" Sabi ni dagang costa sabay tingin sa akin.

'Hoy! For your maximum information ngayon lang po ako nalate dagang costa!'

Kung pwede ko lang yan isigaw sa kanya, ginawa ko na. Kaso ayaw ko namang bumagsak. Sayang ang mga kompanyang hindi tatanggap sa pagmumukha kong ito.

"Last! Gossiping is not allowed! If i asked you questions, answer! Is that clear!?" Ewan ko ba. Eto ata yung version 2.0 ni Ma'am kasilang.  Susko kawawa naman ang Chile!

"Yes Miss" sagot namin.  Para na kaming mga pasyente. Halos lahat namumutla well except kay Faith ulit kasi maputla na talaga sya.

"Sit properly!" Sigaw nanaman ni dagang costa. Nabigla kaming lahat at napaayos ng upo. Si protacio nahulog pa sa upuan nya. Patawa na yung iba pero pinigil nalang.

"Okay. Tommorow we will be taking the lesson of different kinds of adverbs. Be reasy and prepare. Goodbye class" hindi na hinintay ni mam dagang costa na bumati kami at lumabas na siya.

Pangatngat ko sa kanya yung eraser namin eh! Ginigigil niya kami!

Pero mabait  na naman ang mga sumunod na teacher at nag-announce lang ng nga requirements sa subject nila.

Nang humudyat na ang tunog na nagdedeklara ng gyera, sumugod na ang mga kaklase namin palabas.

"U-Uhm Faith tara sabay na tayo kumain" sabi ni Jamill na mukhang nahihiya.

Langya. May hiya pala itong tukmol na ito? Galing! Bakit hindi ko alam?

"Jamill kami ni Faith ang magkasama hindi ba?" Sabay singit ni Jonathan. Psh kapal ng mukha, sabihan daw na easy to get si Faith.

"No thanks." Sabi nalang ni Faith sabay hila sa aki-

Ako? Kasabay nya akong kumain?

"U-uhm Faith saan tayo pupunta?"

"Canteen. we'll eat remember?" Sabi niya pero wala nang smile.

Planes (Who Are You?)Where stories live. Discover now