Planes 4

5 0 0
                                    

"Canteen. we'll eat remember?" Sabi niya pero wala nang smile.

"T-Teka nnaman aba! Ayaw mo ba akong kasabay Faith?" Sabi ni Jamill na humarang sa daanan namin ni Faith.

"Ako kasi dapat ang kasabay mo kumain Faith! Hindi ang mga lalaking yan!" Singit ni Jonathan sabay hawak sa braso ni Faith.

"O-Oy harassment na yan!" Sabat ko sa kanila.

Lumingon sa akin si Jonathan. At yung itsura nya, Hindi na sya yung mabait naming presidente dati.

"Ano bang alam mo ha?" Sabi ni Jonathan sa akin. Marami-rami na ang taong nakakakita sa amin. Maging mga kaklase namin.

"Hehe pres gutom na kasi kami. Hanap ka nalang ng ibang kausap ha?" Sabi ko kay pres na nakangiti. Sincere naman yung pagkakasabi ko dun, hindi yun sarcastic.

Aalis na dapat kami ni Faith pero bigla akong hinawakan sa braso ng mahigpit ni Jonathan. "Hindi pa tayo tapos mag-usap Aeyron wag mo akong tatalikuran"

Maging ang kaninang kaaway nyang si Jamill hindi na alam kung sasali o aawat sya.

"Ano ba ang pinagmamalaki mo ha? Na sikat ka at kilala ng lahat?" Sabi ni Jonathan sabay tawa na parang sarcastic ang dating.

"P-Pres awat na" Pigil ni Jamill kay Jonathan.

"Wag ka nang sumabat Jamill" sabi ni Rhien na nanonood lang at pachill-chill lang.

"Hala ngayon ko lamg nakitang magkaganyan si pres"

"Mygosh! Enge naman ng ganda Faith!"

"Hala pres! Chill lang"

"Kay Pres ako limang piso pusta ko!"

"Gago kay Aeyron ako sampu pusta ko!"

"Suntukan! Suntukan!"

Siraulo talaga nila! Talagang pumusta pa ang mga gago!

Nakatingin lang sa akin na galit si Jonathan. Hindi ko maatim na syang presidente namin. May baho pala syang tinatago.

"Bakit ka ba nakikisali ha Aeyron? Nakukuha mo na nga lahat ng babae dito pati ba naman si Faith?" Sumbat pa nya sa akin.

"Aba! Kasalanan ko pa pala na napakagwapo ko. Aba pasensya na ha?" Sabi ko at natawa. Tinignan ko na sya ng seryoso at walang emosyon.

"Pero mukhang hindi mo gugustuhing kumalat ang nalalaman ko Jonathan. Masisira ang imaheng iningatan mo ng tatlong taon" sabi ko sabay kalas sa kanya.

"Tara na Faith" sabi ko sabay hila sa kanya. Sumunod naman sya agad. Pansin ko na hindi sya nag-rereact.

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Hindi ko na alam kung paano mag-rereact. Kinakabahan ako na ewan.

"A-Ah....sorry dun sa nakita mo ah?" Sabi ko habang pinipisil ang tenga ko. "F-First time ko talagang masangkot sa away-"

"Thanks"

"H-Ha?" Napalingon ako kay Faith. Yung mukha nya seryoso at walang bahid talaga ng kapilyohan.

"I know" sabi nya. "I know that your president is a certified playboy in your town."

Sa sinabi niyang iyon, natameme ako. Paano niya nalaman? Samantalang ako ngayon ko lang nalaman.

"I know everything in your town before I move here." Sabi niya at nauuna na siyang maglakad. "See you after class"

See you.......

Does that mean there are more events to come?

Napangiti ako sa iniisip ko. This is getting weirder and weirder.

~*~

Nakauwi naman ako ng ligtas sa bahay. Nakatambay ako ngayon sa kwarto ko sa  may bintana. Actually sliding yung bintana ko kaya nakakatakas ako dito minsan.

Kanina ko pa hawak yung lapis ko at nagmumuni muni. Buti walang nag-abang sa akin sa gate. Pero yung mga tingin nila ngayon kakaiba na. Yung parang nakakita sila ng sobrang gwapong nilalalang ganun?

Haist. Hirap maging pogi.

"Penny for your thoughts?"

"Ay kalabaw ka ng ina mo!" Napatalon ako sa boses na narinig ko. Muntik pa mahulog yung notebook na hawak ko. "Jusko po santisima! Ginulat mo ako faith!"

"Sorry" sabi nya at nag peace sign pero hindi nakangiti. Ano yun? Nagpapacute ng pokerface? Bagong challenge ata.

"You know how to draw?" Napatingin ako sa kanya.

"Do I look like a drawer?" Napakunot ang noo niya sa sinabi ko. Actually biro lang yung sinabi ko. Bigla nalang nagpop sa utak kong napakabrilliant.

"No. You look like a cabinet." Nagulat ako ng sinabi nya yun. Ano daw?! Mukha akong cabinet?!

"A-Ano?!"

"Apply oil to the burned area" singit ng isang batang lalaki sa usapan namin. "Clark what are you doing here?"

"Masamang dumalaw sa ate ko?" Ha? Ate? May kapatid si Faith? "My mother's friend's son"

Hanueraw? Wala akong nagets sa sinabi ni Faith "wait....anak siya ng kaibigan ng mommy mo?"

"Yep" sabi nya sabay kuha ng isang- sketch pad ba yung hawak niya? "Nubayan! yun lang pala pinahirapan mo pa ako"

"Ilang taon na?" Tanong ko. "Turning ten."

"Wow kasing edad siya ng kapatid ko-"

"Kuya kakain na daw po tayo" sumilip si aika sa pintuan ko at as usual nakangiti nanaman ang kapatid ko. Ang cute talaga!

"Is she your sister?" Tanong sa akin ni clark. Bakit naman kaya tinatanong nang batang ito? "Oo. Bakit?"

"Hey clark, you like her?"

"Yes" sabi ni clark. Napatawa ng mahina si Faith sa sinabi niya.

I got stunned. Surprised and amused.

That is the second time I saw her smile. It is really getting weirder and weirder.

Planes (Who Are You?)Where stories live. Discover now