Planes 2

13 0 0
                                    

"Uy si jamill natulala!"

"Ayiee!!"

Mukhang magiging masaya ang grade 10 ko.

"May teacher na paparating! Defense!" Sigaw ng kaklase namin kaya nagbalikan na kami sa upuan. Well maliban kay Faith kasi kanina pa siya nakaupo.

Magkatabi kami ni Faith pero nakakailang parin. Hindi nya kasi ako kinakausap.

"Uhm.....Faith.."

"What is it?" Nagulat ako ng magsalita si Faith.

"Okay lang ba s-sayo na ako na ang magtotour sayo sa school?" Tugak! Bakit ka nagstustutter?! Halatang kabado! Whoo! Ang hot naman dito!

"Okay good morning class" bati ng aming ni sir Gonzales. Si sir ang pinakamabait sa school. At ang swerte namin na siya ang teacher namin.

"Sir chill lang! First day ngayon" tawanan ang buong klase maging ako sa sinabi ni sanjo. Lakat talaga ng loob palibhasa mayor tatay niya.

"Tumahimik ka villacortez" nakangiti pero halatang inis na sabi ni Sir Gonsalez. Nasa late 30's ata siya pero wala pang asawa. Sad life kasi single sya. Gwapopa naman ni sir mana sa akin.

"Wow si sir alam apelyido ko! Advance ka mag-isip sir!" Lalong nagtawanan mga kaklase ko maliban kay Faith.

Napapansin ko kanina pa siya tahimik. Parang hindi siya belong sa klase namin. Na parang may sariling mundo sa utak niya na siya lang nag-eenjoy.

"Sige lang villacortez ituloy mo yan ipapatapon kita sa section austria para maging teacher mo si Ms. Kasilang" ngumiti ng sarcastic si sir kay sanjo na nagpatahimik sa amin.

Pinakakinatatakutan ng buong chile si Ms. Kasilang kasi- sige lets say nagpapatawa siya sa oras ng klase, pero oras na nagseseryoso siya at mali o nabadshot mo si Ms. Kasilang, ayos yan. Tumatagingting na palakol sa card.

"Sabi ko nga po sir behave lang ako h-he he" dahan dahang umupo si sanjo at tahimik parin ang room.

"Anyway i heard may transferee tayo sa room" tumingin-tingin si sir sa paligid "where is the transferee?"

Nagtaas ng kamay si Faith na nagpaexcite sa lahat. Lumingon ako sa gawi ni Jamill at napansin ko na hindi siya inaantok.

Buhay na buhay at nakikinig nga kay sir ang loko.

Type ata si Faith.

"You may introduce yourself young lady" sabi ni sir. Wow, medyo naging formal si sir ngayon.

"Im Faith Visual, 16, you may ask me at least 10 questions" wow. She already put a borderline. Talagang may boundary sa pagtatanong.

"Bakit sampu lang pwede itanong sayo?" Sabi ni edward.

"Because i said so" nagtawanan ang buong room sa sagot ni Faith. Nagsunod-sunod na ang mga tanong sa kanya.

"Bakit ang tahimik mo?"

"Because I want to"

"Bakit ang ganda mo"

"Its natural"

"Likes and dislikes?"

"I like to draw, paint, books, I hate boys"

"Ano-ano habits mo?"

"Drawing, reading"

"Wattpader ka ba?"

"Yeah"

Planes (Who Are You?)Where stories live. Discover now