Chapter 2: Welcome to the Machauset forest
"We're here" nagising ako dahil kay mommy. Minulat ko ang aking mata at sumlyap sa bintana, madilim pa din at puro punong kahoy ang nakatanim dito merong nag iisang puno na may bulaklak at hindi mo matatangging matanda na ito.
Bumaba ako ng kotse. Asan kaya dito yung sinasabi nila mommy na bahay o pinagmulan daw nila.
"Mommy asan po yung sinasabi niyo?" Nakapikit si mommy at daddy, ano kayang ginagawa nila. Biglang may lumabas na parang portal at nabigla naman ako doon.
"Tara na. Mukhang nagagalak na silang makita ang kanilang prinsesa" ha? Prinsesa? Sumunod na lang ako sakanila.
Nang pagpasok ko sa loob ng portal dito kami niluwal sa isang kaharian, parang gubat din siya pero may kaharian na. Napatingin ako sa may isang gilid at may mga hayop na patay. Nagkalat ang mga dugo dito at talagang hindi ako sanay.
"Ayan na ba si Astrid?" Naagaw ng atensyon ko ang isang matandang babae, may pagkakahawig siya sa panaginip ko dahil sa tungkod nito. Bakit kaya alam niya yung pangalan ko.
"Opo babaylan. Siya na ang magiging pinuno nitong buong Machauset" sabi ni daddy pinuno?ako?bago?
"Ako'y nagagalak na makilala ka Astrid. Wag mo sanang labagin ang propesiya" anong propesiya?ano ba yan ang dami kong hindi alam.
"King Asmodeus, Queen Elena at prinsesa Astrid" yumuko ng kaunti ang isang lalaki at pamilyar ito sa akin. Tumingin ito sa akin at siya nga, siya yung isa sa mga lalaking nasa school namin noon. "Alam kong nakita mo na ako"
Ngumiti ako dito at nakakatakot ang mga pangil nila. Tumungo kami nila daddy at mommy sa palasyo. Habang naglalakad maraming bampira at parang mga normal lang sila na tao, mga naglalarong bata, may mga nagtitinda, at may mga pauwi ng eskwelahan.
Nang makarating kami sa palasyo yumuko ka agad ang mga kawal sa amin. Nakakatakot naman kasi habang naglalakad ako nakatingin sila sa akin.
"Anak mag pahinga ka na, maguumaga na kasi" ngi?ay oo nga pala bampira sila, ay kami pala. "Pero ipahid mo muna to sa ngipin mo bago ka matulog" may binigay sa akin si mommy na ointment at kinuha ko naman.
"Steve samahan mo ang aking anak sa kaniyang kwarto" tumango itong lalaking nagmamasid sa akin dati sa school at sinamahan ako papunta sa aking kwarto. Malawak ang palsyo kaya nagkwentuhan kami.
"Mahal na prinsesa ako'y nangangamba sapagkat ang yong buhay ay nanganganib" tumaas ang balahibo ko sa sinabi ni Steve.
"Bakit?may mangyayari ba?" Kinakabahan pa din ako ngunit hindi ko pianpahalata na natatakot ako.
"Walang mangyayaring masama kung hindi mo sisirain ang propesiya" kumunot ang noo ko dahil nabanggit na naman ang propesiya.
"Ano yon?ano yong propesiya nayun?sabihin mo para masunod ko" nalilito na kasi ako. Naoop ako pag pinaguusapan nila ang tungkol dito.
"Hindi pwedeng sabihin dahil ayon dito ikaw ang kailangang tumuklas" hala ang hirap naman non, baka mamaya malabag ko.
"Eh ano ng--" hindi ako pinatapos nitong magsalita dahil sinara na niya ang pintuan ng aking silid.
Malaki ang silid ko at mukang kailangang doblehin ang aking kwarto para mapantayan ang laki. Smooth black ang pintura ng mga pader at ang kama ay pula. Binuksan ko ang isang cabinet at puro mamahaling damit ang nandito.
Humiga ako sa kama at napaka lambot nito, sinubukan kong matulog pero hindi ko na din kaya kasi natulog ako doon sa kotse pati na din nung bago kami umalis. Nagpahid na lang ako ng ointment na binigay ni monny at okay lang masarap sarap din naman, para saan kaya yung ointment na yon matanong nga. Lumabas ako ng aking silid at may dalawang babae ang nagbabantay sa magkabilang gilid.
YOU ARE READING
When The Dark Comes
Mystery / ThrillerThis story is not suitable for young readers. Joke lang pwede sa lahat, thanks for reading my story. Love lots.