Chapter 3

13 2 2
                                    

Chapter 3: Meet Chernobog

Heather's POV

Ilang araw ng wala si Astrid ano kayang nangyari sakaniya, ang sabi lang kasi ng neighbor nila lumipat na sila ng bahay. Nagtatampo naman ako sakaniya kasi wala siyang sinabi sa amin nila Nathalie. Opss speaking of Nathalie asan nga ba siya nagtataka na ako kasi late na siya lagi ngayon.

"Lauren nag text ba sayo si Nath?" Nagiintay kami dito sa may bench kung saan lagi naming tinatambayan.

"Hindi eh. Sayo ba?" Umiling ako at lumingon lingon sa paligid, nagbabaka sakaling nandiyan lang siya.

Linibot ko ang aking mga mata pero wala pa din akong Nathalie'ng nakikita. Sa sobrang tangkad at pula ng labi niya makikita mo ka agad siya pero sa mga oras na to wala talaga.

"Tara na Heather baka hindi papasok si Nathalie" tumango ako ng isang beses at sinundan siya papunta sa room namin.

"Lauren bakit kaya wala si Astrid?" Nakatingin lang ito sa kaniyang dinadaanan at mukhang malalim ang iniisip.

Naglalakad pa din kami papunta sa room pero linamon kami ng katahimikan. Naninibago ako kasi wala si Nathalie at Astrid, hindi ako sanay.

Nang makarating na kami ni Lauren umupo agad kami sa likudan at pinagmamasdan ko ang dalawang bakanteng upuan. Hindi pa din ako maka get over na wala yung dalawa, si Nathalie ewan ko kung asan, si Astrid naman hindi na daw babalik.

Dumating na ang history teacher namin at hinahanap si Nathalie at Astrid, sila lang kasi ang lumiban sa klase ngayon.

"Ms. Bartolome bakit wala si Ms. Bancroft and Ms. Corliss?" Napako ang tingin ko kay sir at nagulat lang ako ng kalabitin ako ni Lauren.

"Sorry po sir. Si Astrid po lumipat na tapos si Nathalie Ewan ko lang po" nakatingin lahat sa akin at grabe weird kasi feeling ko hindi lang basta tingin yung kay sir, parang may balak kaya tumitindig balahibo ko.

"Ow okay. So let's start our discussion" linabas ni sir ang isang makapal na libro at ito'y talagang luma na.

"According to my research ang mga bampira ay nakatira sa isang gubat, at ito ay ang Machauset forest" hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ng marinig ko ang gubat na yon.

"Masyadong delikado ang lugar na yon kaya wag niyong susubukang pumunta. Ito ay malapit sa sementeryo" sari saring reaksyong ang narinig ko sa aking mga kaklase. May mga nagulat, namangha at yung iba natakot.

"Eh sir pano po pag pumunta kami don sa sinasabi mo" tanong ni Kurt na siya namang kina tawa ni sir, weird.

"Edi hindi ka na sisikatan ng araw..." Tumahimik ito sa sinabi ni sir at ako naman ay ramdam ko ang pangangatog ng aking tuhod. "Nasa bampira na lang na kumagat sayo yon kung gagawin ka niyang kalahi niya"

Nag discuss na lang si sir at wala ng sumunod na magtanong. Na wi-weirdohan ako kay sir kasi ang dami niyang alam tungkol dito at isa pa ha, yung opisina niya puro itim at may uwak sa cage, ayaw din niya na may sunlight at allergic siya sa bawang parehas sila ni Astrid. Hindi kaya our history teacher and my best friend is one of the vampires?

"Ms. Bartolome are you with us? Mukhang may pinaghihinalaan ka?" Nagulat ako kay sir nang sabihin niya ang apelyido ko.

"O-opo" dahan dahan akong yumuko at ginaya ang mga sinusulat ni sir sa board.

Weird talaga ni sir paano niya nalaman na may pinaghihinalaan ako, don't tell me vampire talaga siya. Ayokong mag isip nang kung anu-ano kaya hinintay ko na lang mag bell para mag break time.

*ringg ~~*

Tumayo na ako at lumabas kasama si Lauren. Ang tahimik pa din namin hanggang ngayon, wala kasi si Nath ang pinaka mabunganga sa amin.

Kumain na lang kami ni Lauren at bumalik na sa room. Nagpalipas kami ng oras dito.

Dumating na ang teacher namin at para lang naka fast forward kasi ang bilis ng oras, hindi ko rin napansin na uwian na ang alam ko lang kakakain ko lang tapos uwian na.

"Heather baka hindi nako sayo makasama uuwi na kasi ako" Tumango na lang ako at ngumiti tapos dumeretso na ako sa amin.

Pinauwi ko na ang sundo ko kasi nag decide akong mag lakad, gusto kong damhin ang lamig ng gabi.

Habang naglalakad ramdam ko ang ihip ng hangin at ang liwanag ng buwan. Hindi ako mapakali dahil feeling ko may nakatingin sa akin, bigla akong napahinto dahil may kumaluskos sa gilid ng mga puno, shit nasa tabi pa naman to ng cemetery.

"Sino yan?" Tiningnan ko yung pinang galingan ng kaluskos pero wala namang tao kaya lumingon na ako sa aking dinadaanan, pero pag lingon ko siya namang pagkatumba ko. Wala na akong malay at tanging naaninag ko na lang ay ang isang lalaki.

~~

"Black God nakatali na po siya"

Nakapikit pa din ako pero pinapakinggan ko ang pinaguusapan nila. Sino kaya yung Black God na tinutukoy ng lalaking nag salita. Atsaka asan ako?

"Ms. Bartolome pwede bang wag kang mag tulog tulogan" laking gulat ko ng marinig ko ang pamilyar na boses  na yon, hindi ako nagkakamali ang history teacher namin to.

May mabilis na umikot ikot sa akin at minulat ko ang aking mata para makita kung sino ito.

"Ikaw ang kaibigan ng prinsesa kaya gusto kong ikaw din ang tatapos sakaniya" dahan dahan itong him into at lumapit sa akin.

Hindi ako makapabiwalang ito ang history teacher namin at sino yung prinsesang tinutukoy nila na kaibigan ko. Si Nathalie kaya yon?. Teka si sir ba si Black God?

"Sir" umiiyak na ako ng nilabas nito ang pangil niyang matatalim.

"Wag kang mag alala hindi na ikaw ang Heather Bartolome na kilala nila" nawalan na naman ako ng malay ng kagatin nito ang aking leeg.

Third person's POV

"Dad bakit may pinatay ka na naman" tanong ng binata dito kay Chernobog o mas kilala bilang Black God.

"Hindi siya mamamatay dahil ituturing mo na siyang kapatid ngayon" umiling ang binata at parang na dismaya sa ginawa ng ama.

"Kahit kailan talaga walang puso ang aking ama. Pati ibang tao ginagamit niya sa kasamaan niya. Simula nang napatay ni Asmodeus si mama naging ganiyan na si daddy. Hindi na siya ang Chernobog Crimson na kilala ko, he's not my father. Pinanindigan na niya ang pagiging Black God" bulong ng binata sa hangin at hindi pa din makapaniwala sa ginawa ng kaniyang ama.

When The Dark ComesWhere stories live. Discover now