Capítulo Ocho [✔]

74 4 0
                                    

IT'S ALMOST two weeks na kaming binigyan ni Sir Ayan ng rest day dahil siguro may marami pa kaming dapat pag handaan na bagay sa susunod na klase. At dahil ito na ang araw ng pagbalik namin sa klase ay nakahanda na kami. Ang pinag uusapan pa ni Amala, Ghalia, at Breathlease mas exciting raw ang klaseng magaganap ngayong araw dahil it really pertains adventure.

Siyempre ng marinig ko 'yun na excite rin ako...

Anong adventure kaya ang gagawin namin?

Ahmmmm..... actually since nangyari 'yung one on one battle namin ay naging close na kami ni Breathlease hindi narin siya nagtataray sa akin. Mabuti naman kung ganun at 'yung part na nagkamalay ako ay todo puri sa akin si Breathlease sabi pa niya, 'Napakagaling mo talaga sa labanan Claire kaya idol na kita simula ngayon and can we be friends?' Hindi ko nga alam kung ano 'yung nakain niya.

Ang sarap tanungin pabalik na
'Pwedeng pakishare ng nakain mo kanina?'

Well, back to business.

Nang makalabas na kami sa aming dorm ay tumatakbo kaming papunta sa section building namin at nang tinamad silang tumakbo ay lumipad silang tatlo kaya ginamit ko ang super speed ko at tinawanan ko sila ng maunahan ko sila.

Pagtingin ko sa paligid ng classroom namin nang biglang may humatak sa akin at nang sa isang kurap ko lang ng aking mata ay nandito na ako sa tuktok ng school building namin. Nang tiningnan ko 'yung lalakeng humatak sa akin, it's Seth. Wow, lakas makahatak ahh?

Nakatalikod ito sa akin nakatanaw sa ground ng aming school.

"Oh, ba't mo ko dinala rito?" mataray kung tanong na naka pameywang kahit nakatalikod siya sa akin. Pero tahimik lamang siya. Naisapo ko na lamang ang aking kamay sa aking noo  para mapigilan ang aking katarayan.

"I'm sorry..." Natigilan ako nang marinig ko ang boses niya sa aking isipan.

Pero parang gusto kong matawa sa narinig ko.

"HAHAHA!" 'diko napigilan ang sarili ko, "Ngayon mo pa ba pinagsisihan ang mga sinabi mo sa akin nun?! Tsk, tsk, 'di mo ba alam kung ano ang naramdaman ko nun?! Sobrang sakit para sa akin nun!" 'diko napigilan ang mga over acting kung mga luha. Maliit na bagay iniiyakan! Hayop! Naiiyak ako sa inis!

"Kaya ginawa ko ang lahat para matalo kita sa one on one battle pero ang gusto ko talaga ay patayin kita pero naisip ko na test lang ang mga bagay na 'yun. Kaya inihinto ko 'yung espada ko pero alam mo ang mas masayang nangyari? Ay nang nawala mo 'yung samurai ko kaya mas mabuting hindi kita papatawarin unless 'di mabalik sa akin ang bagay na pagmamay-ari ko!" Napunasan ko pa ang mga lintik kung luha nang 'di niya nahalata saka ko siya iniwan.

Pagbaba ko ay kasunod kong pumasok ang aming teacher na lalake sa section building namin at timing rin naman ang pagpasok ni Seth, nakahabol pa.

Itong teacher namin ay sa mukha palang ay masayahin na.

"Okay, good morning Bravare students!" masiglang bati nito.

Napatayo naman kami ng walang oras.

"Good morning, Sir!"masiglang bati namin pabalik.

"I'm Mr. Tom your teacher in Adventure!"

Napahiyaw naman kaming lahat sa excite ng marinig namin ang subject namin sa kanya.

"Okay alam kung excited na talaga kayo sa adventure na gagawin niyo," natatawang wika nito, "So, kindly follow me so that we can start." Halos lumundag lundag naman kaming mga babae na sumunod kay sir.

Legend of Immortal: Angeloids and Eviloids(UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon