PART 2💛

7 2 0
                                    

KATOTOHANAN SA LIKOD NG PAARALAN

by: black_sicc

Oh? Halika't itigil mo muna ang iyong ginagawa
Makinig sa akin baka sakaling ikaw ay matuwa
Ating balingkasin ang katotohanan
Sa likod ng paaralan

Nakakapagod ang mag aral diba?
Sulat doon sulat dito
Kung sa gawaing bahay halos walang pinagkaiba
Parehas nakakapagod mapadito mapadoon.

Bakit nga ba ikinukumpara?
Upang pabigatin lamang ang loob mo sa kanya?
Sa inyung guro na sinasabing "buti pa sila"
Pwede nga bang binibigyan lamang kayo nang hamon?
Na mas angat nga kayo sa iba?

Limitasyon sa paggawa ng proyekto
" Ipasa bukas, Kung hindi ay zero"
Bakit nga ba ang aga?
Marahil ay hinahamon tayo kung magagawa ba natin talaga

Kompletong kasuotan
Mga buhok at nagupitan
Itim na sapatos dapat ang suot
Walang ID, Hindi makakalusot

May nagsabi
Ano ba ang koneksyon ng buhok sa pag aaral ginoo't binibini?
Oo nga, Hindi naman buhok ang magsusulat
Hindi naman buhok ang mag uulat

Para saan ba ang proper haircut?
Marahil para maiwasan ang iritasyon tuwing mag sosolve ng math?
Marahil sinisimbolo nito ang pagiging maayos na estudyante
Kaakibat ng paaralan, painapahalagahang imahe

Nakakasawang mga takdang aralin
Mga mahahabang susulatin
Tagalog at English man napakahirap pa Rin
Pero wala tayong magagawa, dahil kailangan di nating gawin

Ngunit

Dadating ang araw na sasagutan mo Ang huling pagsusulit
Dadating Ang huling araw na matatanggap mo ang huling grado
At masasabing sulit
Sa lahat nang nawalang tulog ko

Isang araw, gagawin mo ang huling mong pag rereport sa klase
Huling pag arte
Nang maiksing dula dulaan
Pati na Rin ang presintasyon mo sa harap

Darating ang araw ng huli niyong walwalan
Kasama ang kaibigan
Darating ang araw ng huling niyong pagiging pagod na ko sa skwelahan
Ganon din ang pagiging isang mag aaral na kabataan

Darating ang huling araw na pagsasabi mo
Sa iyong magulang " ma? May sleep over, payagan nyo na po ako"
" Ma? May babayaran po kami"
" Yung projects po namin medyo marami"

Huling araw na lilinisin mo ang inyong silid aralan
Aayusin at papantayin ang linya ng mga upuan
Huling beses na bintana ay pupunasan
Kasabay nang pagsarado mo ng pintuan

Hindi na mauulit ang pagtambay sa canteen tuwing pahinga
Mag uusap ng hindi naiintimida Ang isa't-isa
At kapag dumaan ang crush ni isa
Kanya kanyang pagpapahiya at tukso sa kanya

Isang araw? Huling araw mong magsusuot ng pintahing bestida
Para sa prom ng school alas dies e media
Kasama mo ang gurong kahit kinaiinisan mo ay todo na ang suporta
Alam mo?, Natutunan mo na ring mahalin sila
Dahil baka? Ito na ang huli nyong pagkikita

Isang araw, magagawa mong itapon ang sumbrerong may logo ng skwela
Kasabay nang pagtanggap ng minimithing diploma
At huling pagkukuha ng litrato
Kasama ang mga kaibigan habang nakangiti luha ay tumutulo

Huling pagkanta ng lupang hinirang
Huling pag matcha ng tatlong rehiyon
Huling araw ng pagbababad sa initan
Habang principal ay nagsasalita na hindi nyo naman pinapakinggan

Darating ang araw na hindi mo na makikita ang mga naging kaklase mo
Mga gurong nagtuturo at sumubaybay sa pagkamit ng tagumpay mo
At matatagpuan mo na lamang ang sarili mo
Na umiiyak habang nakangiti, hawak ang isang litrato
Litrato nyong nakangiti
Mayroong makangiwi
Mananatili na lamang isang alaala
Na tatatak sa iyong memorya

Darating ang araw na itatapon mo ang mga kwaderno
Isasauli Ang mga libro
Ipapamana ang uniporme sa kapatid mong bunso
Dahil tapos ka na estadong Ito, hindi na ito ang kailangan mo.

At darating ang panahon na Wala ka na SA paaralan
Lalabas ka na sa pintuan ng inyong silid aralan
Lalagpasan mo na ang masungit ng gwardya na iyong kinaiinisan
Huling tapak mo sa paaralan
Habang suot suot ang ID sa huling pagkakataon
Paalam na sa ngayon

Isang araw , Hindi ka na mag aaral
Wla ng dasal kapag may exam lalo na't Hindi nakapag aral
Wala nag takdang aralin
Wala ng proyektong babayarin
Wala ng " oh shit! Late na ako"
Wala ng besh " libre mo'ko"
Wala ng " cutting Tayo? Try Lang natin new experience Ito"

Isang araw , Hindi ka na mag aaral
Ngunit isa ng mga mag aaral sa totoong pagsubok ng buhay

Hindi ka na estudyante
Dahil sa naghihintay sayo'ng bagong panahon?
Wala na Ang arte arte

Hindi ka mananatiling estudyante na lamang.
Magpahanga
Kung kaya't wag mong hayaang sumuko ka na lamang ang iyong sarili
Dahil sa eskwela
Wag mong hayaang sumuko ka na lamang sa daming iniintinding problema
Maging malakas!
Matapang!
Masipag dahil sa dulo?
Sulit lahat ng paghihirap
Dahil Isa lamang sa unang pagsubok Ang pagpasok sa paaralan
Laban sa totoong hamon ng buhay
Itaas ang upo at manatiling umuusad
Sa buhay paaralan
Ipagpatuloy mo kaibigan
At habang abala ka sa pagiging isang estudyante
Huwag kalimutang ngumiti
Huminga lang ng malalim
Makakamit rin ang huling araw

DAHIL IYAN ANG KATOTOHANAN SA LIKOD NG PAARALAN 😎

He's Poetry Where stories live. Discover now