Chapter 4

3 0 0
                                    

Kakauwi lang namin ni Nics. Nakakapagod. Namili lang naman kami ng clothes, shoes and personal thingy. Gusto ko muna magpahinga kahit sandali. Isinaayos ko muna ang mga gamit ko at nagbihis. Pagkahiga ko sa kama ay ititext ko muna si Vin.

"Babe, kakadating lang naman ni Nics, galing kaming mall. Bumili ng clothes, shoes &pt. Papahinga muna ako ha. Text u later. Iloveyou" - Pagkasend ko ay, ipinatong ko sa study table ang cellphone ko at natulog muna.

LORD's P.O.V

Kakarating ko lang sa bahay. Walang katao-tao. Lagi naman e. Panay bussiness na lang lagi inaatupag nila. Kaya minsan pag nagugutom ako, sa labas na lang ako kumakain. Tulad kanina nakita ko pa si Riane. Naiimagine ko tuloy yung muka nyang hindi maipinta ang reaksyon. Para syang gulat na gulat.

Teka, Lord Rixel Minoa nga pala. 16 years old. Gwapo ako at yun ang tingin sakin ng lahat. May pagkamacho. Isa rin akong heartrob ng school namen. Isa akong magaaral sa TIA. I'm a basketball player and I'm a captain ball.

Mahilig talaga ako maglaro. Simula palang ng pagkabata ay ito na ang kinahiligan ko. For now, single ako. Ayaw ko muna mag girlfriend alam kong lalaki ako pero nakakahiyang sabihin na pagaaral muna ang aatupagin ko. Hindi porket sinabi kong wala akong girlfriend ay wala talaga. Nagkameron naman ako ng dalawang girlfriend, si Ruby at si Marie.

Hindi ko masyadong sineryoso si Ruby pero naging legal kame, for Marie naman sya yung babaeng minahal ko ng sobra, kaso nagbreak din kame this past few months. Sa magulo naming pagaaway ay hinayaan ko nalang sya, tutal dun sya masaya. Hindi rin agad ako nakarecover sa break up namin. Mahirap kasi sa 1 year naming pagsasama ay madami kaming memories.

VIN's P.O.V

Anubayan! Bat ba hindi nagtetext si Riri. Nakakapang-galaiti na. Di ko kasi alam, baka mamaya may iba syang katext, may ibang kachat o may ibang kasamang lalaki? Hayy. Di ko mapigiling hindi magisip ng negative e. Boyfriend kasi ako at responsibilidad ko yon.

Vin James Lasid. 16 years old. Hindi ako gwapo pero mataas ang tingin ko sa sarili ko. May pagkamayabang at loko loko. Isa akong estudyante sa TIA. Girlfriend ko si Riane, 6 months na kame, at nakakaba ko na na malapit na kame magbreak. Bakit?

Kasi malapit na ang pasukan at ang lagi naming pinagaawayan ay ang babae. Wala syang tiwala sakin, naloko at nasaktan ko na sya. Alam kong nagkamali ako pero seryoso na naman ako ngayon. Lagi nyang binabanggit si Ica De Leon, sya yung babaeng maganda na crush ko noon. At minahal ko rin nang kami pa ni Riane.

Lagi nyang pinipilit na magkakadevelopan kame ni Ica dahil kaklase ko this year si Ica. Alam kong nahihirapan din sya sa sitwasyon. Selosa kasi ang girlfriend ko. Warcastic sya pagdating sa mahal nya sa buhay. Palaban din pero hindi naman napapaaway ng sobra, kumbaga' sagutan lang.

Eto ako ngayon nagbibilliard anboring kase, kakatapos ko lang tumira nung nagvibrate ang cellphone ko. Pagbukas ko, 3 msgs from Babe. Inopen ko naman agad.

"Babe, kakadating lang naman ni Nics, galing kaming mall. Bumili ng clothes, shoes &pt. Papahinga muna ako ha. Text u later. Iloveyou"

Lagi nalang sya ganito. Hindi na nya ako binibigyan ng oras. Parang hindi na ako importante sa kanya. Nakasanayan ko na kasi na lagi kaming nagkatext, at hindi ako sanay na ganito sya. Nireplyan ko na lang sya ng matipid kong "Ok" at naglaro ulet.

Riane's P.O.V

Nagising ako sa sigaw ni Nics na "Ate kakain na". Walang sawang pambubulabog. 7:30 p.m na pala at mahaba haba na ang tinulog ko. Mapupuyat na naman ako neto. Kinuha ko muna ang cellphone ko at nakatanggap ako ng text ni Vin ng matipid nyang "Ok". Nakakabanas na nakakainis. Bahala nga sya. Bahala sya sa buhay nya.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kitchen. Kumain na lang ako habang nagfafacebook.

Nagvibrate ang cellphone ko as vibration na may nagchat, si Lord.

Lord: Oy.

Riane: Yow.

Lord: Hahaha. Bat gulat na gulat ka ata kanina.

Omg, napansin nya?

Riane: Ah e. Syempre nakakagulat yon. Hahahaha.

Lord: Ah. Hahaha. Ok.

Riane: Sige, may gagawin lang ako. Bye.

Lord: Ano ba number mo?

Kinukuha nya number ko? Ibibigay ko ba? Uhm, sige na nga! Number lang naman.

Riane: Oh eto 0926*********

Lord: Sige. Text na lang kita.

Hindi ko na sya nireplyan. At kinuha ko ang kinainan ko at hinugasan ito.

Pagkatapos ng mga gawin ko ay binuksan ko ang T.V. Naghanap ako ng magandang movie, at nakita ko ang palabas na Titanic. My favorite. Nakakaiyak, hindi sya nakakasawang panoorin. Naiimagine ko tuloy na ako si Rose at si Vin si Jack. Hahahaha! Paano kaya ako nun kung mawala si Vin?

Sa pagpapantasya ko ay di ko na namalayang nakatulog ako....

The "FRIENDZONE" FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon