Chapter 5

1 0 0
                                    

*Krinnngggggggggg*

Napamulat naman agad ako sa lakas ng alarm ko. 6: 30 a.m na. Maaga pa naman ako para pumunta sa school. Orientation kasi namin. Kuhanan narin ng schedule.

Bumangon ako at ginawa ang morning routine ko at kumain. Habang nagiintay ako ng oras ay naisipan ko munang makisama sa kapatid ko na nanunuod ng Spongebob.

Hayss, nakakamiss talagang maging bata, biruin mo yun 16 years old na agad ako, kaylan lang naglalaro laro lang ako dyan sa tabi tabi ng bahay namin' na napakaamos at masang sang na bata. Lahat nga talaga tumatanda. Huhuhu!

Pinagpatuloy ko ang panonood ng Spongebob dahil nakakaaliw talaga, yung mga corny moves ni Bob, medyo naaaliw ako dun. Sa panonood ko ay di ko namalayan na.. "Shet! 8 na pala" pagkakasigaw ko.

Dali dali akong kumilos, pumunta na agad akong banyo at dali daling naligo, umabot rin naman ng 7 minutes kahit papano, pero syempre naghilod, nagsabon at nagshampoo rin ako. Pumunta na agad ako ng closet at nagbihis ng green pants, black shirt and simple dolly shoes. Tsaka ang aking body bag na nakalagay ang isang small journal, ballpen, pencil, wallet and girly thingy.

Tiningnan ko ang oras at 8:15 na. Shit, malalate ata ako. Wag naman sana magtraffic, 8:30 kasi ang simula ng orientation, nakakahiya naman if malate agad ako. Nakasakay na ako ngayon sa sasakyan ko at yes! Traffic nga -___-

Bumusina ako ng ilang beses at halata naman nilang nagmamadali ako kaya umusad naman agad.

Kakarating ko lang ng school and saktong 8:30 na. Dali dali akong bumaba at nagsusuklay habang naglalakad papuntang room 7.

Pagpasok na pagpasok ko, napasmile ako dahil hindi pa naman ako late dahil wala pa yung teacher na magaassist samin this orie. Medyo weird dahil pinagtitinginan nila ako, agad naman akong nakakakita ng isang available sit malapit saaking dating classmate na si Lelay. Kaya umupo ako dun at nag hi sa kanila.

"Hi riane. Buti naman dumating ka, at buti wala pang teacher" -bungad sakin ni Lelay.

"Hahaha. Oo nga e, kabang kaba nga ako e. Kala ko talaga malalate ako." tawang tawa kong sagot kay lelay.

Hindi na lang nya ako pinansin dahil mas ginusto na nyang manahimik. Napansin kong nasa dulo ng row namen si Framae.

"Frameyyyyy!" bungad ko sa kanya habang nakaupo pa rin.

"Gaga, muntik ka nang malate haha peram salamin" natawa na lang ako at agad kong pinahiram sa kanya ang salamin.

Nilibot ng mata ko ang classroom, madami dami rin pala akong kakilala dito, may mga mean girls rin pala. Napatingin ako sa group ng boys sa kaliwa, napansin kong nagdadaldalan yung iba na dati kong classmate. Napansin kong may kausap si Lord, sa harap nya. Les ata ang name, yun ang pagkakaalam ko. Bigla syang napatingin sa akin at nagsmile, nagsmile din naman ako. Ang gwapo nya. Shemsss! Hahaha. Looking good sya today naka polo shirt sya tas nakashort tas naka vans shoes!

Humarap na ako sa unahan baka kasi sabihin nya nalove at first  sight ako. Neverrrr! Di ko sya crush. Hell no. At ang alam ko' sila pa nung Marie. Di naman ako tata-lo dyan. May boyfriend ako diba?

Speaking of my boyfriend. Asan kaya sya? Di pa sya nagtetext since kahapon. Teka, wala pa naman yung teacher e. Makapag cr nga muna.

"Framae. Magccr lang ako ha." tumango na lang sya. At tumayo na ako.

Papalabas ako nang room, nang pinagtitinginan nila ako. Ang weird lang talaga nila *.* Pumunta ako ng C.R at nakita ko yung isa kong old classmate.

"Riane, hinahanap ka ni Vin' andyan sa labas" biglang sabi sakin ni Nela. Friend ko.

"Ah ganun ba, sige! Thankyou"

Bago ako lumabas ay tiningnan ko ang itshura ko. Ang blooming ko ata. Hahaha charot. Baka mainlove sakin ang aking boyfiee. Lumabas ako ng cr na kinocomb ang hair ko gamit ang aking mga daliri. Napansin kong nakaupo si Vin malapit sa stage kayat nilapitan ko.

Nakatitig lang sya sakin. Ang O.A ha anong meron?

"Bakit?" -pagtatanong ko sa kanya.

Umiling lang sya. Di ko na lang pinansin. Napatingin ako sa room 7 at nagpapasukan na yung mga new classmates ko.

"Intayin mo ko. Papasok na ko. Ge" - pagpapaalam ko sa kanya.

Nag ok naman sya kayat dali dali akong pumasok sa room. Nandun na yung teacher kayat umupo na ako.

"Goodmorning Class."

Tumayo naman kaming lahat at nag "Goodmorning ma'am" na rin.

"Ok class. I'm miss Caly Marasigan. Ako ay bagong teacher dito na kasalukuyang magtuturo sa subject ng Values. At ako rin ang magaassist sainyo this orientation day. For this time, kopyahin nyo muna ang schedule nyo 9- Mary and after that ipapaliwanag ko sa inyo ang school policies. Ok?

"Ok, Ma'am"

Kinuha ko ang aking isang maliit na journal at kinopya ang schedule na nakasulat sa blackboard. Medyo di ko gusto ang schedule ko ngayon kasi vacant ng first perio at math ang sunod tas english pa ang huli. Nakakainis lang dahil parehas academic subject ang first & last period. Wala man lang kahit isang araw na maaga ang labas.

Pagkatapos naman naming kopyahin ay pinaliwanag naman ni Miss ang mga school policies, yung mga do's and don'tsss! Hayy. Ang boring, paulit ulit lang naman na pinapaliwanag every year, pero wala namang sumusunod.

Yang pagkukulay ng hair, kalimitan lahat ng students may nangingibabaw na kulay ng buhok. Yung mga paglolow-waist. Aysss, daming arte. May mga students rin na nagmamake up. Di naman nila kinaganda yon, pinakapalan lang nila ang mga muka nila. Andaming ka checheburechehan.

Si Miss naman, dumada na nang dumada sa unahan. Pasimple na lang akong nakikinig, habang minu-muni ang aking buhok.

And after 3 hours ay natapos rin. Tsss, nakakapagod umupo' jusme! Dinaig pa ang misa ng padre sa tatlong oras na pagpapaliwanag noong walang kwentang policies na yon.

Pagkadismiss na pagkadismiss ay lumabas agad ako. Saan kaya makapunta? 12pm pa lang naman, at akoy gutom na gutom na. Makapagmall kaya? Ay teka, si Vin. Pinuntahan ko sya kung saan ko sya iniwan kanina, and ayun nakaupo sya.

"Oy. Uuwi ka na? Bungad ko sa kanya.

"Oo. San ka pa ga pupunta?

"Akoy gutom na, magssm ako! Pati may bibilhin pa ako."

"Ala, ayaw ko! Ikaw na lang. Uuwi na ako. May gagawin din ako" - nice boyfriend. tsss!

"Ah sige, text mo na lang ako. Bye"

Tumango na lang sya. Haysss, muka nang tanga relasyon namen. Bat ganon? Feeling ko nagiging cold ako sa kanya? Mahal ko pa ba sya? Mahal nya pa ba ako? Ano ba dapat gawin ko?

Ano ba Riane! Umayos ka nga, ayos naman kayo! Aish. Bat ba ako nagiisip ng negative. Pababayaan ko na lang sya kung ano gusto nya.

Kakarating ko lang dito sa SM, dumiretso agad ako sa KFC at umorder agad. Then naghanap ako ng sit, and ayun may bakante pa naman.

Kinuha ko ang cellphone ko at may text galing kay Lord.

"Hey, pasmile smile lang a. Hahaha. Ingat! ;)" loko ata to! Hahaha. Hindi naman nya kasi ako kinausap.

Nireplyan ko naman. "Hahaha. Loko, di mo naman kasi ako kinausap, btw! Thanks."

Tinapos ko na ang aking kinakain at pumunta sa department store & national book store para bilhin ang mga kelangan ko, dahil bukas ay first day of school na. Sheeez! Nkakaexite. Hahaha!

Pagkabili na pagkabili ko ay umuwi na agad ako at nagpahingaa. Haysss! Lord, im so tired. Kayo na bahala sa first day ko, guide me.....

The "FRIENDZONE" FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon