CHAPTER 1
"Kring kring...." Naalimpungatan si Ynah sa tunog iyon ng telepono na nasa lamesa malapit sa kanyang higaan. Agad na kinuha niya iyon at pasimpleng tinignan ang relo na nasa tabi din nito. Alas dos palang ng madaling araw.
"Helo!" na medyo galit dahil sa ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang maalimpungatan kapag natutulog. "Hello!" pangalawa na ito pero wala pa ring sumasagot sa kabilang linya. Sobrang nagagalit na ito. Binagsak niya ang telepono at bumalik sa kanyang higaan para matulog ulit. Kung hindi lang sana siya pagod baka nagsisigaw na siya sa galit sa kung sino man ang walang magawang tao na yun na sa madaling araw pa tumatawag. Maaga pa ang pasok niya bukas sa kanyang pinapasukan-- ang Dlanyer University. Si Ynah ay nag-iisang anak pero wala na ang kanyang nanay at tatay. Namatay na ang mga ito noong limang taon pa lamang. Namatay ang mga ito sa disgrasya sa kanilang probinsiya. Nasa Manila na siya ngayon at First Year na siya sa Unibersidad na iyon. Kumuha siya ng kursong Nursing dahil matagal na niya itong pangarap at ng kanyang yumaong mga magulang. Kasa-kasama na lang niya ang kanyang lola dito sa Manila. Dahil sa walang kapera-pera, nagtatrabaho din siya sa isang sikat na Fastfood Chain kapag wala siyang klase para may pandagdag sa kanyang tuition sa eskwelahan.
Ang Unibersidad na kanyang pinapasukan ay isa sa pinakasikat dahil mga mayayaman at magagaling ang mga estudyante dito. Nakapasok si Ynah sapagkat isa siyang scholar dito.
"Kiriring!.." Tunog iyon ng kanyang Alarm Clock na nasa paanan niya. Alas sais na, 6:30 pa naman first class niya. Bigla siyang bumalikwas ng bangon dahil maaga ang kanyang klase ngayon. Hindi na niya nilinis ang kanyang pinaghigaan. Kailangan niyang magmadali. Nagpunta agad siya sa banyo. Ang kaniyang tinutuluyan ay sa lola niya. Mabuti pa at may lola pa siya na kahit konti ay nakakatulong din sa kanyang pag-aaral. Wala na itong asawa dahil nanganak itong dalaga at iyon ang kanyang inay.
Pagkatapos isuot ang eleganteng uniform ng kanilang eskwelahan ay dumiretso na siya sa sakayan. Nakita pa niya ang lola niyang natutulog sa kwarto nito pero di na niya ito ginising pa dahil alam niyang pagod at puyat din ito dahil nagtitinda din ito kapag gabi ng balot. Hindi na siya kumain pa. Kakain na lang siya sa canteen ng kanilang eskwela.
Halos tumitingin ang mga lalaking nakakakita kay Ynah habang papunta sa sakayan. Kilala niya naman ang mga ito kaya kahit gabi ay di siya natatakot dumaan sa kanilang lugar. Mababait kase ang mga tao dito. Si Ynah ay matangkad at medyo maputi na di mo aakalaing isa siyang mahirap lalo na kapag suot niya ang kanyang uniform. Namana niya ang kanyang puti sa kanyang ina at ang mukha naman sa kanyang tatay sabi ng kanyang lola.
Hustong 6:30 na ng makapasok siya sa Gate ng kanilang school. "Uy Ynah! May sasabihin ako sa iyo." ang pumukaw sa pansin ni Ynah. Si Mely iyon, ang kaniyang bestfriend sa school na iyon. Si Mely ay anak mayaman pero hindi ito maarte. Mabait ito sa kanya, sila ang laging magkasama sa school nila. Magkaklase sila dahil Nursing din ang kinukuha nito. Patakbo itong lumapit kay Ynah. "Uy! May nalaman ako, may bago daw tayong classmate galing States. At ang gwapo daw." kinikilig pa ito. "Eh ano ngayon?" ang sabi ni Ynah. "Wala lang. Baka ito ang hinihintay ko. Tara! Andon na daw sa room natin." Kinuha nito ang kamay ni Ynah at dali daling naglakad papunta sa room nila.
Wala pa ang kanilang Prof ng pumasok sila sa kanilang silid. Naupo agad si Ynah at binuksan ang kanyang aklat at nagbasa habang hinihintay ang Prof nila habang si Mely ay inisa-isa ang kaklase kung nandoon na ang kanilang new classmate pero wala ito at naupo na rin. Magkatabi lang sila ng upuan. Binuksan ni Mely ang bag at inilabas ang make up kit nito. Kikay si Mely pero hindi nito pinapahalata na anak mayaman. Si Ynah naman ay hindi masiyadong nag-memake up pero marami ang nanliligaw sa kanya dahil natural ang kanyang ganda. Marami nga ang naiinggit at umaaway sa kanyang babae eh dahil marami nagkakagusto sa kanya kaso ayaw pa niyang pumasok sa relasyon. Nagpromise siya sa kanyang mga magulang noon na makakapagtapos siya.
Hustong pagpasok ang grupo ni Sheena at ang dalawang kasama pa nito. Maarte at anak mayaman ang mga ito. Mataray sila kay Ynah dahil naiinggit sila. Di na lang pinapansin ng mga ito ni Ynah.
"Oh no! Ang gwapo Ynah oh kaya lang naunahan ako." ang sabi ni Mely habang nakatingin sa papasok palang na grupo ni Sheena kasama ang isang estrangherong lalake. Siguro ito na ang new classmate nilang galing State. "Magagaling talaga ang mga babaeng to." Sabi ni Mely na ang tinutukoy ay ang grupo ni Sheena. Parang close na ang mga ito sa new classmate nila at halatang may gusto itong si Sheena sa new classmate nila. "Uy Ynah! Di ka ba nagugwapuhan oh? Yummy pa!" sabi ni Mely kay Ynah. "Uy! Ano ka ba. Pinagpapantasyaan mo na naman. Tsk! Aral muna isipin mo" sabi ni Ynah na nakatingin narin sa lalake. (Oo gwapo nga pero parang mayabang.) sa isip ni Ynah.
Nakita ni Sheena na nakatingin si Ynah at Mely sa lalakeng kasama nila kaya inirapan niya ang dalawa. Natakot naman si Mely. Kinakatakutan kase si Sheena sa School na iyon dahil may share ang pamilya ni Sheena sa eskwelahang iyon kaya halos nagagawa ni Sheena ang lahat sa eskwelahang iyon. Maganda naman si Sheena pero makapal kasi magmake-up at mataray kaya marami ang nateturn-off sa kanya.
At pumasok na ang kanilang Prof ng makaupo ang grupo ni Sheena katabi ang bagong classmate nila na halatang nag-eenjoy din kay Sheena. (ah Playboy ito) sa isip ni Ynah.
"Class meron kayong new classmate all the way from United States. Magiging classmate niyo na siya dahil napagpasyahan ng kanyang mga magulang na dito na lang siya mag-aaral. Mr. Romwaldo, please come here and introduce yourself." ang sabi ng kanilang Prof.
Kinindatan pa ni Sheena bago tumayo ito at nagpunta na sa harapan.
BINABASA MO ANG
Dlanyerzone University: Harold and Ynah
RomanceDlanyerzone University -- ang pinakasikat na eskwelahan sa Pilipinas. Harold & Ynah "I'd Rather" Si Ynah ay isang mahirap lamang at wala ng magulang. Nakapasok siya sa Dlanyer University dahil sa kanyang talino. Dito niya makikilala si Harold-- ang...