Chapter Two

45 0 0
                                    

CHAPTER 2

Nanginginig si Harold habang papunta sa harapan ng kaniyang mga kaklase. Tsk! Di niya alam ang sasabihin. Dagdag pa ang mga matang nakatigin sa kanya. Lahat ay nakatingin na sa kanya lalo na si Sheena na halos lumuwa ang mata na nakatitig sa kanya. Sabagay nasanay na siya na tinititigan siya lalo na ang mga babae. Pagpasok pa lang niya kase sa gate kanina ay napapatingin na ang kababaihan sa kanya. Buti na lang at may pinsan siyang nag-aaral din dito na si Kevin pero ibang course lang kinukuha nito kaya alam niya kung saan room siya dapat pumasok.

Paano ba niya sisimulan? Sabagay alam niya magtagalog dahil Tagalog sila mag-usap noon sa States. Lalong nanginig siya nung mapatingin sa isang babae na nakatingin na rin sa kanya-- si Ynah. (Maganda siya, maganda ang mata at kulay ng kutis..) sa isip niya pero ayaw pa niya mainlove ulit. Kagagaling kase siya sa isang relasyon na sobra niyang pinanghiyangahan. Minahal niya ang babaeng iyon, kaklase din niya ito sa States pero niloko lang siya ng babae. Pilipino din yun. Kaya pumayag naman siya agad nung sinabi sa kanya ng kanyang Mama na dito sa Pilipinas muna mag-aral para na rin makalimot. Ahh! Basta ayaw niya muna magmahal kaya naman naiinis siya kay Sheena dahil nagpapakita na ito na may gusto ito sa kanya. Pinakikisamahan na lang niya para di siya sabihing suplado at unang araw pa naman niya sa Unibersidad na ito.

"Hello guys! Please lemme introduce my self.." pagsisimula niya. Ah wala siyang masabi. "Im Harold Romwaldo, from United States. Nanditow akow.." nakita niyang ngumiti ang kanyang mga kaklase. Halata kase na galing States kapag nagtatagalog siya. "am here to continue my studies in Nursing...." Ayun di na siya kinakabahan ngayon. Naiilang lang siya sa titig ng isang babae na si Ynah na nasa sulok. Ewan pero kakaiba ang babaeng ito sa kanya. Sa totoo lang, never siyang nahiya sa isang babae pero bakit sa babaeng ito ay nahihiya siya?

Natapos ang klase nang masaya si Harold. Unti-unti na niyang nakikilala ang kanyang mga classmate. Meron na rin siyang kaclose na kaklase niya na si Jordan. Si Jordan ay makulit at palakaibigan kaya naman halos lahat ng kaklase niya ay close sa kanya. Mabait din ito, may itsura at mayaman din. Inihatid pa nga siya ni Jordan kaninang umuwi sila dahil wala siyang sariling kotse. Ayaw kase siyang bigyan ng kanyang mama dahil baka magbulakbol lang ang gagawin niya kapag may kotse ito. Sabagay di rin naman kalayuan ang kaniyang pinapasukang eskwela sa kaniyang condo.

"Close ba kayo nung Ynah na yun?" naalala pa niyang tanong kay Jordan kaninang inihatid siya nito. "Oo naman, alam mo namang ako ang pinakafriendly sa room natin di ba? Halos lahat kaclose ko pwera lang kina Sheena. Naiinis ako sa kanila eh." habang nagmamaneho. "Oy! Bakit mo tinatanong yan? Gusto mo siya no?" dugtong pa nito. Di na lang siya nagsalita. Kinulit siya nito kung bakit niya tinatanong hanggang sa makarating sila sa condo niya pero hindi na lang siya nagsalita.

Napansin na lang ni Harold na nakangiti siya habang inaalala niya iyon. "Bakit ano kaya meron sa babaeng iyon?" nasabi niya sa sarili. "Ah basta, ayoko munang umibig." at humiga na ito sa kanyang kama at nakatulog naman ito kaagad. Napagod siya pero masaya.

"Yes Ma!" ani Mely sa kausap sa telepono. "Dito ka na raw matutulog sabi ni Mama para may kasama ako." alok nito kay Ynah. Nasa bahay siya nila ito, malapit lang kase ito sa pinagtatrabahuan niyang foodchain at gabi na. Pagkatapos ng kanilang klase kanina ay dumiretso si Ynah sa kanyang pinagtatrabahuan. Ngayon, makikitulog na lang muna sa kanyang bestfriend dahil gabi na. Nakakatakot na sa isang dalaga ang umuwi pa sa ganoong oras. Lagi naman siyang nakikitulog kina Mely kapag galing sa kanyang trabaho kaya naman kilala na siya ng mama ni Mely at ng mga katulong. Nasa abroad ang mama at papa ni Mely. Hindi na kailangan pa ni Ynah na sabihin sa lola niya na kina Mely na lang siya makikitulog dahil sanay na ito at alam na ng matanda na kapag may trabaho siya ay dito siya nakikitulog.

"Uy! Ano ang masasabi mo kay Harold?" tanong ni Mely kay Ynah habang nakahiga na sila. "lakas ng appeal diba? Imposibleng di mo siya type? At alam mo ba, parang iba ang titig niya sayo kanina." dugtong pa nito. "Kung anu-ano sinasabi mo, matulog na nga lang tayo. Maaga pa pasok natin bukas." sabi na lang ni Ynah. Pero napansin din niya iyon. Iba ang titig sa kanya ni Harold kanina. Napangiti siya sa kanyang iniisip.

Sabagay tama ang kanyang kaibigan. Gwapo nga si Harold. Ngayon lang siya humanga sa isang lalake. Madami siyang manliligaw pero wala siyang nagustuhan at tsaka pag-aaral muna ang kanyang aatupagin.

Hindi na nga siya kinulit ni Mely. Nakatulog na pala ito. Matutulog na rin siya. Nakangiti siyang natulog.

Halos magkasabay na nagising si Mely at Ynah. Sabay rin silang kumain at naligo. Sanay na sila sa ganon. Humiram muna si Ynah ng uniform ni Mely. At sabay rin silang pumasok gamit ang kotse ni Mely.

Malapit na sila sa school ng makita nila si Harold na naglalakad. "Ynah, si Harold oh. Pasakayin kaya natin. Pagkakataon na natin itong mapalapit sa kanya." ani ni Mely habang nagmamaneho ito. "Bahala ka!" sagot naman ni Ynah pero sa loob niya ay gusto niya rin ang ideyang iyon ng kaibigan. Ewan kung bakit ngayon lang siya nagkainterasado sa isang lalake.

At hinintuan nga ni Mely ito. "Uy Harold! Remember me? Im Mely, your classmate. Sabay ka na samin ni Ynah." sabi Mely kay Harold habang nakadungaw ito sa bintana ng kanyang kotse.

Nagulat ang binata. Di siya nakapagsalita agad lalo ng magtama ulit ang mata nila ni Ynah. Saka lang siya nakapagsalita ng bumitiw ng titig si Ynah. "Ofcourse I remember you. Pwede ba?" sagot nito at ngumiti. "Naman! Ikaw pa." sagot naman ni Mely at pumasok na nga si Harold sa likod nila at pinaandar na ni Mely.

Dlanyerzone University: Harold and YnahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon