Chapter Four

33 0 0
                                    

Chapter Four

Nasa trabaho ngayon si Ynah. Wala silang pasok sapagkat araw ngayon ng Sabado. Matagal na si Ynah sa fastfood na ito. Dapat 6 months lang ang kontrata niya pero pagkatapos ng anim na buwan sa trabahong ito ay nakiusap siyang irenew ang kanyang kontrata. Pumayag naman ang manager nila sapagkat maganda naman ang record niya. Sa counter siya ngayon nakatoka.

"Here we are Harold!" sabi ni Sheena ng iparada niya ang kotse sa paradahan. Inanyayahan niya kase si Harold para magmeryenda sa labas. Um-oo naman agad si Harold ng yayain niya ito. "Oh! I like this foodchain." sagot naman ni Harold habang bumababa ng kotse. "We have also like this in States. Madalas din ako kumakain dun." pagpapatuloy ni Harold. "Oh thats good. Lets go!" alok ni Sheena kay Harold.

"Ako na mago-order." ani ni Sheena ng makaupo na sila sa isang table. "No lemme do that. Its my treat!" ngumiti pa si Harold. "Ah ok! It's up to you." sagot naman ni Sheena.

Tapos na mag-order si Harold. Papunta na siya sa counter nang mapansin ang kung sino ang nandon. Ah! Si Ynah. Busy ito sa mga nagbabayad. Halla! Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Kagabi lang ay iniisip niya ito bago nakatulog. Bakit? Mahal na ba niya ito? Ayaw pa niya. Sobra siyang nasaktan sa huling kinarelasyon niya.

"Hi Ynah! Dito ka pala nagtratrabaho." pambungad niya kay Ynah habang may isinusulat ito sa papel. Nagulat ang dalaga. "Helo!" ani ni Harold nang di pa sumagot si Ynah. "Ah! Hi. Kaw pala Harold. O-oo dito ako nagtatrabaho." sagot naman ni Ynah. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Bakit kaya? Tatanungin niya sana kung sino kasama niya pero nakita niyang lumapit dito si Sheena kaya iasikaso na lang ang bill ni Harold. "Any problem Harold?" tanong ni Sheena nang makalapit dito. "Oh! Hi Ynah. Dito ka pala nagtatrabaho." ikinaway pa ang kamay nito sa kanya. Umiba ata ang ihip ng hangin? Di na nakamake-up si Sheena ngayon. Sa totoo lang, mas maganda si Sheena pag walang make-up. Noon kahit nasa bahay lang nila ay nakamake-up ito. Iba na siya ngayon. Di na matatalim ang mga matang nakatingin sa kanya. Anong nangyari? "Uy! Sorry for all Ive done ah? Lalo na sa school." bigla ang paghingi ng tawad nito sa kanya. Nagulat si Ynah. Parang sincere si Sheena sa paghingi ng tawad ah. Ano kaya nakain ng babaeng ito? Ngumiti siya. Ngumiti rin si Sheena at Harold. "Ah yun. Ok lang yon." sagot naman niya. Ngumiti si Sheena at nagpunta na ang mga ito sa kanilang table pagkatapos nilang mabayaran ang order. Bakit mabait na si Sheena sa kanya ngayon?

Nagpaalam pa ang mga ito sa kanya kanina. Nagtataka parin siya hanggang ngayon kung bakit bigla ang pagbait sa kanya ni Sheena. Kumirot ang kanyang dibdib ng maalala kung gaano kaclose ang dalawa kanina habang kumamain. Nagseselos siya? Ah hindi, bat siya magseselos? Minabuti niyang gawin na lang ang kanyang trabaho para makalimutan ang nararamdaman.

Walong oras ang naging trabaho niya kanina. Napagod siya. Nagpasundo siya kay Mely. Sa kanila na naman siya matutulog.

"Mely, I have something to tell you." pagsisimula ni Ynah nang nakahiga sila sa kama. "Ano yon?" agad naman na tanong ni Mely. "Kumain sina Harold at Sheena kanina sa pinagtatrabahuan ko." "then?" tanong ulit ni Mely. "Binati ba naman ako ni Sheena kanina. At alam mo ba, ambait niya kanina. Parang yung hindi siya yung Sheena na kilala natin sa school. Di rin ito nakamake-up kanina. Nagsorry pa nga eh."

"Really? Baka may binabalak?"

"Ewan, basta parang sincere kanina ng humingi ng tawad eh." ani ni Ynah. "Eh pinatawad mo naman?" ani ni Mely. "Di naman ako nagtanim ng galit sa kanya eh. Alam mo yan." sabi ni Ynah habang inaayos ang pagkahiga. "Sabagay. Meron din pala akong sasabihin sa iyo." nakangiting sabi ni Mely. "Mukhang masaya ka ah. Ano yun?" tanong ni Ynah. Medyo inaantok na siya. Napagod siya. "Nagkabalikan na kami ni Christian!" masayang paglalahad ni Mely. Ginalaw galaw pa nito ang katawan nito. Masaya talaga ang bestfriend niya. Masaya rin siya para sa kanyang bestfriend. Si Christian ay ang minsan ding iniyakan ng bestfriend niya. Kilala niya ito sapagkat lagi rin sa bahay nila Mely si Christian noong sila pa. Nag-aaral din ito sa Dlanyerzone University.

"Really? Congrats bhez!" Niyakap niya ito. Salamat at magiging masaya na ulit ang kanyang bestfriend. Nagkwentuhan pa ang dalawa tungkol kay Sheena, Harold, kay Christian at iba pa bago natulog.

Inamin na ni Ynah kay Mely ang nararamdaman niya kay Harold kapag nasa harap nito. Sinabi naman ng isa na baka nagkakagusto na siya kay Harold. Pero hindi niya alam kung ano talaga ang nararamdaman niya kay Harold. Pero kung totoo man iyon, paano na? Baka awayin siya ulit ni Sheena pag nalaman niya ito. Ayaw niya ulit ang maeskandalo.

Natapos ulit ang araw ng Linggo ni Ynah sa pagtatrabaho. Kailangan pa naman niya ng pera. Kailangan kase ng kanyang lola ng puhunan.

Araw na namn ng lunes. Habang naglalakad si Ynah papunta sa kanilang klase ay nakita niya si Sheena kasama ang isang lalake na masayang nag-uusap habang nakaupo sa grass ng school. Kilala niya ang lalaking kasama nito. Ang minsang karelasyon ni Sheena iyon. Nagkabalikan ba sila? Umiba na talaga si Sheena. Hindi na gaya ng dati pati style ng pananamit. Nag-hi pa sa kanya ng makita siya. Ngumiti lang si Ynah at pinagpatuloy ang paglalakad.

Pagpasok ni Ynah sa kanilang room ay lumapit agad si Harold. "Good morning Ynah." bati nito sa kanya. "Good morning din." malumanay iyon. Wala siyang balak makipag-usap sa kanya. Baka makita sila ulit ni Sheena at gagawa na naman ng eksena. "Pwede ka bang makausap?" tanong ni Harold habang kinukuha ang silya na nasa tabi nito at naupo. "Pls Harold, ayoko na ang maeskandalo. Baka makita tayo ni Sheena at pagselosan na naman niya ako." sabi naman ni Ynah. "Dont worry, di ka na niya eeskandalohin. Sheena is happy now with her boyfriend. At alam niyang di ko siya gusto. At tanggap naman niya." sabi ni Harold. "Kinausap ko na siya nung isang araw about it. Actually, we are now friends at alam niyang hanggang dun lang kami. Nagkabalikan kase sila ng dati niyang boyfriend and she is happy with that." pagpapatuloy nito. Nakikinig naman si Ynah. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito. Totoo ba ito? "Gusto ko lang makipagfriend. Kaw na lang kase di ko masyadong nakakausap dito eh." sabi pa na Harold. "Pwede ka bang maging kaibigan?" tanong ni Harold kay Ynah. Di siya makapagsalita. "Ah-a-o-o oo." nauutal siya. Kinakabahan na naman kase siya. Ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Di niya ito matignan ng deretso.

"Oo naman." bawi ni Ynah para di mapansin ni Harold kung ano ang nararamdaman niya. At siya namang pagpasok ni Sheena sa kanilang room. Nakita pa niyang inihatid ito ni Christian sa kanilang room. Ah nagkabalikan na talaga sila. Nag-hi pa ito sa kanilang dalawa bago nagpunta ito sa mga barkada niyang nagkukwentuhan din sa dulo ng kanilang room. Nasa harapan kase si Ynah nakaupo. Kinabahan siya. Akala niya ay gagawa na naman ito ng eksena nang makita niyang nag-uusap sila pero hindi. Nakangiti pa ito ng makita sila.

"Good! From now on, we'll be friends." Ewan pero medyo nasaktan siya sa kanyang narinig. Friends? Bakit? Ano pa ba ang gusto niyang mangyari?

Nagkwentuhan ang dalawa. Nawala na ang hiyang nararamdaman nila sa isa't-isa. Nakisabay narin si Mely sa kanilang kwentuhan nang dumating ito.

Ah alam na ni Ynah about sa past lovelife ni Harold. Ang dami nilang napag-usapang tatlo. Nakilahok narin ang grupo ni Sheena sa kanila.

Ngayon lang naramdaman ni Ynah ang ganoong saya. Masaya siya dahil ok na sila ni Sheena. Masaya palang kasama sina Sheena at barkada nito.

Araw-araw na nagkukwentuhan sina Ynah at Harold hanggang sa lumalim ang kanilang nararamdaman. Pero wala silang sapat na lakas ng loob para sabihin sa isa't-isa. Minsan na ring bumibisita si Harold sa kanilang bahay. Minsan pinupuntahan pa siya sa kanyang trabaho. Wala! Magkaibigan lang sila..

Dlanyerzone University: Harold and YnahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon