Sa pag-ihip ng hangin. Sa panonood ng mga nagpupulahang rosas. Sa pagpatak ng mga butil ng niyebe. Ilalahad ko na ang papel ng aking kapalaran. Ngunit iba ang may hawak ng tinta. Iba ang magsusulat ng mga letra. Hindi ako. Ako ang man ang kukumpleto nito, hindi naman ako ang magtatapos. Siya lang. Tanging siya.
--------
"Elahaya! Panoorin mo kung paano maisagawa ang seremonya at maya-maya pa'y malaki ka na at ikaw ang maglalakad sa altar na iyan!"suway ni Inang nang mapansin atang wala akong interes sa nagaganap na seremonya sa aking harap. At saka pa, lumaki man ako, wala akong balak maglakad sa harap ng altar! Wala akong balak magpakasal!" Inang, gusto ko ng umuwi! Gusto ko ng matulo-"
"Sige! Ipagpatuloy mo yang mga salitang iyan! 'Pag narinig ko ulit ang mga salitang iyan! Naku! Hindi ko na iintayin pang lumaki ka at ipapakasal na agad kita sa anak ni Apong Keni! Agad-agaran!"
Nanlaki ang aking dalawang mata sa gulat. Hinding-hindi mangyayari iyan! Magkamatayan man ngunit hindi ako magpapakasal lalo na sa anak ni Apong Keni na si Bugnoi! Daig pa nun ang suka! Laging may putok! Masasayang lang ang aking kagandahan kung pakakasalan ko ang lalaking kahit pagligo ay di kayang gawin!
"Inang! Parang awa mo na!-"
"Pumili ka Elahaya, makinig sa seremonya at magpakasal sa tamang edad o matulog sa bahay at pagkatapos ng isang ito ay kayo ng dalawa ni Bugnoi ang sunod?!"
Napalunok ako ng laway at napasimanot kasabay ng pagbagsak ng aking balikat. Suko na. Kulang na lamang ay bugahan ako ni Inang ng apoy at kaladlkarin ako sa altar. Kaya labag man sa aking kalooban ay nanood ako ng seremonya ng kasal ngunit lumilipad ang isip sa ibang bagay.
Ang ate Corociana ang kinakasal ngayon, pinsan kong babae sa aking ina. Samantalang tanging anak lamang ako at si Amang kaya wala akong kilalang pinsan o kamag-anak man sa kanyang panig. Ang pinsan ko ay labing walo'ng taong gulang palamang, ngunit tradisyon na sa aming bayan na sa pagsapit ng ika-18, taon ng dalaga ay kailangan na nitong maikasal. Kung hindi man ay habang buhay na itong mag-isa sa buhay. Maliban na lamang kung merom talagang gustong magpakasal sa kanya, pero malabo iyang mangyari sa bayang ito. Mas gusto ng mga lalake pakasalan ang babaeng nasa tamang edad na labing walo o pababa man. Kaya hanggang sa makakaya, gusto kong umalis sa lugar na ito na hindi binibigyan ang mga kababaihan ng karapatan.
Gusto kong pakasalan ang lalaking mahal ko, hindi ang lalaking ipinilit lamang sa akin dahil kailangan ko ng magpakasal habang bata pa. Gusto ko ng lalaking pakakasalan ako dahil gusto nya at mahal nya ako, hindi dahil responsibilidad nya lamang o di kaya'y napilitan dahil nasa tamang edad pa ako. At mangyayari lamang ang mga iyon, kung makakaalis ako sa lugar na ito. Pipilitin ko si Inang, at kung hindi man sya pumayag, hahanapin ko si amang sa anumang sulok ng bayang ito para payagan at basbasan ako. Dahil ang totoo, si Amang ang Punong Tagapamalakad sa bayang ito at ilang linggo na siyang nawawala sa hindi malamang dahilan. Nawawalan na nga ng pag-asa ang aking Inang, ngunit umaasa parin akong babalik siya. Maaaring naligaw lamng siya sa gubat habang nangangaso o di kaya'y may pinuntahang ibang bayan at naabutan ng bagyo.Basta, alam ko, ligtas siya!
"Haya! Parito ka at tikman mo ang kakaning ito!"biglang tawag sa aking ni Tiyang Kura, ang inang ni Ate Corociana. Pumunta naman ako sa kanya.
Matapos ang seremonya sa templo ay nagsipuntahan na ang mga dumalo sa bahay ni Tiyang Kura para sa pagsasalo-salo. At talagang napakadami ng handa dahil ito na ang huling araw ni ate sa kanilang bahay at lilipat na siya sa bahay ng kaniyang bagong asawa.
" Masarap, Tiyang"ani ko habang ngumunguya. Ang sarap nga! Hindi sobrang tamis kaya di nakakasuyang papakin.
"Talaga ba? Dapat lang! Sa kabilang bayan ko pa binili ang mga sangkap niyan! Di bale at padadalhan ko kayo ng iyong Inang niyan! Teka, asaan na ba si ate Elina? Nasan ang iyong ina?"
Napalingon ako sa paligid ngunit di nahagip ng aking paningin ang pigura ni Inang.
"Nandyan lamang po iyon sa tabi-tabi!"
"Haha. Marapat nga. Malay natin ay nakikipagnegosisyon na sa kanyang mga kaibigan at naghahanda na rin para sa iyong kasal?"
Napaubo naman ako at muntik ng maluwa ang kakaning nasa bunganga, maigi na lamang at nabigyan agad ako ni Tiyang ng isang basong tubig.
"Oh, bakit, Haya? Kinse anyos kana at napakabilis ng oras! Kailangan nyong magmadali mag-ina! Ngunit, para sa akin ay tila di na kayo mahihirapan, sapagkat nakapila ang iyong mga manliligaw! Nagunguna syempre si Bugnoi!"
"Tiyang naman! Pati ba na naman kayo?!"at sa aking inis ay nilayasan ko si Tiyanag Kura na kalakas-lakas ng tawa. Puro sila Bugnoi!Bugnoi! Kung sila kaya ipakasal ko dun sa mabantut na iyon?!
Pero tila mapaglaro ang tadhana. Hindi ko man pinakasalan si Bugnoi sa edad na labing walo, natali naman ako sa isang lalake sa edad labing anim..
--------" You have no choice but to marry him, young lady. Or he'll not consider the chance of you, existing couple of years in this world. Suffer by marrying him or die without saving your dear father?"
YOU ARE READING
A Deal To Seal Her Lifetime
AdventureElahaya is a beutiful girl who dreamed to marry the man she love not the man who's only responsible to marry her. But it'll never happen if she continue to live her life in their village that can't give women rights to marry who they love. So, she n...