III

6 0 0
                                    

Malapit na. Natatanaw ko na ang dulo. Ngunit pagtungtong ko sa dulong ito, dito palang magsisimula ang lahat. Ang paglapat ng kanyang tinta sa papel ng aking kapalaran. Ano kaya ang isusulat niya rito? Sawa na ako sa mapapait na pangyayari. Gusto ko namang sumaya. Ngunit, tila malabo ito'ng mangyari. Magiging asawa ko man sya, at ako naman nya, hindi naman namin mahal ang isa't isa. Isang sapat na rason para paglaruan nya ang aking damdamin. Subalit, hindi ko mapigilang umasa, bakit nya ako dinala sa ganitong kagandang lugar? Para paglaruan lamang? Sana. Sana kahit paano, iparamdam nya sa akin ang kasiyahan. Kahit saglit lamang. Sana, kahit paano, iparamdam nya sa akin ang buhay ng dalawang taong nagmamahalan...

-----------

"Amang, ito po! Ito po! Nakahuli po ako ng maliit na biya!"sigaw ko at dali-daling umahon mula sa ilog at tumakbo sa pang-pang kung saan nag-iihaw na ng dalag at tilapia ang aking amang.

Gamit ang aking dalawang maliit na kamay, ilang beses kong dinadakma ang mga maliliit na biya sa ilog at nakadakma ako ng isa!

"Siya nga? Halika nga dito! Nais mo ba iyang ihawin, Haya?"nakangiting tanong ng aking ama. Agad-agaran naman akong tumango ngunit...parang, ang liit-liit naman ng biyang ito para ihawin agad! Kawawa naman!

" Pero, Amang, bata pa po masyado ang biyang ito! Pakalwan ko kaya muna?"nanghihinayang kong suhestiyon. Pinaghirapan kong kunin, papakalwan ko rin pala. At saka, iniisip ko palang na iihawin ko ito, parang ako yung naiihaw ng buhay! Kaya bumalik ako sa tabing ilog at pinakalwan na ang maliit na biya.

"Ang bait naman ng anak ko. Manang-mana sa akin. Imposible kasing sa Inang mo ikaw nagmana dahil saksakan ng maldita ng babaeng iyun!"at nagtawanan kaming dalawa ni amang.

"Ano iyang napapakinggan ko na maldita daw ako. Ano yan Hakob? Sinisiraan mo ba ako sa anak natin?"biglang may nagsalita. Napalingon kami ni amang sa isang bahagi ng ilog at napansin si Inang na umaahon na dala-dala ang mga damit na katatapos lang labhan.

Napalunok na si amang. Samantalang ako'y kinabahan. Malamang ay mapapagalitan din ako dahil nabasa ko na naman ang bagong tahing saya ni Inang na suot-suot ko na ngayon.

"Hayan na. Si Dragona. Bubuga na ng apoy!"bulog sa akin ni amang at sabay na naman kaming tumawa.

At hinihiling ko na sana habang buhay na lamang ako'ng bata. Puro paglalaro lamang, kasiyahan, tawanan at biruan. Higit sa lahat, nandito pa ang aking amang na palagi kong kadamay lalo na pag pinapagalitan ako ni Inang na madalas mangyari. Ngunit tila kabaliktaran ang nangyayari ngayon'ng ako'y nagdadalaga na. Imbis na ako'y tumatawa, narito ako mag-isa sa aking silid, tumutulo ang mapapait na luha habang hinahanda ang mga bagay na kailangan ko'ng gamitin sa paglalakbay.

Buo na ang aking pasya. Maglalakbay ako mag-isa sapagkat hindi lamang ang aking buhay ang pinag-uusapan dito, buhay din ng taong aking pinakamamahal. Kung walang sasama sa akin, ayos lamang. Kasama ko ang mga mabubuting espiritu na  ayon kay  Apong Keni. Tuwing ako ay kanyang nakikita, binabanggit nya lagi ang mga espiritung nakasunod sa akin na pawang nagbabantay para sa aking kaligtasan.

" Elahaya, Ineng , nakikita mo ba ang mga espiritu na nasa likod mo? Kay bubuti ng kanilang awra!"

"Po? Espiritu? Nasaan po?"

"Masyado ka pang bata para maintindihan ang mga bagay na ito, Elahaya. Hayaan mo at kapag ika'y lumaki na, magpapakita ito sayo. Sana ay  magpaatuloy ka sa  pagkaroon ng malinis na kalooban, kung hindi ay aalis ang mga ito..."

Noong una ay hindi ako naniniwala dito lalo na at may kumakalat na balitang may saltik daw sa utak si Apong Keni na mahirap paniwalaan sapagkat napakabait nito. Ewan ko ba, kung totoong may sumusunod na mabubuting espiritu sa akin, bakit ako? Hindi naman ako mabuti, lagi ko ngang nilalait ang kanyang anak na si Bugnoi sa aking isip. Ang bantut kasi ng taong iyon.

Pero ngayon, sa aking palagay, ang mga katagang sinabi sa akin ni Apong Keni ang tanging panghahawakan ko upang manatiling ligtas sa aking paglalakbay. Sana, totoong may mga mabubuting espiritu sa aking likod. Sana, hindi sila natakot sa aking mala dragong Inang at tumakbo palayo. Sana, proteksyonan nila ako.

------

Hindi pa man pinapakita ni haring araw ang kanyang liwanag ay handa na akong gumayak. Nanghiram pa ako kahapon ng kabayo sa aking pinsan at nangako'ng ibabalik makalipas ang isang linggo. Buti na lamang at pumayag ito. Kung hindi ay baka mas mauna pa ako'ng mamatay sa aking amang dahil sa pagod sa paglalakbay.

Huminga ako ng malalim at pinatong sa aming hapag ang aking sulat para kay Inang. Sulat ng pamamaalam at pangakong pagbalik kasama si Amang. Ito na ito. Wala ng urungan. Alam ko'ng magtatagumpay sa bagay na ito.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng aming munting bahay at unti-unting lumabas. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso lalo na nang dumampi sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin.

Humakbang ako palayo sa aming tahanan at nagtungo sa kinaroroonan ng hiniram kong kabayo. Hinipo ko ang ulo nito at gumawa ito ng tunog na kahit paano ay nagpapaalala na  meron ako'ng kasama sa paglalakbay. Kasama na aking nakikita at nahahawakan, bukod sa kasamang hindi ko nakikita ngunit buong puso ako'ng pinagmamasdan.

Mahigpit kong hiniwakan ang tali ng  supot na naglalaman ng aking gamit na nakasakbit sa aking likod. At sumakay sa kabayo. Huminga ako ng malalim at naghanda ng umalis. Umalis palayo sa aking tahanan kung saan nahubog ang mga bagay na aking kinagisnan. Ngayon, haharapin ko na ang isa sa mga pinakakinakatakutan kong bagay, pagiging mag-isa. Dala ang lakas ng loob, sinimulan ko ang aking paglalakbay na hindi man lang nalalaman kung ano ang magiging katupasan.

At sana...sana, nakinig na lamang ako sa aking ina. Sapagkat tinakasan na ata ako ng mga mabubuting espiritu'ng dapat ay magliligtas sa akin laban sa mga nilalang na gusto ako'ng angkinin...

------

"You have a deal with us, Elahaya, and to seal that deal, you need to sacrifice your freedom, and marry him. Maybe in a month, in a year or in a lifetime..."

A Deal To Seal Her LifetimeWhere stories live. Discover now