Unti-unti ko'ng inilapat ang aking talampakan patungo sa loob ng isang kubo'ng gawa sa pawid at kawayan. Sa aking pagtapak sa kawayang sahig ay gumawa ito ng tunog na lalo pa atang nagpabilis ng pintig ng aking puso. Sa gitna ng kubo ay mayroong lamesa na naglalaman ng isang blangkong papel at isang karayom. Tumungo ako rito at mataimtim na tinigan ang mga gamit na nakapatong sa lamesa. Tila pino-proseso ang kailangan kong gawin. Bakit kasi hindi sila naglagay ng panuto? Hindi naman ako manghuhula! Pero, halata naman ang kailangan kong gawin, sapagkat sinabihan na ako ng matanda, kailangan nila ng aking dugo. Kaya, unti-unti kong itinusok ang karayom sa aking isang daliri at mabilisang tumulo papunta sa blankong papel. Ngayon, nahihinuha ko'ng bago nya isulat ang aking kapalaran, kailangan nya muna ng dugo mula sa aking katawan...
------------
Malakas at malamig ang hampads ng hangin sa aking balat. Ewan ko ba. Pero natutuwa ako kasi ang bilis ng kabayong ito na tumakbo, pakiramdam ko ay wala na ako sa bayan namin. Ang problema lamang ay tag-lamig ngayon at kahit nakadungaw na ang nakakasilaw na sikat ng araw ay napakalamig pa rin ng hangin. Hindi man lamang ako nakapaghanda ng mas makapal na damit.
Makalampas ng aming bayan ay may madadaanan kang kakahuyan ngunit hindi ito ganito kalaki kaya matatanaw mo na agad ang karatig bayan. Kung iku-kumpara ang bayan namin sa iba, masyado itong misteryoso at tila napaglipasan na ng panahon. Dahil sa akjng oagkakalam

YOU ARE READING
A Deal To Seal Her Lifetime
AventureElahaya is a beutiful girl who dreamed to marry the man she love not the man who's only responsible to marry her. But it'll never happen if she continue to live her life in their village that can't give women rights to marry who they love. So, she n...