Chapter Two

313 15 2
                                    

Irene's POV

Jusko. Ano bang meron bakit nakita ko na naman ang hayop na yon? Akala niya ba okay na kami? Isang malaking ekis.

Sana talaga last na yun. Hangga't maari nga ayokong matabi sa kanya. Ewan ko kung baket. Pero isa lang ang alam ko. Malaki ulo niya. Mayabang.

Kala niya madadala niya ko sa pangiti ngiti niyang yun? Aba wala akong sinasanto kung di niya lang alam. Miski bata nga pinapatulan ko e, not sexually.

"Ginagawa mo dito?" yan ang agad na tanong sakin ni Wendy nang makarating ako sa room.

"Linya ko yan ah." sabi ko at naupo sa tabi niyang upuan.

"Baliw sa deans' office ka dapat dumiretso. Dun pinapapunta mga transferee. Sinabi na yan nung orientation ah." sabi naman nito.

Ay puta oo nga pala. E kasi naman. Bakit nagpakita pa ang hayop na yun dito? Paniguradong makikita ko na naman siya mamaya sa deans' office. Transferee rin pala ang kupal.

"Oh the walking teddy bear." biglang sabi ni Wendy habang nakatingin sa isang direksyon.

"Pinagsasabi mo?"

"Yung bagong lipat dun sa condo na tinutuluyan mo." sabi niya kaya mabilis akong napatingin sa direksyon na tinitignan niya.

PUTANGINA. WAG MONG SABIHING...

"There you are. Bakit ka tumakbo?" sabi nito at nagulat ako ng makitang nasa harap ko na pala siya.

"Pano..."

"Surprise! ABM 1, right? We're in the same class." sabi niya pa at nakangiting pinakita yung schedule niya.

No way...

"KAKLASE KITA?!" sigaw ko kaya napatingin sakin yung iilan naming kaklase.

"Gosh. What's with her?"
"She's so loud. So disgusting."
"And annoying. This is a school not street."
"Is she a transferee?"

Una si Wendy. Sunod tong kupal na si Seulgi at last, itong mga chismosang walang alam. Sige nga. Ano pang sunod? Sino pang sunod? Tumatanggap pa ko.

"Hello. I'm Wendy. Kaibigan ako ni Irene. You are?" biglang singit ni Wendy at ngumiti kay kupal.

Napansin kong hindi sumagot si Seulgi kaya naman napatingin ako sa kanya. Muntik na kong matawa nang makita ang pagpula ng tenga niya. Tangina. Sobrang pula talaga. Kitang kita kasi ang puti niya. What the hell? Mukha pa siyang natatae na ewan.

"H-hi. I'm S-seulgi." sabi lang ni Seulgi at nakita ko ang bahagya niyang pagkamot ng batok.

Wag mong sabihing type nito si Wendy? Jusko naman.

"Hi Seulgi-ah! Nice to meet you! Lets be friends!" masayang sabi ni Wendy at inabot ang kamay niya.

"Okay." sabi lang ni Seulgi at agad na inabot ang kamay ni Wendy saka nakipagshake hands.

WOW. ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA NIYA.

Bakit nung si Wendy na yung gustong makipagshakehands agad niyang inabot yung kamay niya? Napakabastos ng kupal na to ah.

Sa inis ko ay tumayo ako at tinabig yung kamay ni Seulgi saka ito hinila palabas ng room. Sumusobra na siya.

"San kayo pupunta?" rinig kong tanong ni Wendy pero di ko na siya hinarap at dali daling lumabas ng room.

Agad kong binitawan ang kamay ni Seulgi at humarap sa kanya.

"Tapatin mo nga ko. Do you like her?" tanong ko na ikinagulat niya. Namula pa ang mukha niya pati tenga niya. Nagtanong pa ako -_-

"Di ka sasagot?"

"Yes. I do like her." mabilis niyang sagot.

Hindi ko alam kung tatawa ba ko o ano e. For pete sake ang dali namang mainlove ng kupal na to.

"Seryoso ka?" tanong ko rito.

"Yes. Magmula nung makita ko siya sa condo kanina, may naramdaman akong kakaiba." sabi nito at bigla nalang ngumiti. Tangina. Ang creepy.

"Baka naman kabag lang yan." sabi ko pa.

"No. I'm serious. I like her." sabi nito. Hay nako. Kita nga naman sa mukha niya na type niya si Wendy nagtanong tanong pa ko.

"Alam mo naman sigurong bestfriend ko siya noh?" sabi ko kaya napakunot ang noo niya.

Di niya pa alam -_-

"Really? Paano?"

"Aba bastos ka ah."

"I mean paano kayo naging magbestfriends? Mula pagkabata ba?"

Wow. First time to na may nagtanong ng iba tungkol sa friendship namin ni Wendy. At itong si kupal pa ang una ha. Ganun niya ba kagusto si Wendy? Mahirap to.

"Yup. We are childhood friends." sagot ko at napatango naman siya.

Nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko at tinapat sa dibdib niya. What the hell?!

"Ano ban--"

"Kung iniisip mong pinagtitripan ko lang si Wendy, ang bestfriend mo, nagkakamali ka. Naririnig mo ba yung pintig ng puso ko?"

Ano bang sinasabi niya?

"Ha?"

"Pakinggan mo. Sabi niya, Wendy Wendy Wendy Wendy Wendy Wen-- ARAY!" sigaw nitong nang sipain ko ang paa niya.

Napaluhod pa siya sakin. Nababaliw na siya.

"Kapal ng mukha mong manyakin ang bestfriend ko. Magtigil ka kupal ah. Binabalaan kita." sabi ko.

"Fvck.. hindi ko naman siya minamanyak e. Ang sakit Joohyun..." sabi lang niya habang minamasahe ang paa niya.

"Dapat kasi di mo na ginawa yun."

"Dapat kasi wala kayo sa hallway. Anong ginagawa niyo dito ha? Hindi niyo ba narinig yung bell?"

Rinig kong sabi nung isang babae kaya dali daling napatayo si Seulgi.

"Oh shit..." rinig kong bulong ni Seulgi.

"Ddeulgi-ah!" biglang sabi nung babae at dali dali ding lumapit kay Seulgi saka ito niyakap.

Okay?

Nakita ko yung id nung babae. Siya yung dean ng school. Magkakilala sila ni kupal?

"Yah! I miss you so much! Bakit hindi mo ko tinawagan ng makauwi ka dito?" sabi pa nung babae habang patuloy pading niyayakap si Seulgi.

Okay gets. Baka ito yung jowa niya. Wow. Matinik talaga sa babae tong kupal na to. Teka nga... E BAKIT SIYA NAGKAKAGUSTO SA IBANG BABAE?! TWO TIMER ATA TO AH.

"Hoy. May jowa ka na pala bakit nagkakagusto ka pa sa bestfriend ko?" sabi ko sa kanya kaya napatingin sila pareho sakin.

Nakita ko ang pagkagulat ni Seulgi at saglit na tumingin dun sa babae. Wow. Makakasaksi na ba ako ng break up?

"Excuse me Young Lady. What did you say?" tanong nung babae.

Napansin ko ang pagsenyas ni Seulgi na wag magsalita. At balak niya pang lokohin tong jowa niya ha. Tignan natin.

"Yan kasing jowa mo. Type yung bestfriend ko. May balak pa atang manligaw." sagot ko.

"Is it true, Ddeulgi?" sabi nung babae kay Seulgi.

"Y-yes, unnie. I do like her." sagot lang ni Seulgi kaya napakunot ang noo ko.

"What? Unnie?! You mean..."

"Yes Young Lady. I'm her sister. Not her girlfriend." sabi nung babae at ngumiti sakin.

OH CRAP.

----

#Chapter2

I Like You, You Like Her || seulrene ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon