Chapter 2

9 0 0
                                        

Inihatid ako ni James sa bahay namin. Pagpasok ko ng bahay naabutan ko ang mga maids na busy. Siguro dumating na si mommy at dad.  Dali dali ako umakyat ng hagdan at pinuntahan si daddy sa kanyang office dito sa bahay.

"Dad?" Tawag ko

"Yes baby?" Sabi ni daddy

"Daddy! Stop calling me baby, hindi na ako baby ang laki laki ko na e." Sabi ko

"Hahaha. Namiss lang kita e ang tagal naming nawala ng mommy mo e"sabi niya

Nagpunta sila sa abroad para ayusin yung iba pa naming buisness don.

"Where's mommy?" Tanong ko

"Andon sa room, nagpapahinga para mamaya" sabi niya

"Sige bye dad! Puntahan ko lang si mommy!" Sabi ko habang tumatakbo palabas ng office niya

Pagpasok ko sa room nina mommy, nakita ko si mommy na nagsasayaw ng favorite naming sayawin. So I joined her, nakita niya ako at niyakap.

"Marie, Namiss kita anak" sabi niya habang nakayakap.

"I know mommy, namiss ko din po kayo" sabi ko

"Pagpasensyahan mo na si mommy at dad mo minsan lang kami nakakauwi" sabi ni mommy halata sa kanya na malungkot siya

"Okay lang po mommy, alam ko naman po na para po ito samin ni kuya" sabi ko "wala naman pong problema sa buisness natin sa abroad mommy?"tanong ko.

"Wala naman anak" sabi niya sabay ngiti.

"Sige na po mommy magpapahinga lang po ako para po mamaya" paalam ko

"Sige anak" sabi niya at hinalikan niya ako sa cheeks

My mom is so sweet, pinalaki siya ng mga magulang niya na independent at mapagmahal. Si mommy ay laki sa probinsya at si daddy naman ay laki sa siyudad. Nagkakilala sila noong college sila sa isang university at pareho sila ng course. They fell in love with each other hanggang sa nakapagtapos sila at nagpakasal at nagkaanak at kami yun ni kuya.

Pagkalabas ko ng kwarto nina mommy ay nakita ko si kuya na pababa ng hagdan. Hindi ko pa pala napapakilala sainyo ang aking one and only sibling hihi. His name is Mark Kit Salvacion, 18 years old. 2 years ang agwat namin. Famous kung saan pumunta, crush ni James yan. Famous din naman ako pero mas famous siya, kasi lahat nasa kanya na. Matalino, mabait, matulungin, gwapo at higit sa lahat may sarili na siyang company. Akalain mo yun 18 years old palang may company na diba?! Pero pinaghirapan niya lahat ng yon, hindi siya humingi ng pera para makapagpatayo ng sarili niyang company. Nagtrabaho siya ng patago para magawa niya yung dreams niya.

Pumasok na ako ng kwarto ko at may nakita akong box. Siguro ito ang susuotin ko mamaya. Pagbukas ko ng box......

"Ah! Mommy! Dad!" Sigaw ko

Pagkita ko sa pinto ayun si kuya nakatayo at tumawa na ng tumawa. Binato ko siya ng unan, hilig niya kasi ako lambingin sa pamamagitan ng gagamba.

After 1 hour
Papunta na kami ngayon sa birthday party ng lola ni James sa isang private resort kasi yun gaganapin. Medyo malayo layo siguro mga 1 oras ang byahe namin. Hindi na muna ako nagayos at nagbihis dun nalang ako magaayos sa hotel.

"Baby dun ka na sumabay kay kuya mo, dun kayo sa kotse niya sasakay" sabi ni dad

"Daddy! Ayoko sumabay kay kuya. Mamaya baka isama pa ako sa bar hopping niya e." Sabi ko. Oops nadulas ba ako?

Alam kong mabait si kuya, pero nagbabarhopping siya para makapagrelax man lang.

"Keith! Shhhh." Sabi ni kuya

"Hindi naman si kuya mo ang magdridrive e, si manong pedro ang magdridrive. Ayaw kasi ng kuya mo dalhin yung kotse niya kasi tinatamad daw siyang magdrive" sabi ni mommy

"San kayo sasakay?" Tanong ko.

"Sa van ng mga bodyguards alam mo na ang daddy mo gusto makausap sila at para makapagbonding kasama naman din namin si yaya luring close sila diba nung lola ni James? Sige na anak pumasok ka na sa kotse" sabi ni mommy

"Sige po mommy" sabi ko bago pumasok sa kotse

May kasama kaming 3 bg's sa kotse ni kuya. Buong biyahe ay nakatingin lang ako sa bintana hanggang sa namalayan ko na nakarating na kami sa resort. Hala 7:00 na pala?! Akala ko ba 1 oras lang ang biyahe. Pagbaba ko ng sasakyan nakita ko si Angela at James na kumakaway sakin.

"Huy teh!" Sigaw ni James

"Beshieeeee! Ano ba yan bakit ang tagal niyo?" Tili naman ni Angela

"Si manong pedro kasi ang nagdrive, alam mo naman na medyo mabagal HAHAHA" sabi ko sabay tawa

Tumawa din naman sila.

"Sa iisang room nalang tayong tatlo? Dali." Yakag ni James

"Sige dun tayo sa room ko. Ako lang kasi ang hiniwalay ni mom e" sabi ni Angela

"osige ba" sabi ko naman

Minsan nalang kasi kami nagslesleepover e.

Paano na ang TAYO? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon