Chapter 1

11 1 0
                                    

Ako nga pala si Marie Keith Salvacion. 16 years old at nagaaral ako sa isang international school. Yes, international school diba pak na pak? Ang mga magulang ko is parehong buisnessman and buisnesswoman. At ako eto ineenjoy lang ang buhay ko.

"Uy teh?! Nakikinig ka ba sakin?" Sabi ni James

"Ay oo, ano nga ulit yung sinasabi mo?" Sabi ko

Oo tama ang iniisip niyo. Si James ay isang beki, nakilala ko siya nung birthday party ko nung 7 years old ako kasama siya nung isa ko pang bestfriend na si Angela. Ang mga parents din nila ay parehong buisnessman and buisnesswoman.

Andito kami ngayon sa isang mall na malapit lang sa village namin. Saturday ngayon balak kasi naming magshopping para sa birthday party ng lola ni James mamayang gabi.

"Huy! Ano ba teh? Sabi ko nagtext si grandpa na bumili daw ako ng flowers para kay lola." Sabi niya

"Ah yun ba? Sige." Sabi ko naman

"Are you okay? Bakit parang wala ka sa sarili mo?" Tanong niya

"Yes, uhm may iniisip lang ako. Wait asan na ba si Angela?" Sabi ko.

"Ay nako! Hindi ka kase nakikinig sakin kanina e" sabi niya sabay irap at naglakad na papasok ng flower shop.

Pare pareho kami ng school na pinapasukan. Ang pamilya namin ay magkakashare sa buisness, kaya close ako sa family nila at close din sila sa family ko. Pumasok na ako sa flower shop at agad nakita ko si James na nagpapacute dun sa boy na tumitingin din ng flowers.

"Huy James, baka maabutan ka ng gf niyan." Sabi ko

"Wala atang gf to teh." Sabi niya

"Meron, ayun oh" sabi ko sabay turo dun sa babae na papalapit

"Uhm babe, anong gusto mong bulaklak?" Tanong ni james sakin sabay akbay

"Kahit ano babe" sinakyan ko ang trip niya hahaha.

Lumapit samin yung girl " ikaw ba yung nagpapacute kanina sa bf ko?"tanong niya kay James

"Excuse me? Siya? He's my boyfriend imposible naman po ata yon?" Pagtatanggol ko kay James, kabado kasi siya lagi kapag may mga ganito e.

"Sorry, nagkamali lang siguro ako" sabi nung girl sabay ngiti

"Okay lang po" sabi ko at ngumiti.

Bumili na kami ng bulaklak at gifts para sa lola ni James. Pinadala nalang ni James yung bulaklak at gifts sa mga bodyguards. Maaga pa naman so magmomovie nalang muna kami para hindi kami mainip kaiintay sa mga bg ni James. Nakapila si James para bumili ng ticket at popcorn. At ako naman eto nakatingin nanaman kung saan hanggang sa may nahagip ang aking mata na lalaki na nakaupo at mukhang busy sa phone niya.

"Marie Keith Salvacion!" Sabi ni James

"Ay Marie Keith! Ano ba yan James?! Sabi ko naman sayo wag na wag mo akong tatawagin ng fullname ko e" Sabi ko naman

"Eh? Kanina pa kaya ako tawag ng tawag sayo!" Sabi niya

Talaga ba? Hala ano ba tong nangyayari sakin!
Pumasok na kami ng cinehan, As usual Horror nanaman yung papanoodin namin. Nakailang panood na yata kami ng movie na ito e.

"James?" Sabi ko.

Hindi siya sumagot. Tinignan ko, ayun nakatulog. Buti nalang kokonti lang yung mga nanonood. I texted his bg's na sunduin na kami. Malapit ng matapos yung movie ginising ko na si James.

"Huy James, lets go na?" Tanong ko

"Wait, magpapowder lang ako." Sabi niya at nagpowder siya

Pagdating namin sa parking lot nakita ko na yung van ni James. Agad naman kaming sumakay sa van at nirelax ang aming katawan.

Biglang nagsalita si James "Kaloka yung girl kanina, I thought she will slap me buti nalang andiyan ka, hihi but I like that boy" sabi niya habang kinikilig

Nakakapagod sobra ang paggagala naming yon. Nagring ang phone ko at nakita ang pangalan ni Angela sa screen. So I answered it.

"Hello" aniya
"Hello, bakit wala ka kanina?" Tanong ko.
"Naklimutan ko e. Sorry promise next time besh babawi talaga ako. Magkikita naman tayo mamayang gabi diba?" Tanong naman niya
"Oo nga. I guess see you later?" Sabi ko
"Sige besh. See you mwah" sabi niya and then she hang up

Paano na ang TAYO? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon