Chapter 3

6 0 0
                                        

Nang makarating kami sa kwarto ay agad kaming nagbihis at nagayos ni Angela kasi magstastart na daw yung program. Si James ayun hinahakot yung gamit niya para mailagay dito sa room namin. 2 days ata kami dito sa private resort na ito.

Knock knock

"Ako na." Sabi ko kay Angela

Pagbukas ko ng pinto nakita ko ang isa sa mga bg nina James.

"Ma'am keith at ma'am Angela pinapatawag na po kayo ng mga magulang niyo. Pumunta nalang po daw kayo sa may lobby, doon daw po sila naghihintay" sabi nung bg

" Sige" sabi ko sa kanya at umalis na siya

" Asan na ba yung si James?" Tanong ni Angela

" Andito na ang prinsesa ng mga magaganda!" Sabi ni James. May bg siyang kasama bitbit ang gamit niya.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ko sa kanya

"Syempre, ang mga swimsuit ko inayos ko pa diba?" Sabi niya

"Ay nako James. Tara nalang kaya mamaya sa rooftop ang alam ko may bar don diba?" Tanong ni Angela kay James

"Ay oo, Gusto ko yan!" Tili ni James

" lets go na. Naghihintay na sina mommy at dad sa baba" sabi ko

Pareho nila ako tinignan at sabay pa nila sinabi "Ay ang Kj."

Wala na naman kasi silang choice hinihintay na kami sa baba. Nung nasa lobby na kami nakita agad namin ang parents namin na masayang nagkwekwentuhan.

"James bakit ang tagal niyo?" Tanong ng mommy ni James

"You know my beautiful mother nagkwentuhan pa po sila sa taas e." Sabi ni James

Hala. Kami pa talaga ang sinabing nagkwentuhan, talagang si James hayst. Tanggap ang katangian ni James sa family niya. Gusto rin kasi ni tita ang magkaron ng babaeng anak. Puro lalaki kasi ang anak niya

"Hi tita" masayang bati namin ni Angela sa mommy ni James

"Oh my! Angela, Keith ang ganda ganda niyo pareho. Hihi kung nagka anak lang ako ng babae." Sabi ng mommy ni James nung nakita niya kami

"Meron naman po tita kayong anak na girl. Ayan po si James" sabi ni Angela habang nakaturo kay James

Nilapitan naman kami ni Mommy at dad. Niyakap din ni mommy si Angela at nagbeso sila habang nagkakamustahan about sa school.

"Keith?"tawag ni dad sakin

"Yes dad?" Sabi ko

"Asan ang kuya mo?" Tanong ulit niya. Oo nga noh hindi ko naalala na kasama pala namin si kuya.

"Uhm wait dad tatawagan ko po."sabi ko

Tatlong ring lang ay sinagot na agad ni kuya ang tawag ko. "Where are you?" Tanong ko.

"Nandito lang ako sa may pool bakit?" Tanong niya

"Hinahanap ka ni dad. Pumunta ka na dito sa lobby para sabay sabay na tayo pumunta dun sa hall" sabi ko

Pinatay niya na agad yung tawag. Ganon naman si kuya e hindi man lang sinasabi kung papatayin na yung tawag. Ewan ko lang pag nakita na niya yung the One niya.

Dumating na si kuya at sabay sabay na kami pumunta sa may hall. Lahat ng mga imbitadong bisita ay  na andon sa kanilang seats. Sakto nasa round table kami. Kasama namin sa table ang family ni Angela. Syempre sa  may bandang likod ng table namin ay ang mga bg's namin at bg's nina Angela. Syempre si James dun sa may unahan malapit sa uupuan ng lola niya. Dumating na yung lola ni James. Hindi pa naman siya masyadong katandaan makikita mo pa din sa kanya na maganda siya nung dalaga pa lang siya.

"Goodevening everyone. Thank you for coming tonignt" panimula niya

"Enjoy the party, okay? I want you all to meet James. Someday he will manage all the buisness na meron ako." Sabi ng lola ni James

Hindi ko na masyadong naintindihan ang kanyang mga sinabi. Kasi naman si Angela kumwento na lang ng kumwento kasi daw sportfest daw sa isang University. Open daw yun sa public, niyayakag niya ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paano na ang TAYO? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon